Chapter 35

6.2K 298 18
                                    

AN: Ang saya nyo eh no? Unli update kasi. Haha. O sya, enjoy na lang kayo. Nawa'y natutuwa naman kayo sa mga pinagsususulat ko.

At dahil sa istoryang ito, naging crush ko na talaga si Anne Curtis. Haha. Ugh!

=============================

GLAIZA'S POV:

"Magandang umaga sa'yo magandang binibini. Pinaganda mo na naman yung araw ko." parang mas gusto ko na lang na umuwi at wag na lang magtaping pagkarinig ko ng boses na yon. Eto na naman po sya.

"Oy Sef! Ako'y tigil-tigilan mo dyan sa pagpapacute mo dahil hindi ako kikiligin dyan." masungit na sabi ko pa sa kanya.

Ang aga-aga kasi. Kapag ganitong hindi na naman nagreply si Rhian dun sa Good Morning ko kanina ha. Mainit talaga yung ulo ko. At dinadagdagan pa ng panghaharot ng lalaking 'to.

"Ay grabe, ang aga-aga, ang sungit-sungit? Pasalamat ka talaga at crush kita ha." naiiling pero nakangiti naman nyang sabi.

"Ay so utang na loob ko pa pala na crush mo ako?" sabi ko pa habang nakataas ang kilay.

"Oo naman. Aba, maswerte ka dahil hindi lahat ng babae, nagiging crush ko no. Pero ikaw kasi G, isa kang---"

"Wag mo akong tatawaging ganon." putol ko sa sinasabi nya.

"At bakit naman hindi pwede?"

"Dahil isang tao lang yung pwedeng tumawag sa akin nyan." yeah. Kahit naman hindi na ako tinatawag ni Rhian na G, sya pa rin yung gusto kong tatawag lang sa akin ng ganon.

"Ang special naman masyado non. Nakakapangselos. Pero hindi pa rin ako susuko sa'yo." makulit na sabi pa ni Sef sabay hawak sa kamay ko.

"O Rhian, nandyan ka na pala. Buti naman at nang makapagsimula na tayo." bigla ko namang hinatak yung kamay ko nung marinig ko yung sinabi ni Ms. Bibeth.

Si Rhian? Nandito?

Ayan na naman yung abnormal na tibok ng puso ko nung naramdaman ko na biglang may tumabi sa akin.

"Hello Rhian." nakangiting bati ni Sef sa kanya.

"Hey Sef." narinig ko naman na bati nya sa makulit na lalaki sa harap ko.

Shet, sya nga. Glaiza, kalma. Wag kang masyadong magpahalata na kinakabahan ka.

Breathe in, breathe out.

Nakangiting lumingon ako sa kanya.

"Hey." kaswal na bati ko sa kanya.

"Hi." sabi naman nya pero kamusta naman na hindi sya ngumingiti? Okay lang yan Cha, patience. Kung mahal mo, pagtyagaan mo.

"Uy crush, dun muna ako sa loob ha. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap ha." sabi pa ni Sef sabay pisil sa pisngi ko. "Ang cute-cute mo talaga." sabi pa nito bago tuluyang lumayo.

Kinakabahang tumingin naman ulit ako sa katabi ko. Noon kasi kapag may gumagawa non sa'kin, tumataas na agad yung kilay nya at nagsusungit na. Pero paglingon ko sa kanya ngayon, kalmado lang sya habang nagbabasa ng script.

Eh ano pa nga bang ineexpect mo Cha? Eh diba nga sinukuan ka na? Wala na syang pakelam kahit kanino ka pa makipagflirt.

"Uhm, ikaw pala yung sinasabi nilang special guest namin ngayon dito." ako na lang yung unang nakipag-usap dahil mukhang walang balak 'tong babaeng 'to na kausapin ako.

"Yeah." matipid na sagot naman nya.

"Ano yung role mo?" tanong ko pa.

"Hindi ka ba nagbabasa ng script? Diba dapat mababasa mo kung sino ako dyan." sagot nya sa akin.

Hate that I love youWhere stories live. Discover now