11

38.9K 1.6K 507
                                    

ALICE

"Ang ganda 'no?" tanong ni Patricia. I nodded. Everyone is greeting each other, a clear sign that everyone knows everyone. Para silang isang malaking pamilya dito sa village. They look loyal, loving and protective of one another.

"Mga taga-Middle rin ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"No," sagot ni Andrea. "I'm from the East habang si Patricia naman ay from the West."

"Oh, I see. If you don't mind me asking, bakit kayo nandito?" I asked. Tinuro nila ang mataas na structure on the other side of the village. May mataas na tower ito.

"That's Ox's School of Light. Pareho kaming nagtuturo doon," sagot ni Patricia. "The queen called us kaninang umaga to let us know na nandito si Clyde. We're his friends. We went to school together. Nakisuyo ang queen na ilibot ka muna sa village."

Oh. They're Clyde's friends. I can't imagine na may mga kaibigan pala si Clyde. Why is he living in a small treehouse in the middle of the Dark Forest kung may ganitong buhay pala siya dito?

"Paano pala kayo nagkakilala ni Clyde?" tanong ni Andrea.

I was about to answer a made-up story about how me and Clyde met nang biglang may tumakbo papalapit sa amin. There's seven of them and they're all... short. Are they dwarves?

"Doc!" masayang bati ni Patricia. Biglang umikot ang paligid. I felt a sharp pain on my head. Napakapit ako kay Andrea. Then I started hearing voices.

"Scarlet! Takbo!" sigaw nina Doc kaya napatingin sa kanila ang dragon. Sa isang iglap ay nagbuga ito ng apoy.

"No!" Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko. They were burning. Hindi ko sila naligtas... Sina Doc... every single one of them.

I heard their screams. I could hear them begging. I looked at my hands, nanginginig ang mga ito. Wala akong ibang maramdaman kundi galit.

Inangat ko ang kanang kamay ko at itinapat ito sa dragon. Sa isang kumpas ng kamay ko ay bumagsak ito, dahilan para magkaroon ng crack ang lupa. I slowly closed my fist at kasabay nito ang pamimilipit ng dragon. I heard the crackling of its bones. I saw her crying blood, whimpering as I broke every part of her.

Pagkababa ko ng mga kamay ko ay sumigaw ako nang malakas na naging dahilan ng pagkamatay ng apoy. The dragon was finally quiet. It wasn't moving anymore.

"Alice?"

I felt Patricia shaking me. Nakahiga na ako sa lapag. "Call the carriage!"

***

"She just fell to the ground and started convulsing," rinig kong sabi ni Andrea. "Clyde...her eyes glowed just like..."

Dahan-dahan na akong bumangon. Ang sakit ng ulo ko.

"Alice!" Lumapit si Patricia at inabutan ako ng isang baso ng tubig. Inalalayan niya ako sa pag-upo.

"Thank you," mahina kong sabi. "Sorry, for scaring you. Pwede na kayong magpahinga."

"Madalas ba 'tong mangyari?" tanong ni Clyde. Ngayon lang kami ulit nagkita simula kagabi. Simula noong dineclare niya na magpapakasal kami.

Umiling ako. "Ngayon lang. Sa totoo lang, nagsimula ito noong..."

Bumukas bigla ang pinto. Isang tumatakbong Seth ang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Pawis na pawis siya.

SCARLET 2: ALICE (Emerald Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon