FF4- Boracay

7.1K 132 9
                                    

5/27/15

Hindi kinaya ng blue heart ko ang mga kaganapan sa Boracay kaya napa-update ako. Enjoy! Dont forget to vote sa pep! 💙
--------------

Daniel's Pov

"Love..."

"Hmmm?"

"Gising na, andito na tayo" sabi ko habang hinahaplos ang pisngi niya.

Ang ganda talaga ng mahal ko.

Gabi na at kakarating lang namin sa Boracay. Bago kami makarating, pinatulog ko na muna siya dahil alam kong napuyat sya kakatahan kay Sky kagabi.

"Naka-check in ka na ba, love" nakapikit na saad ni Kath.

"Oo, dinala ko na si Sky sa room, tas pinabantay ko na kay manang"

Imbes na sumagot si Kath, umayos ito ng upo.

"Tara na love, hindi magtatagal si manang, alam mo naman na dala rin niya ang mga apo nya"

Sinama namin si manang at pamilya niya. Yan kasi ang gustong mangyari ni Kath para naman magkaroon rin ng bakasyon si manang. Sinama lang ni manang ang kanyang dalawang apo at isang binatang anak.

"Gaano na ba ako katagal nakatulog bago pinaakyat ang anak mo? Baka kanina pa----"

"Shhh. Love, huwag ka ng mag-aalala. Tara na para makapag-breakfast"

Lumabas kaming dalawa sa sasakyan at saka tumungo sa hotel.

--------

Kathryn's Pov

Room 525

Bago pa mn kami makapasok ni DJ. Naririnig ko ang iyak ng nag-iisang anak namin ni DJ.

"Shh. Andyan na si mommy...parating na sila ng dadddy mo" rinig kong sabi ni manang.

Pagpasok namin ni DJ, napansin kong agad na tumingin si Sky sa gawi namin at saka pilit inaabot ako.

"amamama"

"Awww. Why are you crying baby?" tanong ko nang mabuhat ko na si Sky.

"amamamam amamama" tanging banggit ng anak ko. Pinunasan ko ang pisngi niya gamit ang bib.

"Pasensya na ma'am, nagising po kasi si Sky sa kadahilan na alam na alam nya talaga kung kelan wala kayo sa tabi niya kahit tulog pa. Nung nagising siya, umiiyak sya tas hinahanap ka po"

Tumawa ako sa sinabi ni manang "Iyon nga manang eh. Kaya dapat palaging isa sa amin ang nasa tabi niya"

Tumawa rin si manang.

Tumingin ako kay Sky na naka-thumbsuck at buhat ko. "Dont cry again baby ha.."

"amamama"

"Ang dungis mo tuloy tingnan anak. Kapag wala kami ni Daddy, baka kawawa si manang" tawa kong sabi.

Kakatanggap ko lang kay manang nung isang araw. Kahapon siya nagsimula magtrabaho.

Ford Familia (KN)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant