wala

174 18 13
                                    

wala

noun

: ang sagot mo sa (napaka-importanteng) tanong ko

"Anong ayaw mo sa'kin?" tanong ko sa'yo nung anduon tayo sa Calaruega. Tumawid tayo sa hangingbridge, naglakad hanggang sa narating natin yung madamong lugar doon.

To be honest, I detest the retreat vibe. Hindi dahil sa ayokong magpakabait at mag-reflect. I just hate the fact that it is something compulsory, I mean, joining the activities wherein we share something personal to everybody. Pakiramdam ko kasi sa bawat tanong at sagot na i-sh-share, unti-unti akong hinuhubaran. I guess you understand what I mean. 

Anyway, naisip ko lang kasing isabay sa retreat feel yung importanteng tanong na 'yon. Why is it that important? Well, if I could eliminate the traits that I posses which you don't like then maybe... maybe there's a possibility that...

"Wala," ang sagot mo bago mo tinuturo yung mga bakang mabagal na naglalakad. Yung isa, napansin kong busy kumain.

"Bakit wala? 'Di ba nag-r-reklamo ka pagtinotorture kita? Be honest and open, sabi nga ni Bro. Empee kanina."

You stopped walking. Sumunod lang din ako at tumigil sa may likuran mo. Naramdaman ko yung malamig na hangin na tumama sa pisngi ko kasabay ng pagsayaw ng matataas na damo. Hindi pa ganoon ka-tirik ang araw dahil alas siete pa lang ng umaga. Pakiramdam ko saglit ako si Heidi sa Alps.

You turned around and looked at me. Your sleepy eyes darted to meet mine then I saw a smirk on your face.

"Honest and open nga ako. Sino ba naman may gusto ng torture? Pero weird ba kung gusto ko 'yon?"

Tumawa ako sabay kandirit. Ikaw naman lumakad pa-hilaga at sinundan kita. "Masochist? Aminin mo na kasi, malay mo bigla akong magbago! Y'know, the retreat effect."

Umiling-iling ka. "Hindi. Kung iisipin mo, halimbawa, nagbago ka. Hindi mo na i-p-pluck yung buhok ko, hindi mo na ko kukurutin, nanakawan ng boxers at kung anu-ano pa. E 'di hindi ka na yung Alexi na nakilala ko nung una pa lang! 'Pag sinabi ko sayong 'Alexi, 'wag ka ngang uminom na dalawang straw ang gamit' para ko na rin tinanggal yung pagka-Alexi mo. Gets?"

"Gets, pero 'di ba kailangan din naman magbago ng tao lalo kung pangit yung attribute?" Napakunot-noo ako.

"Oo nga," sagot mo.

"E, lechugas ka anlabo mo naman, eh!" I playfully kicked your leg. Umiwas ka pero too late. Natawa ka na lang. "Oo pala eh, ba't ayaw mo ko magbago?"

"I like you just the way you are." Tinutok mo sa ilalim ng ilong mo yung hintuturo mo.

"Gago!" Tinulak kita ng malakas at nalaglag ka sa damuhan habang natatawa. (Malakas lang ba ako o naglampa-lampahan ka lang?)

Nilahad ko yung kamay ko para tulungan ka pero hindi mo kinuha. Nag-indian seat ka lang sa gitna ng mataas na damo. 

"Wala. Walang kailangan baguhin. Seryoso nga!" Bumunot ka ng damo at tinapon sa langit. Dahil sa dagsin, nahulog ang mga 'yon sa'yo.

Pinagmasdan lang kita na nakangiti sa langit. It was one genuine smile, the kind that I normally see when you declare a good news or something.

Until now, I have memorized that scene perfectly well.

Tinabihan kita (I first made sure that there was no cow shit) at sumandal ako sa balikat mo.

"Walang kailangan baguhin," pag-uulit mo. "Kung maisip ko sa susunod na kailangan talaga, sasabihin ko sa'yo. Ngayon wala, eh."

Hanggang ngayon wala ka pa rin sinasabi sa'kin.

Wala pa rin ba?

Ang Lexicon ni Alexi para kay AlexDonde viven las historias. Descúbrelo ahora