Chapter 23

6.6K 333 20
                                    

GLAIZA'S POV:

"Anong sabi mo Tsong?!" gulat na sabi Chynna habang kinukwento ko sa kanilang tatlo yung nagyari kanina. Yes ebrebadeh! Nandito silang tatlo sa condo ko. Nagulat ako dahil pagdating ko dito, nag-aabang na sila at may isang case na beer pa talaga silang dala ha.

"Ang sabi ko sa kanya, pag-iisipan ko." walang emosyon na sabi ko pa sabay tungga ulit ng beer. In fairness, maganda na rin na may beer dahil kailangan kong makalimutan kahit saglit lang yung mga nangyari kanina.

"Anong sabi nya?" tanong naman ni Sheena.

I sighed. Pero kinwento ko na rin dahil hindi naman ako titigilan ng tatlong 'to.

**FLASHBACK**

Rhian.

Bigla naman akong napahiwalay kay Anne kaya nagtatanong ang mga matang tumingin sya sa akin.

"I'm sorry. Hindi ko alam Anne. Hindi ko alam kung pwede pa. At hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko." mahinang sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sa akin at nakakaunawang tumango.

"At least hindi mo ako binasted diba? Nalilito ka lang. So ibig sabihin, may pag-asa pa rin na bumalik ka sa akin." nakangiti pa rin nyang sabi.

Hay, bakit nga ba kahit anong sakit yung pinaramdam mo sa akin? Bakit hindi ko pa rin kayang magalit sa'yo?

"Anne---"

"It's okay Ize. Siguro ngayon, it's my turn naman para iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal diba? And kung gaano ko gustong makasama ka ulit." sabi pa nya.

"Ikaw yung bahala." sabi ko na lang.

"But the question is, will you let me?" tanong pa nya sa akin.

"Hindi ko alam. Tulad ng sabi ko kanina, pwede kang mahirapan na maibalik yung dating tayo. Marami na rin kasing nagbago." kasama na don yung nararamdaman ko at yung taong kanina pa gumugulo sa isip at puso ko.

"Okay lang. Ang importante, binigyan mo ako ng chance. That's all I need. Okay na yon sa ngayon." nakangiting sabi pa nya.

Ngumiti naman ako sa kanya. Bahala ka. Pero malay mo nga, kailangan ko talaga 'to para malaman ko talaga kung ano yung totoong nararamdaman ko.

**END OF FLASHBACK**

"Wow Cha! Ang ganda-ganda mo! Mantakin, Anne Curtis na yon pero ni-reject mo? Iba ka Tsong! Iba ka!" may pagka-OA na sabi ni Chynna. Grabe talaga 'to. So porke ganito yung istura ko, wala na akong karapatan na sabihan ang isang Anne Curtis na pag-iisipan ko yung kagustuhan nyang pakikipagbalikan sa akin?

"Hindi ko naman sya nireject. Ang sabi ko nga, pag-iisipan ko diba? Hindi naman kasi pwedeng umoo agad ako kahit hindi naman ako sure sa nararamdaman ko." sabi ko naman.

"May point sya. Mahirap nga naman na makipagbalikan sya kay Dyosa kahit alam naman nya sa puso nya na si Rhian na yung mahal nya." sabi naman Katrina kaya napatingin ako sa kanya. Papa'no nya nalaman?

"Papa'no ko nalaman? Yun ba yung gusto mong itanong?" sabi pa nya kaya napatango ako. Nakakabasa ba sya ng isip?

"And no, hindi ako nakakabasa ng isip. Nakikita ko lang sa mukha mo yung mga gusto mong itanong." sabi pa nito. Kaya napakunot naman yung noo ko? Nakasulat na sa mukha ko?

"Cha, hindi ka magdadalawang isip na sumagot ng oo kay Anne kung hindi mo naman mahal si Rhian. Hello, sabi mo nga sa amin, sobrang mahal mo yung ex mo na yon. So ano yung pumigil sa'yo? Kanina pa lang, may pagkakataon ka na para makuha sya ulit, para mabigyan ng pagkakataon yung pagmamahalan nyo noon. Pero diba imbes na pumayag ka sa gusto nya, sinabi mo sa kanya na pag-iisipan mo. Bakit? Dahil alam mo dyan sa puso mo na mas matimbang na si Rhian kesa kay Anne. Alam mo dyan sa puso mo na magiging masaya ka kay Rhian, tama ba ako?"

Hate that I love youWhere stories live. Discover now