❥ Thirteen

778 52 72
                                    


❥ Jeonghan ❥

"Hoy jeonghan, bakit ngiting ngiti ka diyan?" Nagtatakang tanong sakin ni Seungcheol. Hindi ko siya sinagot at inalala ko lang ang nangyare nung nasa beach kami nila Sana at Lauren. Feeling Daddy ako. Pero ang saya.

"Baka naman nagkabalikan na sila ni Cheska." Sabi naman ni DK. Napatingin ako sa kanila.

"Oh my god! No way!" Sabi ko sa kanila. Bigla namang sumulpot si Vernon at sinabing..

"You weren't supposed to say oh my god!" Sabi niya tapos sabay alis ulit.

Nandito kasi kami ngayon sa bahay ni Seungcheol kasama ang buong tropa. Bonding baga. (ew ambakla pakinggan)

"So ano nga kasing nangyare at ngiting ngiti ka diyan?" Pangungulit nila sakin.

"Eh kasi nga nakasama ko ulit si Lauren at Sana, gumala kami na parang isang pamilya. Feel na feel ko ang pagiging second Daddy kay Lauren eh." Sabi ko sa kanila. Napa 'Ah' sila pero bigla silang napasigaw.



"ANO?! GUMALA ULIT KAYO?!" Sigaw nila sakin. Tumango ako at ngumiti.

"Aba, iba na ata yang nararamdaman mong saya Jeong." Sabi ni Joshua sakin. Napakunot naman ako ng noo.

"Iba? Panong iba?" Tanong ko sa kanya.


"Sabihin mo nga sakin--este samin pala, mahal mo paba siya? " Tanong ni Seungcheol sakin. Napabuntong hininga nalang ako.


"Kelan ko ba sinabing hindi ko na siya mahal? Wala naman akong sinabi diba?" Sabi ko sa kanila. This time si Vernon na ang nagsabi ng Oh my god.

"Oh my god. SanaJeong is real?!" Gulat na tanong niya. Napatingin silang lahat kay Vernon.

"Ship mo din sila kesa SanaRen?" Tanong ni Hoshi kay Vernon. Tumango naman si Vernon.

"Yeah, I think Sana and Jeonghan is a perfect match, besides Lauren resembles the both of them. They're more family than Ren, Sana and Lauren. Do you get what i'm saying?" Tanong niya sakin. Nakita kong may tissue sa ilong ni Dk at Hoshi habang si Mingyu at Wonwoo naman singhot ng singhot.

"Hoy, Baka naman sa kakasinghot niyang dalawa eh masinghot niyo na kami. Dahan dahan lang ba." Sabi ko sa kanila dalawa.

"Si Vernon kasi engrish ng engrish pota sakit sa ilong bes." Sabi ni Mingyu. Halos manlaki mata ko sa sinabi niya. Epekto ata ng english ni vernon.

"Stop engrishing us na kasi, our ilong is menstration na." Sabi ni Hoshi na kunwari eh nagdudugo kuno ang ilong.

"Our nose is breeding na. " Sabi ni Dk.

"What? Breeding? Nagpapalahi ilong mo?" Tanong sa kanya ni Joshua. Ay gago. Nagpapalahi pa nga! Natawa ako sa sinabi ni Joshua.

"Hahahahahaha! ibang klase Dk. Kanino nagpapalahi ilong mo?" Natatawang tanong ni Cheol kay Dk.

"Hmp! Shut up ka nalang." Sabi naman ni Dk.


"Teka nga, iniiba niyo usapan eh." Sabi ni Jun. Tumango tango ako.

"Syempre ako Ship ko sarili ko kay Sana no. Bagay kaya kami." Sabi ko sa kanila.

"Ship ko sarili ko kay Tzuyu. TzuJun is real kaya." Sabi ni Jun. naghiyawan naman kami. Nakabuo na nga sila eh. Kaya real na real.

"I ship myself with Dahyun though." Sabi ni Vernon.

"Naks. Kaya pala pag nandiyan si Dubu kung makapagpapansin ka wagas." Sabi ni Wonwoo kay Vernon.

"Ay wow ha. Parang ikaw hindi ah? Kung makalapit ka nga kay Mina eh." Sabi naman ni Vernon.

"WooMin is real kasi." Sabi ni Wonwoo. Naghiyawan ulit kami. Sus. Lahat ata ng gusto nila eh kaibigan ni Sana eh. TwiceTeen naba ito?

"Oh Hoshi baka naman may gusto ka rin sa kaibigan ni Sana? Wag kanang mahiya sabihin mo na." Sabi ko sa kanya.

"Meron nga. Si Momo. Actually nanliligaw na nga ako sa kanya eh." Sabi niya. Halos sumigaw na kami dahil sa sinabi niya.

"Ang bilis mo naman pre!" Sabi ni Wonwoo sa kanya.

"Ang bagal niyo kasing gagalaw eh." Sagot nalang ni Hoshi.

"Tangna na pre, galawang Hokage ata ginawa mo eh." Sabi ni Vernon.

"Effective naman." Sagot ni Hoshi.

Hokage? Yun ba yung kunwari hindi mo alam tapos ituturo niya sayo tapos makakascore kana? effective daw? Magawa nga minsan kay Sana.

Hinayaan ko silang magkasatan doon at lumabas ako sa garden nila cheol.

"Ano nang plano mo niyan?" Napalingon ako sa pinto bigla at nakita ko si Cheol na nakatayo doon.

Tumingin ako sa mga halaman. "Hindi ko pa alam. May anak na sila eh. ayokong masira sila pero mahal na mahal ko parin si Sana eh." Sabi ko sa kanya.

"Bakit kasi hindi mo pa sinabi noon sa kanya na mahal mo siya?" Tanong sakin ni Cheol. Napatingin ako sa kanya at napaisip.

Bakit nga ba hindi ko sinabi sa kanya noon?

"Kasi si Hyung ang mahal niya." Sagot ko sa tanong niya at tanong ko sa sarili ko.

Tama, that time alam kong si Hyung ang mahal niya at alam kong wala akong pag-asa dahil lagi kaming nag-aaway noon.


"How about now?" Tanong niya. Kumunot amg noo ko dahil sa tanong niyang yon.


"What do you mean how about now?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim.


"How about now? Does Sana still loves Ren?" Tanong niya sakin.

"Of course yes. Isa pa may anak na sila." Sagot ko sa tanong niya.


"But, are you sure it's rens?" Tanong niya sakin. Napaisip ako bigla.

May nangyare ba talaga sa kanila ni Hyung?

Kung meron, kelan at saan? Sa pagkakatanda ko kasi After one week nung may mangyare samin ni Sana bigla nalang siyang nawala.


Could it be?


"You just gave me an idea." Sabi ko sa kanya.


"Pagkatapos mong malaman ang totoo? Anong gagawin mo?" Tanong niya sakin.

"Kung tama ang nasa isip ko, hindi ko sasabihin na alam ko. Gusto ko siya mismo ang magsabi sakin ng totoo. I want Sana to tell me the truth." Sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat siya at ngumiti.


"If i were you, hurry. Because the Knight of the chess piece is already making his moves. You as King should start yours too." Sabi niya sakin. Napangiti ako.


"A Knight doesn't suit a Queen. Only King Suits a Queen perfectly." Sabi ko naman sa kanya.


Hyung, malalaman ko rin ang totoo at ako ang mananalo sa laban na'to.

---

EDITED

Daddy Jeonghan ➵ yoon jeonghanWhere stories live. Discover now