Charlie

354 19 9
                                    

Charlie

noun

: The prince that I hoped for- but not really

Charlie. Ang pinakamamahal nating si Charlie. The half of the Asan si Crispin? duo. The buck-toothed boy with the wavy dark brown hair, pale skin and beautiful mocha-hued eyes. Sa boyfriend wishlist ko, pasok siya sa banga. Who wouldn't love to stare at his angelic face? Maski yung mga prof pinapansin yung pagka-amo ng mukha niya. Siya yung 'pag pinawisan gusto mong pulbusan yung likod at lagyan ng bimpo tapos pa-dedehin 'pag nauhaw.

Kung mukha kang future criminal, siya naman yung mukhang future victim. Kung mukha kang masamang temptasyon para sa mga fans ng bad boy look, siya naman ang ibinaba ng kalangitan para sa fans ng baby slash innocent look. You sing and play the guitar while Charlie plays the piano, drum, guitar, bass, harmonica, ukulele, triangle, tambourine, flute at kaya pa niya patunugin yung dahon (mala-Levi Celerio) at pati kilikili niya. (na sinubukan mong gayahin pero hindi mo kaya pero #lifegoal mo parin- di ko gets bakit) We all agree that he should major in music.

You complement each other at sobrang bagay kayo on-stage. Sabi ko nga, kayo na yung OTP ko. (but I stopped saying that everytime you perform because Jas feels uncomfortable when I joke about your sexuality) Sabi mo mas sikat sa'yo si Charlie at mas well-loved siya pero never kang na-insecure; sabi mo isa ka sa fans niya.

Pinakilala mo siya sa'kin bilang classmate mo sa ibang subjects- and it was crush at first sight. Mukha siya yung lovechild ni Mario Maurer and BJ Pascual. (if only Mpreg is possible) Winish ko nga na sana hindi na siya irregular at ka-block mate ko na lang siya.

"Ms. Ariel, lagi ka niyang binabanggit sa'kin," Ang sabi niya bago ka niya itinuro.

"Alexi na lang." I kind of like my second name but it constantly reminds me of that sad kinder event where I was supposed to be Ariel (pinaniwalaan ko nuong bata ako na: I am Ariel as I was named after that Disney Princess) but the part was given to a pretty girl and I ended up being the red Jamaican crab. (My first ever male role; yuon ang simula, hindi na natapos at nadala ko na nga in real life)

"Pwede nga palang ano.. pa-autograph, Charlie?" My voice became smaller than the usual. Bigla mo kong tinawanan dahil first time mo kong nakitang maging tunay na babae sa presensya ng isang lalake.

Charlie, my dear Charlie. Sa kanya ko na-realize na minsan, hanggang crush lang talaga at hindi na na-d-develop kahit pa pasok na sa dream guy imagination ang isang tao. He was very nice and goofy. (like you) Hindi rin boring kasama kahit marami kaming differences. (emphasis on love for online games) Gusto ko yung Zamboanga accent niya 'pag nagsasalita. When he speaks in Chavacano (the broken Spanish), para siyang modern Fernando Jose (without the hairy chest) na pang-romansa at minsan pinangarap ko siyang yayaing magtampisaw sa dagat.

Charlie likes me (he likes boyish girls, he admitted) but maybe not in a romantic way- not yet. Pero wala siyang girlfriend at wala rin siyang nililigawan, which means I have a greater opportunity to experience (teenage) flirting with him. (if I have the talent to do so at kung gusto rin niya) We're both single. He never had a girlfriend (hindi ako makapaniwala) and I was an NBSB, too. (hindi rin daw siya makapaniwala; gaya-gaya) Mas madali siyang gustuhin and if you're a girl, I'm sure you wouldn't mind if he's the first boy who would break your adolescent heart. (because I really don't mind if he does) Unfortunately, 2 weeks lang nagtagal ang pagiging fangirl ko kay Charlie. Sa isang iglap, napunta sa iba yung atensyon ko.

I realized that there's a difference between "the man of my dreams" and "the man who I want to be with, in reality". Well, kung ako na nga si mermaid Ariel (please, kahit ngayon lang) Si Charlie yung Prince Eric na pinangarap ko sa labas ng mundo ng karagatan; na-realize ko nga lang bigla na in love ako kay Flounder dahil gusto ko palang mag-swimming na lang na kasama siya sa kailaliman ng dagat kesa maging ganap na tao.

Ang Lexicon ni Alexi para kay AlexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon