Chapter 15: Stroll (part 1)

1K 10 0
                                        

(Dylan's POV)

Na-disappoint ako dahil hindi dumating si Iya sa date namin. Balak ko sanang manood kami ng sine kaso hindi daw siya pwede kaya pumunta na lang ako sa mall.

At sa mall, nakita ko si January.

Tutal mag-isa lang siya at mag-isa lang din naman ako ay inaya ko siyang pumunta ng arcade.

Natatawa ko sa reaksyon niya tuwing hindi siya nakakashoot ng bola. Inaya ko din siya sa icecream shop. Nilibre ko siya kasi... ewan.

E

Trip ko lang talaga siyang ilibre.

"Dylan."

Lumingon ako sa kanya.

"Busy talaga si bes, paperworks daw e. I hope maintindihan mo."

"I understand."

Pagkasabing pagkasabi ko nun, nakita ko sa di kalayuan si Iya.

Busy siya???

Busy sa pagkain kasama ang lalaking di ko naman kilala.

Gusto ko siyang lapitan at sabihing,"Busy ka saan??? You're busy flirting with somebody else!"

"O bakit ka huminto?"

"Wala, wala. Balik na tayo..."

"Ano ba nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo?"

Galit na talaga ko. Pero pinilit ko pa ding ayain si January palabas ng mall.

"WALA nga." Iritang sagot ko.

I just can't believe what I saw.

Iya's with somebody else. To think na may date sana kami ngayon.

Lumabas na kami ng mall ni January.

May pupuntahan sana ko kaso naisip ko, mas gusto ko na lang umuwi. At sasabay ako kay January pauwi.

"January, wait!"

"Oh bakit ka bumalik?"

"May pupuntahan sana ko kaso naisip ko na gusto kong sumabay na sayo umuwi."

Ngumiti siya sakin. Ang tamis ng ngiti niya.

"Halika na." saad niya sakin.

Nakatulog pala ko sa jeep.

Nung nakarating kami sa tapat ng bahay niya...

*sa tapat ng bahay ni January

"Nandito na tayo. Goodbye na Dylan. Salamat sa icecream."

"Sige walang anuman."

"January, may gagawin ka ba bukas ng umaga?"

"uhmm..Wala naman bakit?"

"Basta. Punta na lang ako sa inyo bukas."

"Ah..e.."

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Bye!!!"

Nung gabing yun, tinext ko si Iya.

"Do you really love me?"

Nagreply agad siya.

"Of course I do. Bakit mo naman natanong yan babe?"

"Wala lang. Just making sure, goodnight babe. I love you."

Martir na kung martir pero mahal ko siya. And I don't want to let her go.

I don't want to confront her. Maybe about business matters lang yun... or...Aishhh!

Before I let you goМесто, где живут истории. Откройте их для себя