Chapter 14: The Unpredictable Flash

736 35 57
                                    

Pabalik-balik ako ng lakad dahil nga sa hindi na ako mapakali. Medyo nanginginig ang pawisan kong kamay sa hindi maipaliwanag na kabang nararamdaman ko. Maraming bagay ang naglalaro sa isip ko ngayon at lahat ng iyon ay gusto ko nang mabigyan ng sagot kung hindi lang sa paglayo ni Cap sa akin mula sa mga Seniors na dumating.

"A-ano ba 'yon!? Sino ba ang mga Seniors na 'yon? Ano ibig sabihin ng ginawa nila? 'Yung pagsaludo, 'yung pagbanggit niya sa pangalan ko, 'yung reaksyon nila nang makita nila ako. Ano-- ano ba'ng--" hindi mapalagay kong wika habang patuloy na nagpapabalik-balik ng lakad dito sa tahimik na pasilyo. "Kilala ba nila ako!?"

"Ean, calm down. Hayaan muna natin silang kausapin ng Head Captain," pagpapakalma sa akin ni Moira na hindi ko nagawang bigyan ng pansin. Masyado nang napupuno ng mga bagay ang isip ko.

"Hay, nako naman!" Bulalas ko at pabagsak na naupo sa batong bangko sa gilid ng pasilyo. Napahilamos ako ng mukha sa inis.

Kasalanan ko rin 'to eh. Masyado akong natulala't nagulat nang tila binigyan ako ng kakaibang pagpugay at respeto ng mga Seniors na kararating lang dito sa Edira. Hindi ko na nagawang makaimik pagkatapos noon at sunod na nalaman ko na lang ay nailayo na sila ni Cap dahil gusto raw niyang makausap ang mga Seniors. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa mga inasta at pinakita nila? Lalo na 'yung babaeng lumapit sa akin na parang sinuri pa ata maigi ang mukha ko. Na parang kinilala pa ako maigi.

"How? Y-you're alive?"

Umaalingawngaw na umulit ang sinabi ng babae sa isip ko dahilan para mas lumalim pa ang bumabagabag sa akin. Ano ibig sabihin niya noong sabihin niya iyon sa akin? Kung buhay ba raw ako? Malamang oo, nasa harapan niya nga ako eh. Pero bakit nagtataka siya nang makita niyang buhay ako? Patay na ba dapat ako? Gaaah! Naguguluhan na ako!

Sumandal ako sa batong pader at tumingala nang nakapikit ang mga mata ko. Humugot ako ng malalim na hininga upang pakalmahin ang aking sarili, ngunit sa ginawa ko ay biglaan akong tinamaan ng matinding inis sa aking sarili dahilan para iumpog ko ang sarili kong ulo sa pader.

"Teka lang, Ean!" Agad kong narinig ang alalang bulalas ni Moira at pinigilan ang aking ulo. Napasabunot naman ako sa mga buhok ko at yumuko na lang. "Take a deep breath and try to relax," malumanay na sabi niya sa akin habang nakaupo na sa tabi ko. Ginawa ko naman ang sinabi niya habang sinasabayan niya ako. Ilang ulit kong ginawa iyon at doo'y unti-unti na akong kumakalma.

"Feeling better?" Alala niya sa akin na tinugon ko ng tipid na ngiti.

"Pasensya ka na, Moira. Nabigla lang talaga ako sa mga nangyari," paghingi ko ng paumanhin. Malamang nagtataka na itong si Moira sa inaasta ko gayong hindi niya naman alam kung bakit ako nagkakaganito-- na hindi niya alam ang pinagdadaanan ko. Nakakahiya tuloy sa kanya. Baka akalaing baliw ako.

"Huwag ka mag-alala. Naiintindihan ko," sagot naman niya. Alam kong nasabi niya lang iyon para pagaanin ang nararamdaman ko kaya nginitian ko na lang siya. "No, Ean. I-- I really do understand. Everything."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya sabay lingon sa kanya. "Huh? Ano ibig mong sabihin?"

Ilang sandali akong naghintay ng sagot mula sa kanya, ngunit nanatali siyang nakayuko at hindi umiimik. Nahagip pa ng mata ko ang paglunok niya, senyales na kinakabahan o nababahala siya sa kung anumang gusto niyang sabihin.

"Moira?" Pagtawag ko sa atensyon niya.

"It's about your memory," rebelasyon niya na nagpalaki sa mga mata ko. Paano niya iyon nalaman? Pagkakatanda ko ay wala pa akong nababanggit sa kanya tungkol dito.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon