himitsu

337 16 13
                                    

himitsu

noun

: anonymity ng first love mo

"Dali, upo ka kasama namin!" Hinatak ako ni Reina papunta sa table nila sa cafeteria.

"Okay lang ako sa kabilang table," Ang sagot ko habang nakangiti (which most probably looked like a grimace rather than a normal smile) pero hinatak na niya ko para umupo sa tabi niya at wala na kong nagawa.

I always try my best to stay away from 'Girl Talk', the same way na iniiwasan ko rin maki-chismis at pag-usapan ang mga tao sa likod nila except kapag kasama ko kayo nila Charlie. So what happened was: I ended up being a full-time listener. Yung mga reaksyon ko lang ay pagtawa, pagtango at pag-iling. Matapos kong marinig yung mga chismis about sa manyak raw na prof na si Sir Queyquep at MOMOL moments ni (Top-student) Kae at (Fuckboy) Jake sa may tagong hagdanan ng building na nahuli ni Mr. Santos, napunta na ang usapan kay Ishie na nakaupo sa tapat ko.

There's a pretty girl crying in front of me and was comforted by 3 other girls—tapos ako tulala lang. Hindi ko alam ang dapat sabihin at ayoko rin makisali sa humahagod sa likod niya dahil ayoko magmukhang Feeling Close.

Cheerleader, matalino, sumasali din sa pageants dahil maganda at confident— parang total package na si Ishie. Natural ang ganda niya na hindi na kailangan ng make-up. Lagi siyang palangiti, kaya naman nagulat ako dahil first-time ko siyang nakitang umiyak.

"Pinag..palit.. niya..ko.." She managed to say between sobs. "Kay.. Rhica.."

Rhica, that quiet irregular student in History class, flirted with Blue according to Ishie. Same wavelength kami ni Rhica; ang isa nga lang sa obvious difference namin, para siyang santa na 'pag nagmura ka sa harap niya, feeling mo mapupunta ka sa impyerno. (that's how I felt when I talked to her but I really like her because she's nice and polite) I can't really judge her based from what Ishie said. (dahil hindi ko rin naman narinig ang side niya.)

Parang mga tunog bubuyog ang mga sunod kong narinig at kahit gusto ko rin ipagtanggol si Rhica, wala rin naman akong alam sa totoong nangyari kaya nanahimik na lang talaga ako. Halu-halo ang boses nila Reina at ang mga naintindihan ko lang ay:

"Karma na lang!"
"Mas pangit yung pinalit sa'yo!"
"Babalik din 'yan!"
"Walang panama 'yun sa'yo!"

While they were busy talking about Blue and Rhica, inaalala ko naman ang homework ko sa Japanese class na feeling ko mali-mali. Habang lumalakbay ang isip, bigla akong nakaramdam ng kalabit. Paglingon ko, nanduon ka at nakangiti. Napa-Thank you, Lord ako dahil may dahilan na ko para makaalis mula sa live drama na nangyayari.

"Sorry, late!" Ang sabi mo sa'kin bago mo napansin ang dramang nagaganap sa harapan natin. "Uy Ishie! Anong nangyare?"

"Pinagpalit kasi si cheer captain para sa isang nasa bleachers!" Ang sabi ni Tony. Nakita kong nagpigil ng tawa si Reina at siniko naman siya ni Karmen.

"Alex, ikaw ba pagpapalit mo ba un cheer captain para sa babaeng nasa bleachers?" Ang biglang tanong ni Karmen. She was probably thinking that your answer will help ease Ishie's pain.

"Uhh, kung ako kasi, mas type ko 'yun simple lang talaga." Hinawakan mo yung sinasandalan ko at nanatili ka lang nakatayo, "Yung hindi pansinin. Parang yun nasa bleachers na naka-tshirt at sneakers!"

Natigil sa pag-iyak si Ishie. Mukha siyang naging interesado sa sagot mo.

"Nililigawan mo si Jas, 'di ba? Kinwento niya kasi sa'kin." She arched a brow. "Hindi naman siya simple ah?"

I imagined Ishie revealing a portable lie detector test in her huge hand bag.

"Ahh, oo. Some things in life are purely unexplainable," Ang sagot mo habang nakangiti at napa-"Wooow!" naman sila Tony.

Ang Lexicon ni Alexi para kay AlexWhere stories live. Discover now