❥ Eight

971 61 31
                                    


❥ S A N A

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng gala naming dalawa ni Jeonghan.

Napagtanto ko na iba pala ang pagkakakilala ko sa kanya, meron pala siyang 'totoong minamahal at hanggang ngayon eh mahal niya pa, yung lintang cheska lang talaga ang ayaw bumitaw sa kanya.

Pagkauwi ko nun sa bahay ay halos mailaglag ni mommy ang hawak niya dahil sa bagong look ko.

Si Lauren naman tuwang tuwa siya dahil bagay na bagay daw sakin ang blonde hair ko. Tinanong niya pa nga ako kung sino ang kasama ko sa mall sabi ko si Jeonghan, nagulat siya pero bigla din lumungkot ang muka niya.

Well, it was my fault why my daughter feels bad about him.. kinuwento ko kasi sa kanya kung anong nangyare at nandito siya sa mundong 'to ngayon pero syempre diko sinabi kung pano namin siya nagawa aba bata pa siya no. Ayokong maging byuntae ang anak ko.

But the time i had with him is really memorable for me.

Kung pwede lang sana na maulit pa yun at kasama na namin si Lauren...

That would be the most and really happiest day of my life.

~

"Mommy?! Are you listening to me?" Napalingon agad ako kay Lauren.

Nahihilo ako..

"Ano ulit sabi mo baby? Diko kasi narinig eh.." Matamlay na sabi ko sa kanya.

"Mommy okay lang po ba kayo? Namumungay po yung mga mata niyo tsaka ang tamlay tamlay niyo po oh." Sabi niya sakin. I just nodded, but hilong hilo na talaga ako. Wala pa mandin sila Mommy at Daddy dahil nasa London sila. Diko alam kung kelan sila makakauwi. Si Ren naman kasama ng Daddy nila nasa Tagaytay.

"Baby i think dun ka muna mag stay kila Tita Tzuyu or kaya kila Tita Dahyun mo... Baka mahawa ka sakin eh.." Sabi ko sa kanya. Umiling siya.

"No way mommy! I'll stay here with you! Aalagaan kita." Sabi niya. I smiled. Shit! Diko na kaya.

Unti unting bumababa ang talukap ng mga mata ko. wala na akong nagawa dahil di na talaga kaya ng katawan ko.

~

❥ J E O N G H A N

"Oy Eomma Jeong ano hindi ba tayo gagala ngayon?" Tanong sakin ni Woozi. Tinignan ko siya ng masama.

"Muka ba akong nanay ha? Hindi. Bakit ba nandito kayo sa bahay? May mga bahay naman kayo bakit dito niyo pa naisip na samin tumambay." Sabi ko sa kanya. Napatigil silang lahat sa ginagawa nila at tumingin sakin.

"Alam mo, bagay sayo yang buhok mo, yang gupit mo? Infairness nagmuka kang lalaki ha." Sabi naman ni Seungcheol sakin. Dali dali kong hinablot yung sapatos ni Mingyu na nasa sahig at binato ko agad kay Cheol.

"ARAAAAAY!! Damnt it! Masakit yun ah Jeonghan masakit yun!" Sigaw niya. Buti nalang wala dito ang buong pamilya ko. Si Tzuyu kasi kasama si Jun sa bahay nila dahil umuwi ang mga magulang niya galing China. Nagbobonding sila doon kasama ang anak nila.

"Ang iingay niya naman. Lumabas na nga kayo." Sabi ni Hoshi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit hosh bahay mo'to bahay mo? sinipa kita palabas diyan ay makita mo." Sabi ko sa kanya. Nag piece sign lang siya sakin.

"Tsk. Kung di lang kami magkaaway ni Nayeon hindi ako pupunta dito no. Baka mamaya lalo kaming mag-away dahil sasabihin nanaman nun kasama nanaman natin si Cheska." Sabi ni Cheol. Inirapan ko lang siya.

Yan. Si Cheska, yung malanding babaeng girlfriend ko na ex naman na talaga ayaw lang akong tigilan bwisit!

"Malandi naman yun. Tsk. Wala naman na talaga kami eh, siya lang ang mapilit tsk." Sabi ko sa kanila. Sabay sabay kaming napabuntong hininga.

"Buti pa ang asukal sweet, Kami kaya ni Momo kelan magiging sweet? Hays." Hugot naman ni Hoshi.

"ANO?! MOMO? AS IN SI MOMO?!" Pasigaw na tanong namin sa kanya. Tumango siya. Akalain mo nga naman oh. Crush pala ni Hoshi ang isa sa mga kaibigan ni Sana.

Speaking of Sana, isang linggo na ang nakalipas simula nung gumala kami at hindi ko talaga akalain na nasabi ko sa kanya yun..

Mababaliw na ata talaga ako..

Baliw na baliw sa kanya. Kunawari kapa!

Oh brain just shut up! Di kita kausap! Tsk.

"Eh pano naman ako? Ayaw akong pansinin ni Mina.. mukang mainit parin ang dugo sakin dahil napagtripan ko siya.." Sabi naman ni Wonwoo. Aba't isa pa pala 'tong lalaking 'to.

Biglang nag-ring ang phone ko. Wala nga sana akong balak sagutin pero unknown number eh.

I tap the answer button.

"Yes hello?" Tanong ko.

"H-hello? Tito Jeonghan? *sosb*" Sabi sa kabilang linya. Teka boses ni Lauren yun ha. Umiiyak ba siya?!

"Oh Lauren bakit napatawag ka? Umiiyak kaba? May nangyare ba?" Tanong ko. Napatingin silang lahat sakin. Tumayo agad ako sa pagkakaupo ko.

" *sobs* Tito... help please... Mommy is sick! Sobrang taas po ng lagnat niya! Wala na po akong ibang matawagan dahil puro cannot be reached po ang mga phone nila Tita Tzuyu at Dahyun.. Please tito help us... nawalan na po ng malay si mommy... *sobs* tito..." Sabi niya habang umiiyak. Napasabunot nalang ako sa buhok ko nung narinig ko ang sinabi niya.

"Ahm, Sige sige papunta nako siya ahm wag kang umiyak ha magiging okay din ang mommy mo wait for me okay." Sabi ko sa kanya. She ended the call at nagmadali naman ako.

"Teka san ka pupunta?!" Sigaw ni Hoshi sakin.

"Pupunta ako kila Sana! Wala silang kasama ni Lauren doon eh! Kayo na muna bahala sa bahay!" Sigaw ko sa kanila. Dali dali agad akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko. Dumiretso agad ako sa bahay nila Sana.

Sana naman po okay lang siya...

~

Pagkarating ko sa kanila pumasok agad ako sa loob ng bahay nila at nakita ko si Sana na nakahiga sa Sofa at pawis na pawis. Napansin agad ako ni Lauren at pulang pula na ang mata niya. Bigla niya akong niyakap.

Bakit ang gaan ng loob ko sa batang ito?

Siguro dahil pamangkin ko siya kaya ganun.

"It's okay now... Tito's here na no need to worry. Ahm, ayusin mo na yung kama ni Mommy mo para madala ko na siya doon.." Sabi ko kay Lauren she nodded at umakyat agad siya. I carried Sana to her room at nung maihiga ko na siya sa kama niya inasikaso ko na agad siya.


Lahat ng kailangan ay naihanda ko na, basang towel, mga gamot, pagkain at syempre si Lauren ang nagpalit ng damit niya.

Habang pinupunasan ko ang noo niya ay hindi ko maiwasang mapa-isip.

Siguro kung di lang ako tanga at torpe siguro niligawan ko na siya at sinuyo.

Edi sana kami ngayon at hindi sila ni Kuya.

Ang laki kong tanga.

"Tito... magiging okay na po ba si Mommy?" Tanong sakin ni Lauren. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Yes sweetie, gagaling din ang mommy mo kailangan lang natin siyang alagaan para gunaling siya agad.." Sabi ko sa kanya.

Tumango siya sakin at ngumiti.

This kid...

Sana anak ko nalang siya...

Sana anak nalang namin siya...

Sana ako nalang ang Daddy niya...

-----

Edited and medyo revised hehe. ♡

Daddy Jeonghan ➵ yoon jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon