@jonalynpoako1 wrote: Ineenjoy ko talaga every chapter kasi ayokong may malagpasan na panyayari. Dahil ung gantong mga storya dapat nilalasap dahil napakahirap maghanap nang ganto. Thank you author.
Maraming salamat sa mga nagbabahagi ng feedback! I'll review some of the most heartwarming comments from you and post them on future chapters.
----------------
Nagising si Errol na hilo at nauuhaw. Malamlam ang ilaw sa loob ng silid na iyon. Mas mahina ang pakiramdam niya ngayon kesa noong una siyang magising sa lugar na ito. Hindi niya alam ilang oras na ang lumilipas. Masakit ang kanyang pantog. Ni pag-ihi ay di niya pa pala nagagawa. Dumaing siya.
"I'm glad you're awake."
Napalingon siya sa pinanggalingan ng mababang boses ng babae. Hindi na ito ang babaeng nakita noong nakaraan. Mas matanda ito, nasa mga singkwenta sa tantiya niya. Naaninag niya ang suot nitong coat. Malinis ang itsura nito at tila kanina pa tahimik na nakaupo sa isang silya sa gilid niya.
Muling nagsalita ang babae. "I'm Andrea Moss, Director of CIA's National Clandestine Service." Seryoso at authoritative ang tono nito.
"CIA? Why?" mahinang saad ni Errol.
"I'll be straightforward. We've been tracking your whereabouts for a while now. We have a reason to believe you had a hand in what happened in Makati more than a year ago. I'm talking about a violent storm that struck the city before Christmas of 2015."
"I don't know what you're talking about."
"Don't lie. Apparently, you don't know we've gathered info about you. We know where you live. We know what your job is. We know the people you know." Ginawaran ng babae ng bahagyang ngiti si Errol. "I can make this easier for you. Just answer my questions, and no one's going to get hurt."
"What do you want from me?" Pilit na bumangon ang binata, ngunit nakatali pa rin ang kanyang mga kamay at nanghihina pa siya.
"You're not in anyway related to any terrorist group we know."
"Ano? Terrorist?"
"According to the files, you work in a chemical lab. You don't seem to have the resources to create a massive technology that can alter the atmosphere. But I don't think the files tell the entire story."
Nalilito si Errol sa mga sinasabi ng babae. "What are you talking about?"
"A combination of earthquakes, tornadoes, and blinding lights is not very probable. If you studied statistics, you would understand," saad ni Andrea Moss na bahagya lang ginalaw ang ulo. "What can you tell me?"
"Wala akong..." Napagtanto niyang Amerikana ang kausap. "I don't know what you're talking about."
"Stop lying."
"I'm not lying."
Lumingon ang babae at tumango sa kasamang lalaki na noon lang napansin ni Errol. Inabot nito ang tablet sa kanya. Nakailang pindot si Andrea Moss at maya-maya ay hinarap ito kay Errol. "Tell me about this."
Nagulat si Errol. Hindi niya akalaing nakunan pala ng larawan ang tagpong iyon. "I don't know..."
Maharang umiling si Andrea Moss na nakatitig sa kanya. "This guy right here, that's you. You don't have to lie to me. I have a very reliable team."
Hindi alam ni Errol ang isasagot. Ang gusto niya lang ay makaalis sa lugar na iyon. "I don't know what you're talking about. Hindi naman ako yan eh."
"What did he say?" tanong niya sa kasamang lalaki.
"He said that's not him," tugon ng lalaki.
"Okay. My agent wasn't stupid. He followed you for days after the event and took pictures of you." Pinakita niya ang mga larawan sa kanya. "Who's this?"
Nagulat si Errol. Hindi niya akalaing... "What do you want from me? Just let me go."
"I will, but first you have to answer my questions." Pumindot na naman si Andrea sa kanyang tablet at hinarap ito kay Errol. "This woman right here --"
Kita ni Errol ang larawan ng tiyahin kung saan nagpakawala siya ng itim na enerhiya. Umiling siya, hindi dahil nais niyang magkaila, kundi natatakot siya sa magiging bunga ng pagsasabi ng totoo.
"Don't bother lying to us. Ms. Cassandra Imperial is under our care."
Nagulat siya. Naalala niya ang banyagang gwardiyang bantay doon sa kwarto ng tiyahin sa psychiatric facility. "What do you want from us?"
"We need answers. But since your aunt is too mentally unstable to be of any use, we're here with you. Now tell me more about these pictures."
"I will not tell you anything." Nilakasan ni Errol ang boses, nag-aasam na sana may maipakita siyang kahit na kaunting tapang. Sinubukan niyang gamitin ang kapangyarihan ngunit sadyang mahina ang kanyang katawan.
"Very well." Sumenyas ang babae sa kasama.
Biglang nakaramdam ng masakit na mainit na sensasyon si Errol sa mga pulso at paa na sinundan ng paninigas ng kanyang kalamnan. Tanging pagsigaw lang ang kayang gawin. Tila malalagutan na siya ng hininga habang nanginginig ang buong katawan. Ilang segundo ang lumipas at nawala ang sensasyong iyon. Hiningal siya. Dumadaing. Takot.
"Amazing what 20 milliamps of electricity does to the body. You don't seem to understand why we're doing this." Hindi nagbago ang tono ng babae. "We have a reason to believe you're a threat to international security. Whatever technology you're holding, you need to surrender it to us."
Hinihingal si Errol. Labis ang takot na kanyang nararamdaman hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa mga taong kakilala. Wala siyang maaaring sabihin dahil may mga taong madadamay, mga taong kinalimutan na ang bangungot na iyon. "What technology are you talking abmmmrrgg..." Hindi na niya natapos ang tanong nang muling maramdaman ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan. Labis ang sakit na kanyang nararamdaman habang naninigas ang buong katawan. Sa pagkakataong ito ay ni sumigaw ay hindi na niya magawa dahil tila sandaling tumigil ang kanyang paghinga. "Just" -- hinahabol niya ang paghinga -- "kill me," saad niya ng tumigil ang kuryente.
"That's 30 milliamps. Tell me how your body is able to emit light? Do you have a chip implanted somewhere? Do you have nanobots inside your body? What technology do you possess? Are you wirelessly connected to a secret weather- or geo-engineering facility?" Nilapit nito ang mukha sa kanya. "Are you one of the others?"
"Just kill me." Tumulo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"How did you cause the strange weather and the earthquakes?"
"Wala akong sasabihin sa inyo! Patayin niyo na lang ako!"
"Give him 50."
Muling naramdaman ni Errol ang pagdaloy ng kuryenteng nagpahirap sa kanya. Nabanaagan niya ang paglapit ng babae sa kanya.
Bumulong ito. "We'll cut you open if you don't say anything. We'll find anything weird. Then we will dispose your body of. How about that?"
Tagaktak na ang pawis sa kanyang katawan. Ramdam niyang basa na ang kanyang likuran. Ngunit wala siyang magawa. Ni gumalaw ay di na niya kaya dahil sa labis na panghihina at pananakit ng mga kalamnan. Muli siyang nawalan ng malay.
* * *
Nagising siya nang makarinig ng mga ingay. Hindi niya alam kung ano ang mga nangyayari. Bakit ba hindi siya nagkaroon ng pangitain tungkol dito? Naiinis siya sa sarili dahil kung kailan niya kailangan ang kanyang mga kakayahan ay binigo siya ng mga ito. Ngunit sa kabilang banda ay sinisisi niya ang sarili.
Marahil hindi hahantong sa ganito kung sinunod niya ang lolo at lola niya noon na pag-aralan niya ang kanyang mga kakayahan. Hindi niya man lang napag-aralan na bumigkas ng orasyon. Maaaring nailigtas sana siya ng salamangka. Ngunit gaya ng mga sinasabi nila ay nasa huli ang pagsisisi. Ano pa nga ba ang silbi ng mga kakayahan niyang hindi man lang niya nilinang. Maging ang pagpalabas ng ilaw ay di niya magawa.
Nakaratay siyang walang magawa habang kinakalma ang kalooban. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib, marahil dahil sa ilang beses na pagkakakuryente o kaya naman sa labis na takot at pagkabahala.
Nasa ganoong takbo ng pag-iisip si Errol nang biglang nabasag ang mga salamin at tumilapon ang pinto sa kanyang silid. Hilakbot ang kanyang nadarama, ngunit wala na rin siyang magawa. Kung ito na ang katapusan niya ay malaya niya itong tinatanggap. Pagod na rin siya. Pagod na pagod.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 3: The Darkness Within
FantasyHighest Ranking as of 7/13/2019 #1 Hangin #1 Apoy #2 Tubig #32 Paranormal #6 Superpowers #2 Kapangyarihan #18 nonteenfiction Minsan nang tinalo ng supling ng liwanag ang pwersa ng kadiliman. Ngunit sa gitna ng matinding kalungkutan ay dininig ng hul...