CHAPTER 6

2.3K 144 12
                                    

PASENSIYA na at maikli lang ang chapter na ito. Sa mga nasanay na sa manner ng writing ko, minsan talaga the chapters are short. Hindi kasi ako nagbabase sa length of words kapag nagsusulat ng chapters. Kapag pakiramdam ko tapos na yung eksena, pinuputol ko na. Ayoko ng mahabang chapter for the sake of having a long chapter.  

I'll post chapter  7 tomorrow (Thursday) and chapter 8 on Friday. Maiikli lang din ang mga yun. Then chapters 9 and 10 will be posted next week.  Tapos I'll take another week off. Okay lang ba? Kase kelangan makadagdag ako ng new chapters bago ako magpost ulit kasi baka post ako nang post tapos napost ko na lahat ng naisulat ko at ang ending ay nga nga na tayo. Hindi kasi tulad ng Book 1 at 2 na natapos ko na ang first drafts ng mga yun bago ako nag-umpisang magpost. Right now, nakaka-43 chapters na ako at 54k words. Ang target word count ko for this story is 100k-120k words. Ang CotL ay nasa 103k words kasi.

Okay, sa presinto na ako magpapaliwanag.  

Ang daming nagaganap sa kwentong ito. This is an ambitious story. Minsan tinatanong ko ang sarili ko bakit ko ito sinimulan. Hahaha. Huwag kayong mag-alala. Tatapusin ko ito. Hindi pwedeng hindi. Mabubwisit ako sa sarili ko kapag hindi ko ito tinapos. Kinakarir na itu! Haha

--------------

Habang naglalakad pauwi ay may naramdamang kakaiba si Errol. Tila ay may sumisipol at humuhuni sa kanyang mga tenga. Inikot niya ang kanyang tingin sa paligid, ngunit wala naman siyang nakikitang kakaiba. Ang mga tao ay naglalakad sa gilid ng kalsada. Ang mga jeep at bus ay nag-uunahan sa kalsada.

Biglang nagliwanag ang kalangitan. Lumalatay ang mga kidlat sa himpapawid na sinabayan ng mga lumalagitik na kulog. Natigilan ang ibang mga naglalakad at pinanood ang pambihirang meteorological scene. Kasabay niyon ay ang pag-uga ng lupa na ikinatakot ng mga tao. Nagsitakbuhan ang mga tao sa daan.

Pamilyar ang tanawing ito na nagbigay sa kanya ng kaba. Dahan-dahang tumayo ang mga balahibo ng binata. "Hindi," bulong niya sa sarili. "Paanong..." Napakapit siya sa bakod upang hindi matumba dahil sa pag-uga ng lupa.

Dahan-dahang humina ang lindol. Ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad siyang sumilong sa tapat ng isang gusali at doo'y hinintay na tumila ang malakas na ulan. Matalim pa rin ang mga kidlat. Ang ulan ay tila humahampas sa lupa na may galit at gigil. Sa gitna ng unos ay narinig muli ni Errol ang kakaibang huni ng kung anumang presensiyang hindi niya mawari. Ginala niya ang tingin.

Sa kalangitan ay tanaw niya ang kakaibang mga ilaw na sa hindi niya maintindihang pakiwari ay tinatawag siya. Nagbabago-bago ang kulay at tindi ng kinang ng mga ito. Tiningnan niya ang mga tao sa paligid kung napapansin din ba nila ang mga ilaw sa himpapawid, ngunit tila siya lamang ang nakakakita sa mga ito. Nang iangat niyang muli ang tingin ay nawala na ang kakatwang tanawin.

Ngunit biglang dumako ang kanyang tingin sa kalsada at doo'y nakita niya ang ibang kakatwa't pamilyar na anyo. Isang nilalang na nakaitim ang nakatayo sa gitna ng kalsada. Binabasa ito ng ulan na tila ay hindi nito alintana. Laking gulantang ni Errol nang humarap ito sa kanya at magtama ang kanilang tingin.

Tinitigan ni Errol nang mabuti ang nilalang na iyon. Pamilyar ang mukhang iyon, pero hindi siya sigurado. Nagulat siya ng biglang iangat ng taong iyon ang mga kamao nito at nagpakawala ito ng itim na enerhiya. Sisigaw na sana siya nang bigla siyang makaramdam ng tapik na ikinagulat niya.

"Boss, pakipatay ng flashlight ninyo. Ang silaw kasi," saad ng gwardiya.

"Wala akong flashlight," nagtatakang sagot ni Errol.

"Yang sa kamay niyo, boss."

Nagulat na naman siya nang makita ang nag-iilaw na mga palad na mabilis niyang kinubli sa mga bulsa. Ginala niya ang tingin. Inirapan siya ng ibang sumilong sa gusaling iyon. Pinagpag niya ang kanyang mga kamay sa bulsa sa pag-aasam na mawala ang liwanag mula sa mga ito.

Nang tingnan niyang muli ang nilalang na iyon na may kapangyarihang katulad ng sa kanyang tiya noon ay nawala na ito. 

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon