Chapter 31: True Nobility

647 31 9
                                    

*3rd Person POV

Sinandal ni Brendz ang kanyang likod sa purong batong pader. Dahan-dahan ay sinilip niya ang daraanan niyang makipot na pasilyo kung saan namataan niya ang ilang mga kalaban. Nang makitang nakabukas ang mga ilaw doon ay napailing na lang siya. Nangangahulugan lamang ito na sinadya nga ang pagpatay ng kuryente sa lift na sinakyan ni Ean.

I better get things done here as soon as I can. Ean and Moira must head up fast. And I don't want these guys swarming the tower. Bulong niya sa kanyang sarili.

Hindi maiwasan ni Brendz ang makaramdam ng galit sa isipang iyon. Nagagalit siya dahil sa dinami-rami ng lugar sa Princeton ay dito pa sa Julia's Tower napiling tumigil ng kanilang mga kalaban. Lalo na't naging sariwa na naman sa isip niya ang matalik niyang kaibigan ngayong siya'y nasa tore.

*****

Bagsak ang balikat ni Relena nang tabihan niya sa isang batong bangko si Brendz. Nang lingunin ni Brendz ang kaibigan ay kusa itong napabuga ng hangin at napairap.

"Let me guess, something happened back at your kingdom again," walang gana nitong sabi.

Ilang sandaling walang imik si Relena. Dahil dito ay agad nakuha ni Brendz na iyon nga ang bumabagabag dito. Napauyam ito nang malaman niyang tama nga siya ng hula.

"You do know you can go back there whenever you want, right? You can leave Orthil whenever you want. I mean-- damn it, Relena! You're a prince--"

"Shh! Not too loud! Someone might hear you!" Hindi na pinatapos ni Relena ang sasabihin ni Brendz at tinakpan pa ang bibig nito na siya namang kinasimangot nito.

"And what the f*ck is wrong with someone hearing about that? It's not like they don't know that you're Princeton's princess," mataray na tugon naman ni Brendz nang alisin niya ang kamay ng kaibigan sa kanyang bibig.

"Well, some of them don't and it's best to let it stay that way." Bumuntong hininga si Relena at yumuko. Nakukuha nito ang pinupunto ng kaibigan, ngunit alam naman ni Brendz na ayaw ni Relena na ipinagsisigawan o ipinamumukha na isa siyang prinsesa. Ayaw lang nito na magkaroon ng 'special treatment' ngayong nasa campus sila ng Valin.

"Fine!" Bulalas ni Brendz na hindi pa rin maalis ang simangot sa kanyang mukha. "What's the matter?"

"Father contacted me and said that there's a dispute going on," siwalat ni Relena habang taimtim namang nakikinig si Brendz. "A few nobles wanted to take down Julia's Tower."

"What? What for?" Pagtataka ni Brendz.

"They said it's old. And the area is an ideal place to build a place for noble community," malungkot nitong wika.

"F*king selfish," pabulong na mura ni Brendz habang napapaismid. Bigla naman niyang naalala ang kahalagahan ng toreng iyon para sa kanyang kaibigan kaya kaagad na napalitan ng pag-aalala ang kanyang inis. "But Julia's Tower... isn't that..."

"Yes. Taking it down is like disregarding what Mother did for the kingdom," imik ni Relena sa boses na nagbabadya nang lumuha. "That tower, for me, symbolizes the love of Mother to the whole kingdom. That's where she sacrificed herself as the queen of Princeton to save everyone, as Queen Julia McCher. And everyone knows that. Yet, they seemed to be forgetting about that."

Habang nagsasalita si Relena ay damang-dama ni Brendz ang sakit sa kanyang kaibigan sa ala-alang iyon. Hindi rin lingid sa kaalaman niya ang mga dating naikuwento ni Relena sa kanya tungkol sa masasayang ala-ala nito sa toreng iyon kasama ang kanyang ina. Kaya naman hindi rin maiwasan ni Brendz ang makaramdam ng lungkot sa mga nasabi nito.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon