❥ Twenty-Two

544 42 34
                                    

A/N: Marami pa akong pasabog wahahaha.

***

❥ Seungcheol ❥

Biglang lumabas si Joshua at Jeonghan. Ano naman kayang problema nung dalawang yun? Tsk.

Nandito lang kami sa Living Room ng Condo ni Jeonghan kasama namin ang anak ni Sana na Kambal ni Lauren.


"Ang gwapo mo naman! Sinong Daddy mo?" Tanong ni Dino. Siniko ko naman agad siya.


"Malamang si Ren din! Utak nga Dino gamitin hindi kainin." Sabi ko sa kanya. Nag make face lang siya. Sapakin ko kaya 'to? Tsk.

"Ren? Who's Ren? As far as i remember..... Ren is not the name of my father." Sabi niya. Napansin ko namang biglang nagpawis si Jun. Agad siyang tumayo at nagpaalam na mag c-cr lang siya.

Weird. Bakit parang kinakabahan siya? Anong meron?

"Kung hindi mo Daddy si Ren Hyung... edi sinong Daddy niyo ni Lauren?" Nagtatakang tanong ni Hoshi. Oo nga. Sino?

"Si Daddy J---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil biglang dumating sina Jeonghan at Joshua. Agad namang tumakbo si Laurence papunta kay Jeonghan at niyakap.

Weird. Bakit masyado siyang malapit kay Jeonghan? Pati narin si Lauren masyadong close kay Jeonghan. Anong meron?


Umiling iling ako at sakto namang paglabas ni Jun sa CR.

Hindi siya pinansin ng iba pero ako nakatitig sa kanya. Parang may mali eh.

"Huy Jun okay ka lang ba? Bakit parang namunutla ka?" Dinig kong tanong ni Minghao sa kanya.

"Okay lang ako." Saad niya. Tumango nalang si Minghao.

Nakakapagtaka talaga.

"Tsk. Ito na nga ba ang kinakatakot ko." Dinig kong bulong ni Vernon sa gilid. Malapit kasi siya sakin. Tumingin ako sa kanya at pati siya namumutla narin.


Ano bang meron? Bakit namumutla silang dalawa ni Jun? Para silang binuhusan ng malamig na tubig ng maraming beses eh.


"Dito lang ba kayo? Pupunta kasi kami kila Sana eh, O Sasama kayo?" Tanong niya sakin. Agad kaming tumayo at sumigaw ng Pagkain!

Mamaya ko nalang siguro tatanungin si Jun at Vernon sa ngayon gusto kong kumain ng pagkain kila sana!

❥ ~

Nandito na kami ngayon kila Sana at nagulat kami nung bumukas ang pinto at si Shijin Hyung ang bunungad samin na mukang kagigising lang pero agad ding nanlaki ang mata niya nung nakita niya si Laurence.


"Lulu anong ginagawa mo dito?! Sinong nag-uwi sayo dito?!" Gulat na tanong niya kay Laurence. Napa nga nga nalang kami dahil ngayon lang namin nakitang nagkaganito si Shijin Hyung kasi noon ibang iba siya. Sundalo kasi siya noon kaya syempre expressionless at nakakatakot ang makikita mo sa kanya pero ngayon para siyang naging playful.

"Si Tito Leigh po. Nandiyan po ba si Mommy at Lauren?" Tanong ni Laurence. Tumango naman siya at pinapasok kami sa loob.

Napalingon ako nung mapansin kong nagtitigan sila ni Joshua, napansin kong umiling si Joshua at bumuntong hininga.

Daddy Jeonghan ➵ yoon jeonghanМесто, где живут истории. Откройте их для себя