16

36.5K 1.3K 472
                                    

SETH

"Seth!"

I heard someone pounding at the door. I know that voice. Tumakbo ako at agad itong binuksan. Pumasok si Madam na may bitbit na babae. The girl is breathing ngunit ayaw niyang magising. Malakas ang bagyo sa labas at mukhang malayo ang pinanggalingan nila. Agad kong kinuha lahat ng kumot at makakapal na tela at ibinalot ito sa babae. Binuksan naman ni Madam ang apoy sa fireplace.

"Sino siya?" tanong ko. Hindi ako sinagot ni Madam. She just told me na hindi maaaring malaman ng iba na nandito siya. Madam saved me from dying when I was a child. Pinatay ang aking mga magulang at nang ako na ang susunod na papatayin, dumating siya at niligtas ang buhay ko. I owe her my life. Kahit ilang beses niya nang sinasabi sa akin na walang kapalit ang kanyang pag-ligtas sa akin, nangako ako na pagsisilbihan ko siya.

Ilang araw ding hindi nagising ang babae. Ilang araw itong nilagnat. At nang magising siya, walang tigil ito sa pag-iyak. Paulit-ulit nitong sinasabi na masakit ang puso niya. Tumigil na lamang ito nang mapa-kalma na siya ng tsaa ni Madam.

Isa sa mga unang salitang sinabi niya ay ang kanyang pangalan. Alice. Wala na siyang iba pang natatandaan kundi 'yon lang. Ang kanyang pangalan.

Ang tanging bilin sa akin ni Madam ay 'wag palabasin si Alice. 'Wag hayaang makita ng ibang tao. Hindi kami pwedeng lumabas o kahit man lang dumungaw sa mga bintana lalo na kung umaga. Kaya't nanatili lang kami sa loob.

Nanatili kami sa loob at nagbasa ng mga libro.

Nanatili kami sa loob at nag-aral magtahi.

Nanatili kami sa loob at nagpinta.

Sinuguro ko na walang makakakita sa kanya at hindi siya makakalabas. Kahit may mga pagkakataon na gustong-gusto niya na makalaya. Kahit may mga panahon na nagmamakaawa na siya sa akin na ilabas siya.

Paminsan-minsa'y dumadalaw si Madam. Sabay-sabay kaming tatlo kakain. Isa kaming maliit na pamilya dito.

Kung pwede lang, mas gugustuhin kong manatili nalang dito. Kaming dalawa lang. Payapa. Walang ingay. Walang gulo.

I'm going to kill him. Kinagat niya ako. The bastard bit me.

Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang kanyang bibig. Tinanggal niya ang lubid na nakatali sa akin. Lumapit sa akin ang kanyang mga kawal at kinaladkad ako palabas. Bago magsara ang pinto, malinaw ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. "Gagapang ka din pabalik sa akin."

Hinayaan nila akong tumakbo. Hinayaan nila ako lumabas ng kastilyo at tumakbo papunta sa Dark Forest. I ran as fast as I could. It's getting hard to focus now. Hindi nakakatulong ang dilim ng gubat. Parang may mainit na dumadaloy sa dugo ko. Kung ano man ito, gusto kong masuka. Gusto kong humiga. Halos gumagapang nalang ako habang nanginginig na ang aking buong katawan. Naduduwal ako ngunit walang lumalabas sa bibig ko. Nagsisimula na akong uminit na para bang kumukulo ang dugo ko. I looked at my arms and I can clearly see my veins.

I screamed. I tossed around. I cried.

Gusto ko nalang mamatay sa oras na 'to.

"Patayin niyo nalang ako!" sigaw ko habang namimilipit sa sakit. Hanggang sa tumigil na ang lahat. Para bang may pumitik sa loob ko.

That's when I knew my heart stopped beating...but I'm still alive.

I'm one of them now. A vampire. At alam ko na ang susunod kong mararamdaman.

Nanunuyot na ang aking lalamunan. Nagsisimula nang mamilipit ang aking tiyan. Ito na 'yon. Naghahanap na ang katawan ko ng makakain at alam kong hindi normal na pagkain ang hanap nito. Not bread and cheese.

Naghahanap na ito ng dugo.

Mas gugustuhin ko nalang mamatay sa uhaw at gutom kaysa pumatay ng tao. Hindi ako magiging halimaw tulad nila.

Pinilit kong gumapang. Pinilit kong tumayo at maglakad. Kung mamamatay ako, gusto kong mamatay sa treehouse. Dahil kung hahanapin ako ni Alice, mahahanap niya ako doon.

'Di rin nagtagal ay nagsimula na akong makarinig ng mga boses. Alam kong mag-isa lang ako but I hear them. Am I hallucinating?

'Walang maghahanap sa'yo.

'Iniwan ka na nila.'

'Hindi ka na nila kailangan.'

Napaluhod ako. Ang hapdi ng buong katawan ko. Gustong-gusto na nitong pumatay. Gustong-gusto na nitong kumain.

"Ginoo? Okay lang po ba kayo?" Mabilis akong napalingon sa babaeng dumating. Saan 'to nanggaling?!

"Bakit ka nandito?" nanghihina kong tanong. "Umalis ka dito!"

"Naliligaw po ako. Kailangan mo po ba ng tulong?" Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ako ngunit tinulak ko ang kamay niya.

"Lumayo ka sa akin!"

"Tutulungan po kita," pilit ng babae. I crawled away from her. Kapag hindi pa siya umalis, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko.

Lumapit pa siya lalo. Sinubukan niya akong itayo. My senses are all over the place. I can smell the blood running through her veins. I can hear her every heartbeat. Hindi ko na kaya.

Hinawakan ko siya sa leeg, which surprised her. I can feel the new found strength throughout my body. I lifted her off the ground while strangling her. She kept squirming, trying to remove my hand around her neck.

Wala na akong control sa sarili kong katawan. Wala na akong lakas na labanan pa ito. They should've just killed me. Bakit hinayaan pa nila akong mabuhay?!

I hear her neck breaking hanggang sa hindi na siya nagalaw. Binitawan ko siya. Hindi ko na naririnig ang tibok ng puso niya. Lumuhod ako sa harap niya bago inangat ang kanyang leeg.

"I'm sorry," bulong ko bago ko siya kinagat.

Sana pinatay nalang nila ako.

SCARLET 2: ALICE (Emerald Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon