(January's POV)
Nakauwi naman kami agad pagkatapos naming kumain ng icecream.
Sa araw araw, parang hindi nababawasan ang pagkagusto ko kay Dylan.
Infact, nadadagdagan pa nga yata :(
And I hate this feeling.
Dati rati, asar na asar ako sa mga classmate kong may crush sa kin.
Feeling ko kasi ang weird nun.
Tapos ngayon, kung kailan for the first time in my life may nagustuhan akong isang tao....
May nagmamay-ari na ng puso niya at ang bestfriend ko pa.
Medyo mapaglaro ang tadhana no?
Dami daming tao sa paligid pero bakit parehas pa naming nagustuhan ang isang tao?
Pero wala akong planong agawin si Dylan kay Iya. She's my bestfriend and I don't want to hurt her.
Iniisip niyo ba na masama ako dahil gusto ko ang boyfriend ng bestfriend ko?
Well, don't.
Kasi nagustuhan ko na si Dylan bago ko pa malaman na girlfriend pala niya si Iya.
And I'm really trying my best para mawala na ang pagkagusto ko kay Dylan.
Believe me. I'm really trying.
Sana nga di ko na lang siya na-meet nung summer.
Hayyyyyy.
Sa totoo lang, wala naman talagang masamang magkagusto sa isang taong taken na. Nagiging masama lang kung pinaplano mong agawin siya sa taong mahal niya.
Well, sapat na sakin na magkaibigan kami ni Dylan.
Atleast nakikita ko siya palagi. Laging masaya.
.....Kahit na sa piling pa ng iba.
Ayos na yun. Tama! Ayos na nga yun.
Nakaraan ang Wednesday at Thursday.
Puro date lang ang ginawa nila Dylan at Iya.
Minsan sinasama nila ko kaso hinayaan ko na lang silang dalawa na magbonding.
Masasaktan lang din naman ako pag pinanood ko pa ang kanilang masayang love story.
**Friday
Thank God it's Friday!
Walang pasok bukas XD
"Good morning class." bati ni Miss Sonnette samin. Asusual, walang karea-reaksyon ang mukha niya.
Tumayo kaming lahat at binati siya ng,"Good morning ma'am. It's nice to see you."
"You may now take your seat." At umupo na nga kami.
"Sa Monday walang aabsent sa inyo dahil class picture taking, at bukod dun ay club registration din kaya wag na wag nyong susubukang umabsent dahil... alam niyo na mangyayari sa inyo. Maliwanag?"
"Yes ma'am." sabay sabay naming sabi.
Nung isang araw kasi sinabi ni ma'am samin na kapag may hindi sumunod sa sinabi niya ay ibabagsak niya.
Saklap di ba? Adviser pa namin yan (___)
"Grabe naman tong si ma'am. Pano kung emergency pala tapos kailangang umabsent sa Monday e ibabagsak pa rin niya???" Saad sakin ni Dylan.
"Wala e. Ganyan talaga yang si ma'am." saad ko naman kay Dylan.
"MONSTER adviser." Bulong sakin ni Dylan.
