Chapter 12

7.5K 333 13
                                    



GLAIZA'S POV:

"Kamusta kayo? Okay na ba kayong dalawa? Eh yang puso mo okay na?" sunud-sunod na tanong sa akin ni Chynna nung magkita kami sa isang bar sa BGC. Ewan ko ba, after ng encounter namin sa RK kanina ni Rhian, parang bigla kong ginustong mag-inom at maglasing ngayon.

"Ha? Kami nino?" pagmamaang-maangan ko kahit alam ko naman kung sino yung tinutukoy nya.

"Seryoso, hanggang ngayon, in denial ka pa rin? Jusko ka naman o. Cha, ako lang 'to. Pero sige, kamusta kayo ni Rhian?" tanong na lang nya.

"Ah. Okay naman kami. Wala namang problema. Sa katunayan, nasa RK nga sila kanina ni Jason." pilit ang ngiting sabi ko.

Naalala ko na naman kasi yung naramdaman ko kanina eh. Pero tulad ng sabi ko, kailangan kong pigilan 'to. Sobrang kailangan dahil may masasaktan if ever.

"Oh, so yun pala yung reason kung bakit ka nagyaya dito ngayon. Masakit?" tanong nya sabay ngiti na naman ng nakakaloko.

"Topak ka talaga no? Bakit naman ako masasaktan? Ano namang karapatan ko diba?" natatawang sabi ko sabay inom ulit ng beer.

"Hoy Glaiza! Hinay-hinay naman sa pag-inom. Aba, nakakatatlong bote ka na eh wala pa nga yung dalawa pa nating kasama. Baka naman pagdating nila dito, eh tulog ka na dyan." sabi pa nya sabay kuha nung beer sa kamay ko.

"Chyns! Akin na kasi. Hindi naman ako malalasing agad eh." sabi ko na pilit inaagaw yung bote sa kanya.

Kasalukuyan kaming nag-aagawan nang bigla kaming natigilan dahil sa narinig namin na pinag-uusapan nung dalawang lalaking dumaan sa harap namin.

"Grabe dude, nakita mo si Anne Curtis? Ang hot at ang ganda no? Buti na lang talaga naisipan natin na pumunta dito ngayon. Grabe, pati yung barkada nya no? Puro artista, ang swerte talaga natin!" tuwang-tuwang sabi ni Kuya dun sa kasama nya kaya nagkatinginan kami ni Chynna.

Great. Kapag nga naman sinuswerte ako o. May gusto akong alisin sa isip ko tapos eto naman ngayon si Anne. Makauwi na nga lang at baka mas mastress pa ako ngayon.

Tatayo na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Chynna.

"Don't. Dito ka lang. Wag mong hayaan na masira nya yung gabi mo. Nandito tayo ngayon diba para magsaya? Saka ayan na yung dalawang bruha o." sabi nya sabay nguso dun sa dalawang paparating.

Seryoso lang nakatingin sa amin yung dalawa after nilang bumeso sa'min ni Chynna.

"Gusto nyo ba lumipat na lang tayo? Wag na tayo dito." sabi ni Sheena.

Napangiti naman kami ni Chynna. Parang alam na namin kung bakit ganito 'tong dalawang 'to. Aww, ang sweet talaga.

"Alam ko na girls. Nandito sya diba? Okay lang yon. Parang ang laki naman nitong bar na 'to para magkrus yung landas namin diba?" natatawang sabi ko kahit medyo kabado na rin ako. Papa'no na lang kung bigla kaming magkita. Anong gagawin ko? At anong sasabihin ko sa kanya?

"Sure ka? Kasi if ever pwede naman---"

"Okay lang po promise. Ako pa ba?" nakangiting sabi ko pa.

"At isa pa, sigurado akong okay na si Cha ngayon kahit magkita pa silang dalawa kasi---" agad ko namang tinakpan yung bibig ni Chynna dahil baka kung ano na namang sabihin nya dun sa dalawa. Mas lalo kaming ma-i-issue ni Rhian nyan eh.

"Kasi?" takang tanong nung dalawa.

"Wala. Wag nyong pansinin yan, may tama na kasi. Ayan o, halos patatlong bote na nya." sabi ko sabay turo dun sa mga ininom ko kanina.

Hate that I love youOnde histórias criam vida. Descubra agora