Chapter 22

6.7K 317 43
                                    

AN: Pwede nyong i-play yung video habang binabasa yung tula ni Sev. Hihi. Sorry, super nafeel ko kasi yung poem eh. Kaya isinama ko sya. Tagos sa puso ko. Haha.

=============================

GLAIZA'S POV:

"Sev's Cafe." mahinang sabi ko nang mabasa yung name nung place kung saan kami magkikita ni Anne. Hmmm, dito talaga? Sigurado syang dito kami mag-uusap?

"I'm here. I'll just wait for you sa table natin." napatingin naman ako sa notif ng phone ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob.

This is it Cha! Kaya mo yan. Mag-uusap lang kayo. Yun lang. Go! Ayan, kinakausap ko na naman yung sarili ko. Nababaliw na naman ako. Tsk.

Pagpasok ko, nakita ko agad kung nasaan sya. Dahan-dahan ko syang nilapitan dahil hindi ko alam kung papa'no ko sya babatiin. Hmmm, papa'no nga ba?

Nasa ganung pag-iisip ako nang bigla syang napalingon sa akin. Nakita ko naman na nagsmile sya nung makita nya ako. Wow, ayan na naman yung smile na kumo-kumpleto ng araw ko. Yun bang kahit pagod na pagod ka na sa taping, basta makita mo yan, parang na-recharge ka na agad.

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil may kung ano akong naramdaman nung nakita kong papalapit sya. Luh, ano yon?

"Hi Ize. I'm glad na nakarating ka. Thank you." sabi sabay halik pa sa pisngi ko. D*mn! Mabuti na lang at wala dito si Rhian dahil baka bigla nyang pahiran yung pisngi ko sa harap ni Anne.

Really Cha? Rhian talaga? Ayan na sa harap mo si Anne na Dyosa tapos si Rhian pa rin yung nasa isip mo?

"Uh, hello." nahihiyang bati ko naman sa kanya nung nakaupo na kami.

"So, what do you want to eat?" nakangiting tanong nya sa akin.

"Kahit ano na lang." mahinang sagot ko naman. Ewan ko ba. Lagi naman kaming nag-uusap ni Anne noon pero bakit parang hiyang-hiya ako sa kanya ngayon?

Malamang Cha, noon kasi, kayo pa diba? Ngayon, waley na. Break na kayo. Eto na naman 'tong konsensyang 'to.

"Well, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Mahiyain ka pa rin Ize. Cute." nakangiti pa rin nyang sabi at pagkatapos ay tinawag na nya yung waiter para umorder.

Nakatingin lang ako sa kanya habang kausap nya yung waiter. Mas lalo syang gumanda ngayon. Yung smile nya, umaabot na talaga sa mga mata nya. Halatang masaya sya ngayon. Siguro nga, tama yung naging desisyon nya na tapusin kung anong meron kaming dalawa. Siguro nga tama na pinakawalan ko sya.

"Are you done?" napakurap naman ako bigla nung nagsalita sya.

"Ha?" takang tanong ko sa kanya. Magfocus ka kasi Cha!

"Tapos ka na bang titigan ako?" sabay smile na naman nya. Jusko Anne Curtis, wala ka bang pangit na anggulo? Bakit ba ang ganda-ganda mo? Para kang si Rhian eh.

Ano yan Cha, Rhian na naman?

"T-titigan?" painosenteng tanong ko kahit feeling ko, sobrang pula na ng kulay ko. Ano ba yan Cha, para ka namang teenager na nahuli ng crush nya na tinititigan sya eh.

"Yeah. I caught you staring at me kanina habang kausap ko yung waiter." sagot naman nya.

"A-ano, napatingin lang. H-hindi ko naman alam na sa mukha mo pala ako nakatingin." pautal-utal na sabi ko na halos hindi na rin makatingin sa kanya.

"And I'm still making you blush. I'm honored Ize." ayan na. Lumalabas na yung pagiging playful nya.

Isa yan sa mga nagustuhan ko kay Anne eh. Minsan kasi, kahit super seryoso na yung usapan, nahahaluan pa nya talaga ng joke para mas maging light lang yung datingan.

Hate that I love youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora