FF5- Spain

6.5K 121 1
                                    

6/27/16

Belated Happy KathNiel Day 💙 Happy 26th. Leave comments and votes!
------------

Kath's Pov

"Chleep na ba baby namin, Hmm?"

"atu atu" hila-hila nya ang damit ng Daddy nya na kasulukuyang natutulog.

"Gusto mo ba mag-chleep katulad ni Daddy? Sige, chleep na tayo"

Mahaba-haba ang byahe kaya kanina pa siguro nabobore si ang baby namin. Grabe kasi yung tulog nya kanina sa hotel. At ngayon, kanina pa nya kinukulit ang Daddy nyang pagod na pagod.

"Hmm, love?" pikit na sabi ng asawa ko.

Inayos ko ang pagbuhat kay Sky at saka hinahaplos ang pisngi ni DJ gamit ang isang kamay ko.

"Si Sky, mahal..."

"Ako na bahala sa kanya okay? Matulog ka na, alam kong napagod ka" sabi ko sabay haplos sa pisngi niya.

"Ikaw kasi..mahal"

"Ano naman ang ginawa ko?" tanong ko.

"Pinagod mo kasi ako kagabi" agad ko syang tinampal.

"Anong pinagod? Matulog ka na. Mapapagod ka naman ulit mamaya kasi kukulitin ka ni Sky"

Pauwi na kmi ngayon galing sa Boracay. 2 days and 1 night lang kami sa Boracay, dapat 3 days and 2 nights kaso parang ayaw ni Sky.

Mabuti na rin kasi maaga kaming nakauwi, hindi pa kami kasi nakaimpake papuntang Spain.

"adadada.."

"Baby, rest muna si Daddy okay para mamaya may energy sya" sabi ko, pero kay Sky walang epekto. Pilit pa rin inaabot ang Daddy nya.

"adadada"

"Anak, huwag mo munang kulitin ang Daddy mo---"

"adadada" ayaw talagang magpaawat.

"Gutom ka na ba baby? Wait kukuha muna si Mommy ng milk" sabi ko.

"adadada!" Wala na akong choice kundi, gisingin si DJ.

Hinawakan ko ang pisngi gamit ang isa kong kamay at mahinang tinatampal ang pisngi.

"Love, tawag ka ni Sky"

"Hmm.."

"Love, buhatin mo muna si Sky tas patulugin. Ayaw talagang magpaawat ang anak mo"

Dahan-dahang minulat ni DJ ang mga mata nya at saka rin kinuha si Sky sa kanya.

Isinandal ni DJ ang ulo ni Sky sa dibdib at saka rin pumikit.

"adadada"

"Chleep na baby ko..hmm" saad ni DJ

"adadada"

"Sleep ka na baby, may pupuntahan tayo mamaya"

Ford Familia (KN)Where stories live. Discover now