Chapter 59: The only exception

599 11 5
                                        

(January's POV)

Nahabol ako ni Liam. Aishhhh!

Tinakpan ko na yung bibig niya para matigil na siya sa kakasabi ng baby.

"Isa pang baby mo, sasapakin kita." banta ko.

Umiiling lang si Liam habang takip ko pa rin ng kamay ko yung bibig niya.

"Ano? Ano?" parang siga lang ako hahahahaha!

Tinanggal niya yung takip ko sa kanya.

"Ayoko nga. Sa ayaw at sa gusto mo, you're my baby." kumindat siya at inakmaan kong sasapakin ko siya pero hindi siya natinag at ngumiti pa ng nakakaloko.

"Aishhhh!" sigaw ko.

Naglakad lakad ako at napadpad kami sa field. Tumingin ako dun at nakita kong may laro pala.

"Baby" tawag ni Liam. GRRRRR.

Napahinto ako sa paglalakad.

"Naks. Yung Mister and Miss Intrams." may biglang sumulpot sa harap ko na parang kabute.

Tumabi sakin si Liam at bigla akong inakbayan.

"January, akala ko ba ayaw mo ng...?" tumingin siya kay Liam. "Katampo naman oh." Si Hans lang pala, isang 3rd year na nanligaw sakin nung 2nd year ako tapos 1st year siya at that time pero binasted ko dahil ayaw ko nga ng pag ibig noon at hanggang ngayon naman kaso wala e,

nahulog ako kay Dylan.

"Dati yun dude. Lahat nagbabago, yung dating ayaw niya, gusto na niya ngayon." nag smirk si Liam.

Lumungkot yung mukha ni Hans.

"Ganun ba? Congrats sa inyong dalawa. Sige, una na ko." sabi ni Hans. Nalungkot naman ako para sa kanya.

"Bakit mo naman sinabi yun Liam?"

"Sino ba yun Jan?"

"Si Hans, nanligaw sakin dati." sagot ko.

"At binasted mo kasi ayaw mo pa ng pag ibig noon?"

Tumango ako.

Hinawakan niya ngayon yung magkabilang pisngi ko.

"Basta ako, wag mo kong babastedin ha?"

"Hindi ka naman nanliligaw." sabi ko.

"Hindi mo kasi ako hinahayaan e." sagot niya.

"Hindi ka naman nagtatanong kung pwedeng manligaw." sabi ko.

Nangiti siya. Ano ba sinabi ko? Di ko rin nagets ang mga sinabi ko e.

"Pwede ba kong manligaw?" hawak niya pa rin yung pisngi ko.

Anong tanong yan???

"Liam naman e."

"Tignan mo nga. Ayaw mong manligaw ako pero sinasabi mong hindi ako nagtatanong sayo kung pwede ba."

"Ehhh."

"Lahat ba ng nanligaw sayo binasted mo?"

"Oo."

"Can you make me an exception? Can you give me a chance?" nagpuppy eyes siya. Gusto kong tumanggi pero may part sakin na nagsasabing pumayag ako.

Siya yung taong nandiyan sa mga panahon na kailangan ko ng karamay. Siya yung taong gagawin ang lahat mapasaya lang ako. Siya yung taong hindi mang iiwan. So how can I refuse him?

Should I really give him a chance? Pero parang unfair naman yun kung may mahal akong iba tapos binigyan ko siya ng chance? Pero...yun lang naman ang hinihiling niya mula sakin di ba? Chance...

*Bugssshhhhh

Nagulat ako ng makita si Liam na napaupo sa sakit. Tinamaan kasi siya sa mukha at nagdudugo ang ilong niya.

Hindi!!!

Tinulungan ko si Liam na tumayo at nagdudugo talaga yung ilong niya.

Lumapit samin yung player na nakatama sa kanya.

"Sorry, hindi ko sinasadya."

"Ayos lang dude, ayos lang ako." sumenyas siya dun sa player na iwan na siya dahil okay lang siya.

"Halika nga Liam." hiniltak ko siya papunta sa clinic dahil mukhang hindi naman talaga siya okay.

Ginamot nung nurse yung nagdudugo niyang ilong. At nang matapos yun...

"Liam, ang ganda pa naman ng ilong mo, sayang...." sabi ko.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa dito sa clinic.

Natawa siya. "Wala to. Nagdugo lang, pero maganda pa rin."

Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Naalala mo yung kanina Jan? Yung sinabi ko kay Hans."

"Ang alin?"

"Nung sinabi ko sa kanya na 'yung dating ayaw mo, gusto mo na ngayon'. Nakakatawa lang kasi inakala niya ako yung gusto mo, hindi niya alam si Dylan pala." nangiti siya ng mapait.

Nalungkot ako bigla sa sinabi niya.

"It's funny, right?" tanong niya at tumawa siya. Pero hindi man lang ako natawa kasi alam kong hindi naman talaga siya masaya dun.

Ayokong nasasaktan si Liam. Ayoko...

"Naalala mo rin ba yung kanina? Nakakatawa kaya nung sinabi mo saking 'Can you make an exception? Can you give me a chance?' " sabi ko. "tapos..."

"Tapos ano?" tanong niya.

"Tinamaan ka ng bola sa mukha."

"Masaya kang tinamaan ako sa mukha?" malungkot yung mukha niya.

"Hindi hahahaha!"

Yumuko siya at hindi makatingin sakin.

"Ganyan ka naman e." mahinang sabi niya.

"Liam kaya ko natatawa kasi bago ko pa masabi yung sagot ko. Tinamaan ka ng bola sa mukha."  bigla siyang napatingin sakin.

"What do you mean?"

"You are the only exception." saad ko.

He gave me a questioning look and after a few seconds...

"Talaga? Seryoso Jan? Yes!!!"

nagets din niya.

Tuwang tuwa siya at bigla akong niyakap.

"Oo na. You can court me." sabi ko.

"Salamat, baby."

Before I let you goМесто, где живут истории. Откройте их для себя