graham crackers

362 22 28
                                    

graham crackers

noun

: pwede kang bilugin, durugin, ilatag kasama ng cream at mango at samahan ng condensed milk pero yung paborito ko 'yung organic

Part 1: Mango Graham Float

Ngiti dito. Wacky pose duon. Para akong hired photographer ng mga group mates ko sa PH Literature class na feeling turista tapos ikaw yung Tarsier. Kung 'di lang mahigpit si Sir Johnny na pinagbawalan kaming mag-cross dress para sa male roles sa project, 'di na kita idadamay dito. Palibhasa, gusto niya raw makakita ng mga lalake sa video projects (emphasis on good looking and pwede-na type of boys) kaya pinag-effort pa kaming mag-recruit ng mga irregulars dahil dalawa lang sa ka-blockmates ko ang lalaki. (at yung isa, mas babae pa sa'kin gumalaw. #cthmproblems)

"Thanks talaga, Alex ha!" Desilee said before the rest of the girls said thank-you in chorus. Kahit saan ka ata itapon, lahat nagiging ka-vibes mo. They were so happy to have you as a one-time group mate. Naka-sando ka pa sa halos lahat ng scenes at baka naglaway na yung iba sa biceps mo na F na F mo namang finflex. (Kung nakakilig para sa iba ang burol sa arms ng mga body builders, bakit yung sa likod ni Quasimodo, hindi? Dahil lang ba sa placing? Meron akong gustong ipaglaban dito pero nevermind)

"No problem! Ang saya nga e, nag-enjoy ako!" Ang sabi mo ng nakatawa.

Sana i-uno kami ni Sir Johnny.

Part 2: Graham balls

Paghiwalay natin sa kanila, naglakad na tayong papuntang sakayan.

"Alex, ang gwapo mo pala 'no? Yung habang tinititigan ka, iba eh! Lalo ka pa lang nagiging appealing. Ang yummy," Ang sabi ko habang nakatingin ako sa nilalakong fishballs na dinaanan natin.

"Ngayon mo lang napansin na yummy ako?"

"Alam mo, may kahawig kang artista, pero di ko maalala yung pangalan. Gwapo din, matangkad, mukhang delikado, tapos-"

"Yung totoo, anong kailangan mo?" Tinignan mo 'ko ng masama. "Nagpapalibre ka ba?"

I suppressed my laughter by biting my lower lip.

"Sige na, sige na. Libre na kita sa susunod ng one-piece chicken na may spaghetti. Alam ko naman na naubos na naman allowance mo dahil sa project," Kinuha mo yung paperbag na hawak ko na naglalaman ng props na ginamit, "Wag ka mag-alala, sisingilin ko 'yang sila Desilee 'pag next week di ka parin nila binayaran!"

Alex, you da real mvp.

Part 3: Crushed Graham

Our conversation was interrupted by a phone call from Jasmine.

"Uy, Love— ah— Sorry! Ha? Ako? Teka lang, kitain mo kami saglit! Nandyan ka pa 'di ba?—Oo!— Labyu! Huy! Love?—Wag ka na magtampo! Labyu!"

Um-echo sa utak ko yung huling salita. Labyu. LABYU. LABYUUU. Napansin kong pinagpawisan na yung ilong mo. Labyu. LABYU. LABYUUU.

"Alexi, may sinasabi ka?"

"Ako?" Nagpapaypay ako gamit yung script na hawak ko. "Wala ah!"

"Are you mocking me?" Nakataas yung isang kilay mo.

Nag-thinking out loud na naman pala ako. Pakshit.

"Uh, sabi ko Labia. Labia Minora. Labia Majora. Para sa Bio quiz," I replied.

Kinuha mo yung papel na hawak ko at pinaypay mo sa'kin at sa'yo. Manual electricfan. "Kaka-post lang daw ni Desilee ng picture sa FB na nakayakap siya sa'kin. Tinag ako kaya nakita agad ni Jas! Sabi niya kanina, ayaw na daw niya sa'kin dahil manloloko raw ako. Tangina, ang sakit, nakakadurog ng puso! 'Pag siya kasama niya yung pageant partner niya at nakahawak 'yun sa kanya, bawal ako magalit! Justice for Alex naman diyan!"

Ang Lexicon ni Alexi para kay AlexWhere stories live. Discover now