FF3- Suprise

7.1K 107 5
                                    

4/28/16
------------

Kathryn's Pov

I am busy preparing para sa suprise birthday para kay DJ. I want it to be simple but memorable.

"adadada? er adada?" sabi ng anak ko habang hinihila ang t-shirt ko.

"Anak, may work pa si Daddy" sagot ko habang pinupunasan ang mukha niya.

We are currently having a dinner, nakaupo si Sky sa baby chair niya na nasa tabi ko.

Kanina pa nga hinahanap ni Sky si DJ.
DJ has a photoshoot, at sobrang timing lang para sa suprise ko.

"amama adadada" banggit ng anak ko at saka inilagay ang ulo sa dibdib ko.

"Aww, my baby wants to sleep na"

"amama" binuhat ko si Sky at dumiretso sa room namin ni DJ. Inilagay ko siya sa crib nya.

Mahal calling...

"Love..."

"Yes Mahal?"

Lumabas ako ng room para hindi ko maistorbo ang tulog ni Sky.

"Miss na kita.."

"Asus! Hindi pa ba tapos ang photoshoot mo?"

"Hindi pa love. Gusto ko na talagang umuwi.."

"Mahal, tapusin mo na ang work mo para makauwi ka na"

"Okay. Sorry kung hindi ako nakaabot ng dinner, nagkaproblema kasi kanina kaya hindi na nagsimulan ng maaga.. Sorry Love.."

"Okay lang, naiintindihan ko naman"

"Pero talagang miss na kita, hindi nga ako nakapagpaalam ng maayos kaninang umaga dahil late na ako.."

"Basta ingat pauwi ha. I love you"

"I love you more, love. Ang hinihingi kong gift ha, huwag mong kalimutan"

"Sus! O sige na bye"

Saktong pagbaba ko ng tawag mula kay DJ, may narinig akong iyak sa kwarto.
Agad ako pumunta ng kwarto at napagalaman ko na si Sky umiiyak.

"Baby.. bakit umiiyak ang baby ko hm?" binuhat ko si Sky at saka hinele.

"adada! adada!"

Hinahanap ng Daddy nya.

"He has work baby..." sagot ko pero mas lalong lumakas ang iyak niya.

"Let us call Daddy"

Mahal calling....

"Napatawag ka, love?"

"Si Sky, hinahanap ka"

Umupo ako sa couch at saka ni-loudspeaker ang cellphone para marinig ng anak ko ang boses ng Daddy nya.

Iyak pa rin siya iyak.

"Mahal..."

"Sky? Anak, si Daddy ito. Huwag mong papahirapan si Mommy mo ha. Just wait for me for a few minutes darating na si Daddy."

Ford Familia (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon