CHAPTER 60 - The Past, the Present, and the Future

2K 114 24
                                    


"Hindi pwede ito. Kailangan may gawin ako. Pero paano? Hangga't nasa katawan ko ang alagad ng kadiliman ay wala akong magagawa." Ginala ni Errol ang tingin sa kawalan. Kanina lamang ay pinakita ni Director Rod sa kanila ang kaguluhan sa Pilipinas. Ngayon ay batid niyang nasa isang aircraft sila at matulin ang paglipad nito sa himpapawid. Dinig niya ang usapan ng mga kasama. Pumikit siya. "Kung may nakikinig sa akin, Lolo Melchor, kahit na sino... Nakikiusap ako, ipakita mo sa akin kung ano ang dapat ko'ng gawin."

Isang pinto ang lumitaw sa harap niya. Wala naman sigurong mawawala kung buksan niya ito. Ano pa nga ba ang mawawala sa kanya gayong nasa kawalan na siya?

Bumungad sa kanya ang maaliwalas na panahon. Tanaw niya ang payak na kubo sa gilid ng burol na pinaligiran ng mga taniman. Tahimik ang paligid. Dama niya ang preskong hanging tila magiliw siyang tinanggap sa tagpong iyon.

Isang dilag ang nakaupo sa damo sa di kalayuan. Nakaekis ang kanyang mga binti. Ilang sandali pa ay minulat nito ang mga mata mula sa pagkakapikit. "Lumapit ka."

"Sino ka?" tanong ni Errol.

"Nagmula ka sa hinaharap, hindi ba?" tanong ng dilag na nagliwanag ang puting bato sa noo.

"Lola Magda?" Ngumiti ang babaeng agad tinakbo at niyakap ni Errol. "Lola... Pero paano?" Umupo si Errol sa harap ng babae.

"Kakabigkas ko lang ng isang orasyong magpapakita sa akin ng hinaharap. Hindi ko inaasahang ikaw ang ipapakita sa akin nito."

"Bakit ninyo kailangan ang orasyon? Di ba nakakakita naman talaga kayo ng pangitain?"

Kumunot ang noo ng dalaga. "Ibig sabihin magiging bihasa ako sa kakayahan ko sa hinaharap?"

Tumango si Errol. "Sabi ni Lolo Melchor ikaw daw ay isang tagakita."

Bakas ang galak sa mukha ng batang si Magda. "Talaga?" Hinawakan nito ang mga kamay ni Errol. "Sabihin mo, ano'ng itsura ko pagtanda ko?"

Hindi masagot ni Errol ang tanong nito. "Ilang taon ka na po ngayon?"

"Disi-nwebe."

Naalala ni Errol ang kinwento sa kanya ng lolo niya na nagtanan noon ang lola niya noong kabataan nito.

"Ang ganda mo pala noong bata ka pa."

Tumawa ang babae. "Pumangit ba ako sa hinaharap?"

"Hindi naman sa ganun." Ginala ni Errol ang tingin sa bukid. "Lola, kailangan ko ang tulong mo."

"Kahit ano, apo," saad ni Magda sa malumanay nitong tinig.

"Lola, kasalukuyang winawasak ng mga elemento ang Maynila. Nagdulot din ang mga ito ng mga sakuna sa iba't-ibang bahagi ng bansa."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Magda. "Paanong..." Tumayo ito. "Ang mga hiyas..." Agad nitong hinawakan ang kamay ni Errol at pumikit. Napangiwi ito. "Hindi maaari!" Bakas sa kanyang mukha ang hilakbot. "Paano nabuhay ang mga hiyas?"

"Hindi ako sigurado, lola, pero kasi pinakawalan ko ang mga ito."

"Ibig sabihin ikaw ang tagaingat sa hinaharap." Hinigpitan ni Magda ang hawak sa apo. "Bakit?"

"Nagpasya ang mga nakatakda mahigit dalawang taon na ang nakalipas na alisin ang kapangyarihan sa kanilang mga katawan."

"Pero" -- kumunot ang noo ni Magda -- "dapat bumalik lamang ang mga ito sa mga batong anyo. Maliban na lamang kung... Ano'ng orasyon ang binigkas mo upang palabasin sila mula sa mga katawan ng mga nakatakda?"

"Hindi ko alam kung orasyon yun. Pero sinabi kong hindi na sila magiging pag-aari ninuman."

Matagal na nakatitig si Magda kay Errol, titig na may dalang pagkabahala. Binaling nito ang tingin sa bukirin. "Ibig sabihin ay binasag mo ang orasyong sumailalim sa mga hiyas sa kapangyarihan ng ating angkan."

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon