laslas

351 20 39
                                    

laslas

verb

: kayo na /wrist

Preparation stage

"Alexi baby, ano sa tingin mo, gasgas na ba talaga yung Harana? Sabi ni Char, 'wag daw 'yun," Hawak-hawak mo yung gitara na dala ni Charlie at nag-s-strum ka ng random chords habang nakatitig sa sahig.

"Gasgas na 'yon, Pre! Nung last month lang 'di ba, may nagpropose na ganun yung kinanta dyan sa may Quadri park?"

Napatango ka naman at napa-tingin sa malayo habang nag-iisip.

"Alam kong national theme ng panghaharana ang kantang Harana, pero para sa'kin, may iba pa diyan na mas okay kantahin para maiba naman. 'Di ba, Charlie?"

Charlie who was busy eating his Chicken yangchow-in-a-box, nodded.

Honestly, kahit kantahan mo ko ng Harana o kahit Atin Cu Pung SingSing, sasagutin pa rin kita, I thought to myself.

"O sige, tutal sabi niyo 'wag 'yon, anong suggestions niyo?" Pinalo mo kami parehas ni Charlie. Napalakas na muntik na niya mabitawan yung kinakain niya.

"Ask Alexi, para galing sa girl's point of view," Charlie said as he brought a spoonful of fried rice to his mouth. Kumindat siya sa'kin at ngumiti habang ngumunguya.

'Just say Yes' ng Snow Patrol, I wanted to suggest, pero hindi ko ginawa.

"Little Things," I replied. Random lang na pumasok sa isip ko. Dumaan sa isip ko si Josh Groban, pero Dyuskopo, 'wag na naman utang na loob. 'Yun na ata pinanghe-hele mo sa kanya gabi-gabi.

"Jas hates her thighs and stomach. Naririnig ko yang sinasabi niya, 'Lex! Sakto sa kanya 'yan," Sabi ni Char at natawa ako. Yung thighs and stomach talaga! Exactly! I could still vividly hear her say: "Ayoko ng tiyan ko, antaba-taba ko, tapos anlaki pa ng hita ko! Kailangan ko pa magpapayat." (I feel sorry for my thighs and stomach but thank God, I'm not a beauty queen like her. No pressure.)

Habang nagmumuni ka sa sinabi ni Charlie, niyaya niya ko kumain; I couldn't resist the yangchow temptation; nagugutom pa kasi ako kahit kumain na ko ng siomai. Nilapit niya yung kutsara na puno ng fried rice at hindi na ako tumanggi.

Napalingon ako sa'yo saglit at nakitang hawak mo na ang phone mo habang yakap ang gitara.
Narinig ko na lang pagkatapos, ang tunog na nilapag mo yung acoustic guitar sa bench, habang busy akong nakikikain.

"Isa kang henyo, Alexi! Oo nga, Char, sakto 'to!" You exclaimed. Tinignan lang kita ng pokerface.

"You still have to squeeze into your jeans but you're perfect to me," Pinakita mo sa'kin yung phone mo. You were reading the lyrics of Little Things. "Nice one guys, meron na kong pang-harana!"

"So, 'yan na final?" Charlie asked as he moved closer to look at your phone.

"Oo, ito na!" Sabi mo na may ngiting tagumpay. (Siyempre magtatagumpay ka naman talaga. Pakipot lang kasi nililigawan mo.) "Char, practice tayo bukas?"

"Sure, sabihan mo lang ako ng time. So, anong plano?" Nilapag ni Char yung rice-in-a-box sa upuan at kinuha yung gitara mula sa'yo. Kinapa niya yung Little Things. Charlie the Music Genius.

Ang Lexicon ni Alexi para kay AlexWhere stories live. Discover now