Chapter 40

14.4K 477 85
                                    

AN: Ayown. Last chapter guys. Yay!

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbasa at sumuporta dito sa story na 'to. Actually, nasabi ko naman noon na AlyDen lang talaga yung FF na gagawin ko pero eto o, nakatapos ako ng isang RaStro, yey! Haha.

At dahil super mahal ko kayo, hindi ko na kayo pinahirapan manghingi ng update. Sabi ko naman sa inyo eh, di nyo ako kailangan kulitin sa update kasi ibibigay ko naman sa inyo. Sarap lang kutusan nung mga mahilig humingi ng update eh, Haha.

Btw, gusto ko din magthank you kay drifter_01 kasi sya yung lagi kong kinukulit kung okay ba o hindi yung nasulat ko para sa isang chapter, haha. Beb, wag ka na magalit kay Glaiza ah, lablab 😘

O sya, enjoy po. Mahal ko kayo.

Eto na, POV na nung girl crush ko. Hihi. Paki-hello pala ako kay Rhian ha, pakisabi super crush ko sya. Hihi. Salamat 😘

Wag na wag ko talagang makikita yung comment na 'bitin' dahil kayo mismo ibibitin ko. Hindi madaling magsulat ng isang istorya ha. Kung bitin sa inyo, kayo na lang magsulat, tse!

=============================

RHIAN'S POV:

"Yon, nasaan ka na?" bigla naman akong napamulat nang marinig yung tanong ni Chynna. Oh my God! Ngayon na nga pala yung presscon ni Love and I promised her that I'll be there to support her.

"I'm on my way Chyns." sabi ko na lang sabay pindot ng end button.

11am pa lang naman and 1pm pa naman yung presscon ni Love so I think, makakahabol naman ako.

And speaking of Glaiza, I automatically smiled nung bigla syang pumasok sa isip ko. Oh well, sino ba naman yung hindi magiging masaya kung si Glaiza De Castro yung girlfriend mo diba? Aw, girlfriend, ang sarap sabihin at pakinggan.

I could still remember yung first time na pinakilala sya sa akin ni Kuya Dong. Yung sa stairway to heaven. Grabe, ang snob nya. Ni hindi man nga lang nya ako tinitingnan or kinakausap kapag magkasama kami sa isang tent. Well naisip ko naman na siguro it's her way para maporptray ng maayos yung character ni Eunice.

Pero hello, after ng tv show namin, wala talaga. As in parang hindi kami magkakilala or nagkasama sa isang show kasi kapag nakakasalubong ko sya sa studio, tumitingin lang sya sa'kin tapos lalakad na agad palayo. And syempre, ako yung tao na if hindi mo ako gustong  maging kaibigan, eh di go. Like I care diba? So yon, I pretended na lang din na hindi kami magkakilala. Pero syempre minsan sa Party P, meron kaming prod numbers na magkasama so yun, pinapakisamahan ko na lang.

And I never thought talaga na magkakaroon pa ulit kami ng show together. Or magiging close kami, ever.

Well, not until nung inoffer sa akin bigla yung role ni Jade Tanchingco sa TRMD na originally, kay Ate Marian talaga. Actually, hindi pa nga ako makapaniwala nung una kasi napanood ko na yung trailer nung show nila and I must say na sobrang provocative talaga nung concept and theme.

Akala ko talaga joke lang yung pag-offer sa'kin pero sabi nga nila, something came up kaya hindi na magagawa ni Ate Marian yung show. At first, medyo hesitant pa ako na tanggapin yung offer dahil nga alam ko na si Glaiza yung magiging partner ko don. Naisip ko kasi, how can we show affection to each other or how can we make the viewers believe na we love each other kung sa totoong buhay naman eh hindi nga kami nag-uusap diba?

Hate that I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon