Chapter 30: First date (Part 2)

913 9 0
                                        

(Liam's POV)

Nagulantang talaga ko nung niyakap ako ni January. My heart skipped a beat.

Hanggang sa matapos na yung movie, yung init pa din ng yakap niya yung nasa isip ko.

Inaya ko siya sa arcade.

Naglaro kami sa basketball.

Masaya ko kasi masaya siya.

"Aray ko po. Hahahaha." Tumatama kasi sa kanya yung bola.

Naglaro din kami sa car racing.

"Liam, kahit isang beses lang magpatalo ka naman."

"Blehhh." Binelatan ko siya.

Nakakatawa talaga yung reaction niya pag natatalo ko siya.

"Suko na ko Liam. Awat na hahahaha."

Sa catcher naman, naalala ko yung Patrick star na pinangalanan naming PatJan at PatLi.

"Naalala mo pa yung Patrick star?" tanong ni January.

Tumango ako.

"PatJan, tara dun tayo sa sinasakyan ng mga bata." 

"Talaga?" excited na excited yung mukha niya nung sinabi ko yun.

Sumakay kami dun kahit na mukha kaming ewan.

Dun siya masaya e, kaya dun na din ako.

Kanina, nung tinalo ko siya sa laro namin sa badminton, hindi naman talaga date ang hihilingin ko e.

Ang hiling ko talaga ay sana payagan niya kong ligawan siya.

Kaso natatakot akong i-reject niya kaya date na lang. Friendy date.

Nung matapos kaming maglaro at sumakay sa nakakatawang sakayan ng mga bata, pumunta kami sa photobooth.

4 shots yun.

Nung una, normal na ngiti. Sumunod, peace sign na pose. Sunod, inakbayan ko siya na ikinagulat niya. At nung huli, magkadikit naman yung mga ulo namin at masayang nakangiti.

Kinuha niya yung may peace sign na pose at yung magkadikit yung ulo namin at masayang nakangiti.

"Pagod ka na ba?" tanong ko kay January.

"Medyo hahaha."

Napatingin siya sa orasan niya.

"7pm na pala."

"Oo nga. Uhmm, January gusto mo pa bang kumain?"

"Ahmm, sige na nga. gutom na din ako e haha."

Pumunta kami sa KFC. Umorder lang kami ng chicken with rice.

One thing we have in common, ginagawa naming sabaw ang gravy haha.

Napansin ko lang.

"MMM.. sarap haha."

"Oo nga e. Oh kuha ka pa ngang gravy."

"Sige sige."

Natapos din ang aming "Friendly date".

Pero masaya ko kasi naging masaya naman siya.

Hinatid ko na siya sa tapat ng bahay niya.

"Salamat talaga Liam. Ang saya ng araw na to ng dahil sayo."

"Walang anuman, basta para sayo."

Tumalikod na siya at akmang papasok na sa loob.

"January."

Before I let you goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon