Chapter 12: Her Admiration and His Sentiment

792 33 30
                                    

*Moira

Kasabay ng pagsara ko ng aking mga palad ay ang paglaho rin ng holographic screen. Ginawa ko iyon dahil pumasok na sa loob ng kwarto ang kanina ko pa hinihintay. He went straight on the other side of the bed and began checking up on the man lying on it. Bawat gasgas at sugat nito ay sinuri niya. He even checked the eye of the man by carefully moving his eyelids.

"How is he, doc?" I asked as I pushed my glasses upwards.

Pinatong ni doc ang dalawang daliri niya sa leeg ng nasa kama, probably to check his pulses. He then removed his hand after a while and faced me. "I don't see any signs of fatigue and abnormal breathing from him anymore. Siguro nakatulong din ang pagpapahinga niya. Iyon nga lang ay baka hindi pa siya magising. But for now, he's stable."

"Thank good lord Laksen," I uttered in relief. Napahawak pa ako sa aking dibdib saka ko tinignan ang payapang natutulog sa kama.

"I suggest na magpahinga ka na rin Moira," baling naman ni doc sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Mula kagabi ka pa gising at buong gabi ka ring nagbantay sa kanya. Sinabi ko naman sa'yo na magiging ayos din ang lagay niya since what happened to him isn't that fatal."

"Ayos lang po ako, doc. No need to worry about me," I reassured him with a smile. Pero nagtaka naman ako nang sumilay sa kanya ang kakaibang ngiti.

"Huwag kang mag-alala. Walang aagaw kay Ean sa'yo," kantiyaw niya na nagpalaki sa mga mata ko.

"P-po!? A-ano... ano po'ng s-sinasabi niyo? Wala po akong iniisip na g-gan'on! Promise!" Depensa ko sa aking sarili habang umiiling at winawagayway ang mga kamay sa aking harapan. Sa sinabi niya ay ramdam kong nag-init ang mukha ko. How could he say that? Wala naman akong iniisip na ganoon ah?

"Biro lang. Ito naman," he stated in between his giddy chuckles. Grabe, nakakaasar 'yung mga chuckles niya. "I'll get going. Marami pa akong kailangan tignan."

Hindi ko na siya sinagot at binaling na lang ang tingin sa natutulog na si Ean. Ayaw ko siyang kausapin. Nakakaasar siya. I mean-- paano pumasok sa isip niya 'yon? We're not even that close. Tsaka ni hindi nga sumanggi sa isip ko iyon eh. And if ever some girl would break in and started to take care of Ean instead of me, I don't care. Yeah, I don't. I really don't. Hinding-hindi talaga.

Ok, maybe I should calm down. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili at muling binalik ang aking atensyon kay Ean. Few scratches and wounds were visible from both his arms. May mga sugat din siya sa mukha na natatakpan ng band-aid na nilagay ni doc kagabi after we brought him here. Ang mga sugat niyang iyon was the aftermath of what he did last night during the appearance of the Crack. Lahat ay nagulat sa lakas ng mahikang nilabas niya kagabi.

*****

A loud gunshot echoed from my pistol upon firing it at an approaching Visitant. Hindi naman iyon naging sapat para pigilan ang pagsugod nito. And so I aimed my two pistols at it at sunod-sunod na nagpaputok. Nakailang kalabit din ako sa aking mga baril bago tuluyang naglaho ang Visitant.

"Kailangan na nating makaalis dito! Tara na!" A guard shouted in dread while we were halted by the threats of the Visitants as we were making our way towards the evacuation site.

Pinalibot ko ang tingin ko sa buong grupo at wala akong ibang nasaksihan kung hindi ang mga iyakan at takot na nararamdaman nila. May mga ilang gwardya na rin ang nakikipaglaban sa mga nasaniban na ng mga Visitant. With every slash the guards made, with every blow they made towards their fellow was the cry of agony from our group. Hindi ko nagawang makagalaw sa mga natutunghayan ko. It's like every scene was too much for me to bear.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora