Chapter 1
~~"I remember the first time I saw you, I don't really like you.
But right now, well that's a different story."
"Hey! Do you mind if I sit here?" Tanong sakin ng isang gwapong lalaki na nakasuot ng kulay blue na v-neck na tshirt.
Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng Pizza Craze at nagbibilang ng mga taong papasok sa loob.
Madami na ring pumapasok kaya puno na rin ang mga upuan.
Tingin ng tingin sakin yung waiter at hinihintay siguro kung oorder ako.
Punta ng punta sa table ko at sinasabing, "ma'am, may I take your order?"
"Mamaya na lang. May hinihintay pa ko." Laging sagot ko naman.
Excited? Mamaya na lang no.
Hinihintay ko kasi yung pinsan ko na sasamahan kong bumili ng libro na gustong gusto niyang bilin.
Meeting place namin to.
So I'm here, I end up waiting for her na sobrang tagal dumating. 35 minutes late na kaya siya, siya na nga lang magpapasama e.
Si ate May talaga (-_-")
"Sure." Sagot ko sa gwapong lalaki na katapat ko ngayon ng upuan. Pero hindi ko siya gusto ah, nagagwapuhan lang ako.
Eto nga pang dalawang tao lang kasi yung table na inupan ko.
Nakikita ko na naman yung waiter na papunta na sa may table kung saan kami nakaupo ng gwapong nilalang na to.
"May I take your order ma'am/sir?"
Akala siguro niya etong gwapong nilalang na to ang hinihintay ko kaya mula kanina ay hindi pa ko umoorder.
"Later na lang." Saad ko.
"1 family sized overloaded pizza ha. Tsaka 2 large coke." Saad naman ng gwapong nilalang na to.
Tinanong nga din pala siya ng waiter.(___)
At umalis na yung waiter.
"Miss, may hinihintay ka ba?"
Nagulat ako dahil biglang nagsalita yung gwapong nilalang.
"Ahh Oo e." Tipid na sagot ko. Nahihiya ako pag nakakakita ako ng gwapong nilalang XD
"Sandali na lang ba at darating na yung hinihintay mo?"
"Oo malapit ng dumating yun." Kahit na sa totoo lang, kanina ko pa hinihintay yung magaling kong pinsan na pinag aantay ako ng matagal dito.
"Buti naman."
"Ha? May sinasabi ka ba?" Di ko kasi narinig yung sinabi niya.
"Ang sabi ko buti naman."
"Ha? Tama ba yung rinig ko? Bakit sinasabi mong buti naman?"
"Buti naman kasi kung may hinihintay ka lang naman at wala kang oorderin, diyan ko na lang pauupuin yung ka-date ko." Tapos nakanguso siya na animo'y tinuturo yung kinauupuan ko ngayon.
"Wow ha? Ang lakas ng loob mong sabihin yan?! For your information, oorder naman talaga ko at hindi lang makikiupo dito. Nagkataon lang na yung hinihintay ko ay ubod ng kupad at hanggang ngayon ay wala pa rito!" Napatingin samin yung ibang tao. Aisshhhh nakakahiya.
