Chapter 3

11.8K 418 43
                                    

GLAIZA'S POV:

"So pa'no ba yan Tsong, talo ka. Yung usapan ha. Pakisamahan mo ng mabuti si 'Jade'  ha. O sya, aalis na muna ako at baka makaistorbo pa ako sa inyong dalawa." bulong ni Chynna sa akin bago umalis dun sa tent namin ni Rhian.

And yeah, kung itatanong nyo, nandito nga sa loob yung tent yung 'taong' yon at kanina pa nakatingin sa akin. Naiilang na ako. Naiinis na ako sa mga tingin nya. Akala nya kung sino syang maganda at mahuhulog lahat, mapa-babae man o lalaki sa mga titig nya. Pwes, ibahin nya ako no!

Nagsorry na rin ako kanina dun sa mga nasabi ko pero nagsmile lang sya sa akin. Ni hindi man lang sinabi kung okay na ba yon or hindi. Pero ang usapan lang naman namin nila Chynna is magsosorry ako sa babaeng 'to and nagawa ko na naman. Wala akong kebs kung ayaw nya akong patawarin o hinde. Duh!

At dahil sa mga titig nya, kanina ko pa gustong magwalk-out pero natalo ako sa pustahan kaya kailangan kong pakisamahan 'tong isang 'to.

Pero hindi ko na talaga matagalan yung mga tingin nya kaya inis na nagsalita ako.

"Ano bang problema mo? Bakit ganyan ka makatingin? Bakit di ka na lang magbasa ng script mo?" malumanay pero may inis na sabi ko. Hindi kasi ako makapagfocus dahil sa mga titig nya.

"Ang ganda mo pala talaga 'no?" narinig kong sabi nya kaya inis na tiningnan ko lang ulit sya.

Matagal ko nang alam yon kaya hindi nya kailangang sabihin pa.

"Ano yon?" kunwaring hindi ko narinig yung sinabi nya.

Mas lalo naman syang ngumiti sa akin.

"Ang sabi ko, ang ganda mo pala. Mas lalo na pag malapitan." ulit pa nya. At nadagdagan pa ha.

Agad ko naman syang tinaasan ng kilay. Pati ako bobolahin pa ng bruhang 'to. Mas maganda kaya sya. Ay mali pala. I mean, uh, Cha, mas maganda ka sa kanya.

"Excuse me? Wag kang bumreezy dyan dahil hindi naman ikaw si Althea. 'Te, si Jade yung character mo, pa-demure ka dapat. Kaya pwede ba, wag mo akong banatan ng ganyan dahil hindi ako madadala dyan." sabi ko sabay irap sa kanya.

"Tsk. Ikaw na nga yung sinasabihan ng maganda, ikaw pa yung nagagalit dyan." natatawang sabi nya.

"Bakit, inobliga ba kita na sabihan ako non? Hindi naman diba? At hello, wag mo akong artehan ng ganyan dahil alam naman nating may boyfriend ka. Please lang, wag kang makipagflirt sa akin." sabi ko pa.

Mas lalo naman syang natawa sa sinabi ko.

"Grabe ka naman, sinabihan ka lang ng maganda, flirt na agad? Hindi ba pwedeng na-aappreciate ko lang yung beauty mo?"

"Rhian Ramos, alam ko yung mga galawang ganyan." dahil ganyan din yung kaibigan mo. Ganyan din yung ginawa nya sa akin kaya, ugh, nevermind.

"But seriously Glai, I really don't know kung bakit parang lagi kang galit sa akin eh wala naman akong naisip na nagawa ko sa'yong masama. Well, except yung mga sampalan at sabunutan natin sa STH pero ang tagal na non ha."

"Hindi ako galit sa'yo."

"Really? Kaya pala laging masama yung tingin mo sa akin. I'm not sure kung meron akong nagawa na hindi mo nagustuhan pero gusto kong magsorry sa'yo. Gusto ko kasing maging maayos yung trabaho nating dalawa dahil I promised Ate Yan na hindi ko papabayaan 'tong show. Glai, hindi lang basta magkaibigan yung characters natin dito sa TRMD, lovers tayo. And papa'no tayo magiging sweet kung bawat lapit ko sa'yo, hindi ko ma-feel na welcome ako? Papa'no tayo papaniwalaan ng mga nanonood kung tayo mismo, hindi kayang maniwala na pwede naman tayong magkasundo?" mahabang sabi nya.

Hate that I love youOù les histoires vivent. Découvrez maintenant