(January's POV)
"I'm sorry coz I can't catch you." Alam kong masakit mareject. Pero di ko kayang tanggapin ang pagmamahal ni Liam sakin ngayon.
Mahal ko kasi talaga si Dylan.
I'm sorry Liam.
I'm sorry PatLi.
Ngumiti siya sakin.
"Sus, wala yun hahahaha. Just forget about it. Okay?"
"Yes, I will."
Hinatid ako ni Liam sa bahay namin.
And after nun ay umuwi na siya.
We act as if nothing happened.
Nagbihis ako ng pambahay na damit.
Humiga ako sa kama ko at nag-isip isip.
Ito na nga ba ang pinaka ayaw ko sa lahat e.
Ang salitang LOVE.
For the first time in my life, na-inlove ako at unrequited love pa ito.
Yung taong tinuturing kong mabuting kaibigan, inamin sakin na nahulog na siya sakin. And I told him that I can't catch him.
Arghhhhh!
I hurt him, I'm sure of it.
Tapos bigla kong naalala si Iya.
Malapit na siyang umalis kaya gusto niya lagi kaming magkasama sama kaso anong ginawa ko kanina?
Dahil sa ayaw kong makitang magkasama sila ni Dylan ay hindi ako sumama sa kanya.
No. Kailangan walang magbago.
Love lang yan.
I don't need to sacrifice our friendship.
--
Kinabukasan.
"Good morning guys!" Bati ko sa kanilang lahat.
"January, energetic ka yata ngayon?" Tanong ni Kev.
"Ganun talaga hahahaha."
Nilapag ko na sa desk ko yung mga gamit ko.
"Good morning bes." Bati ko kay Iya at niyakap ko siya.
"Good morning din bes."
Umalis na kami sa pagkakayakap namin.
