FF7- 2017

5.6K 94 6
                                    

1/2/17

Belated Merry Christmas and a Happy New Year Everyone 😘 
----------------

Daniel's Pov

Ilang linggo na rin nakalipas bago kami nakauwi galing sa Barcelona, at sa ilang buwan kami naroon naging memorable ang mga pangyayari dahil na rin siguro na kasama ko ang anak at asawa ko.

Hindi pa nga dapat kami uuwi kaso naalala namin ni Kath and naging kasunduan namin na i-celebrate namin ang Christmas sa Pilipinas.

"Love, dito ba natin isasalubong ang Christmas?" tanong ko sa asawa kong nakahiga sa balikat ko habang hinahaplos at inaamoy ko ang buhok niya.

"Hmm, love. Pwede naman kaso may kasunduan diba tayo na sa Pilipinas natin isasalubong"

"Next year mahal, try natin sa ibang bansa kasama si Sky. Kung pwede nga kasama ang buong family natin" sabi ko.

"Sige love, I'll sleep na sobrang napagod ako sa anak natin kanina hmm" sabi ni Kath at saka isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Goodnight, Love. I love you"

"Goodnight mahal. I love you too"

Saktong Dec. 24 kami umalis ng bansa. Nang makaalis kami ng Spain, todo naman ang iyak ni Sky tas sasabihin niya sa Daddy na kargang-karga siya na.

"Dadada, atutu" iyak na sabi ni Sky habang turo ang Spain nang makasakay kami sa eroplano.

Nang mapagod na ang anak namin kakaiyak doon na siya tumahimik at ilang saglit ay natulog.

Ang masasabi ko na lang ang Spain ang isa sa mga bansang ilang ulit namin babalikan sa hinaharap.

Ipinagdiwang namin ang pasko kasama ang pamilya ko at pamilya ni Kath sa bahay nina Mama. Doon na rin kami natulog, syempre hindi pa rin mawawala ang kwarto ko kaya doon ko na pinatulog ang mag-ina ko.

Ngayon, plano namin ni Kath na isasalubong naman ang new year sa bahay namin. Kaming tatlo lang.

Time check: 7:26 (Dec. 31)

Bumalik ang pag-iisip ko sa realidad nang may naramdaman kong may nakayakap sa isang binti ko

"adadadada"

Napatawa ako at binuhat si Sky "Yes baby, gising na ba si Mommy mo?"

Sa halip na sagutin niya ako, sinandal niya ang kanyang ulo sa dibdib ko.

"Ang baby ko talaga, nagpapalambing. Luto lng muna si Daddy ha" sabi ko at hinalikan ang anak ko sa noo.

Maya'y-maya...

"Akala ko ba ako lng ang baby mo, Daddy love"

Paglingon ko, doon ko nakita ang asawa kong gulo ang buhok na nakasuot ng night robe habang nakanguso.

Ang laki pa rin ng epekto sa akin ng asawa ko. Hindi pa rin nagbabago.

"Mahal, lumapit ka nga dito.." lambing kong sabi. Nang makalapit na siya, agad ko siyang hinalikan sa labi "I love you Mommy, kaya huwag kang magselos sa anak mo ha"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ford Familia (KN)Where stories live. Discover now