Chapter 24: Loose End

716 31 49
                                    

*Ean

Nilapag ko ang mga kubyertos na hawak ko sa ibabaw ng plato na may nakakalokong ngiti. "Ano ba naman 'yan, ma? The food is eew! It test like spoil!"

"Hoy! Exshoes me!" Sagot naman sa akin ni mama na tinuro pa ako. "If I knew, your dead to my cook. Your always fool your abdomen and you not eatering when I not cook."

"No! That's not truth or dare! You're a layer," tugon ko naman.

"Ay, diyos ko, anak! Bakit may nadawit nang layer? Awesome layer ba 'yan?" Nakakalokong sabi ni mama na sinakyan ko naman.

"Hindi, ma! Ano 'yan, may kinalaman ata sa mga kaso 'yan. 'Yung mga judge judge?"

"Oh my god, lawyer 'yon eh!" Hiyaw ng katabi ko na halos malagutan na ng hininga kakatawa. Hinubad niya ang salamin niya saka nagpahid ng luha. "Please, stop. Hindi ko na kaya!"

"Osiya, sige na, hija. Titigil na," natatawang pagpapakalma naman ni mama habang nangingiti rin ako sa mga pinagsasasabi namin kanina. Tawang-tawa na rin kaya ako. Pinipigilan ko lang. Hapet kasi 'tong si mama eh, ayaw patalo. "Pero aminin mo, Moira. Mas magaling ako mag-grammering kesa sa anak ko."

"Ma, erection, it's grammarita--"

"Diyos ko po, anak! Tumigil na nga tayo! Kung saan-saan na napunta ang sinasabi natin," biglang pigil sa akin ni mama na ikinahagalpak ko ng tawa. Maling-mali na nga ang mga sinasabi ko. Kasalanan 'to ni mama. Hindi ako 'yan!

"Anyways, thank you po for welcoming me to your house. Nag-enjoy po ako, sobra," pahayag ni Moira kay mama nang huminahon na siya.

"Wala 'yon. Laging bukas ang bahay ko sa mga kaibigan ni Ean," nakangiting saad naman ni mama kanina.

Grabe, tuwing nakakasuap ko si mama ay ganito lagi ang ganap. Kahit gaano man kabigat ang pinagdadaanan namin ay hindi nabibigo si mama na paglahuin lahat ng iyon. At mukhang ganoon din ang epekto kay Moira. Masaya naman ako na napatawa rin siya ni mama. Base kasi sa nangyari kahapon ay alam kong kailangan niya ring huminga at magpakasaya muna.

"Sige, ma. Mauuna na kami ni Moira. Makikibalita lang kami kina Rake at Shion," paalam ko kay mama.

"Ay, oo, sige," agarang tugon niya at sabay-sabay na kaming tumayo.

Nang marating namin ang pintong magluluwa sa amin palabas ng bahay ay muli kaming nagpaalam ni Moira kay mama saka tuluyang umalis. Labis-labis naman ang pasasalamat ni Moira kay mama. Nakakatuwa nga eh, mukhang magkasundo ang dalawa. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan itong si Moira. Ganoon din naman si mama. Eh puro kalokohan nga rin alam n'on eh. May pinagmanahan talaga ako. Kaya hindi na rin kataka-takang madali silang nagkasundo.

"Ang sakit pa rin ng panga ko," daing ni Moira sa gitna ng paglalakad namin. Kita ko namang pinipisil niya ang bandang pisngi niya na ikinatawa ko. Nayaya ko lang naman si Moira kanina dahil nakita ko siya sa daan habang pauwi ako matapos akong utusan ni mama. Ngayon, iniinda na ang panga niya.

"Sabi ko naman sa'yo eh, ihanda mo na panga mo kapag nasa bahay ka. Kay mama pa lang, ngalay na panga mo eh," sabi ko rito na may halong pagmamalaki. Mama ko 'yon eh, siyempre.

"Will keep that in mind," nasabi niya na lang nang nakangiti.

"Ean?" Naagaw ng isang pamilyar na boses ang atensyon ko nang tawagin ako nito. Saglit naman akong nagulat nang makita ko kung sino 'yon.

"Uy, Brendz, magandang uma--"

"Is it really a good morning?" Putol nito sa sasabihin ko kaya naman ang ngiting suot ko ay agad naglaho. Nginitian din siya ni Moira bilang pagbati na inirapan niya naman. Pagkaaga-aga, bad mood agad. Hindi ko alam kung kailangan ko na bang mabahala sa babaeng 'to o ano. Lumalala na ata ang ugali.

Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1]Where stories live. Discover now