FF6- Everyday Ford

5.8K 100 9
                                    

10/1/16
-----------------

Kathryn's Pov

Simula nang makarating kmi sa Spain, hindi na tumigil si Sky kakaturo ng mga bagay na mukhang bago para sa kanya.

"adada oh"

"Yes baby, it's beautiful right? Bukas, papasyal tayo diyan"

"adadadada!" ang saya tingnan lalong-lalo na kapag ang anak mo ay masaya rin tignan.

Ilang oras pa ay nakarating na kami sa hotel kung saan agad kaming kumuha ng suite.

"aww, tulog na ang baby namin..." napatawa ng mahina sa sinabi ni mama

"Mukha yatang napagod Ma, hindi kasi nakatulog sa eroplano. Paano ba naman sobra tutok na tutok sa ulap kanina" sagot ko.

"Mabuti naman hindi umiyak, o-sha magpahinga ba rin kayo baka hindi rin kayo nakatulog kanina" sabi ni Mama.

"Sige Ma"

Kinuha namin ang susi sa suite at saka dumiretso. Hindi mahirap magkaroon ng communication dito sa Espanya kasi natutunan rin namin magspeak ng language nila dahil nga sa movie namin noon ni DJ na Barcelona: A Love Untold.

Pagpasok namin sa room, agad na dumiretso si DJ sa higaan at pinahiga si Sky.

"Magpahinga na rin tayo, mahal?" tumango ako at saka lumapit sa kanya. Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.

Lumapit kami sa kama at humiga sa tabi ni Sky.

"lumalaki na si Sky noh mahal?"

"Tigilan mo ako, DJ ah" sabi ko

Tumawa lang ito at saka hinaplos ang pisngi ko

"Ilang anak ba ang gusto mo mahal?" tanong nya.

"Kahit ilan pa basta ikaw ang magiging ama ng mga anak ko" ngumiti siya. Nilapit niya ang ulo at hinalikan ako sa labi.

"I love you mahal"

"I love you too"

----------

Napamulat ako sa sandaling nararamdaman ko may humahampas sa pisngi ko. Si Sky...

"amama amama"

"Baby, behave. Natutulog pa ang Daddy mo"

Tumigil ang anak ko. Ilang sandali pa ay lumapit ito sa Daddy niya, saka hinalikan sa ilong at humiga gamit ang braso ng Daddy nya na unan.

"Pinaseselosan mo ba ako, nak?" tumawa ako ng mahina at saka rin hinalikan ang ulo ng anak ko.

Hindi na muna ako lumabas kasi tulog pa si DJ at natulog ulit si Sky. Kinuha ko ang cellphone at kumuha ng picture at pinost sa instagram.

Habang nagce-cellphone ako may naramdaman akong may humahaplos sa likod. "Mahal..."

Lumingon ako sa direksyon ni Dj at saka hinalikan siya sa ulo. "Yes, Love?"

"Tumawag na ba si Mama?" tanong niya habang hinahaplos pa rin ang likod ko. Hindi siya makabangon dahil baka magising ang baby kong nakatulog ulit.

"Hindi pa. Why?" tanong ko.

"Baka kasi tumawag. Baka nanunahan pa tayo mamasyal"

Ford Familia (KN)Where stories live. Discover now