CHAPTER 48

1.8K 105 5
                                    


(Mexico City -- June 2018)

"She's in distress," saad ni Dane na malayo ang tingin.

"Time to move!" Inalis ni David ang seat belt matapos mailapag ang jet sa likod ng isang bangko.

Nagmamadaling bumaba ang dalawa na sinundan ni Errol at Kyle. Sinalubong sila ng ilang opisyales mula sa lokal na pamahalaan ng Mexico City.

"Three robbers have taken her hostage," saad ng opisyales sa Espanyol na tono.

Lumingon si David kay Dane at tumango. "Let's get her."

Hinawakan ng hepe ng pulisya si David sa balikat. "For some reason, we cannot use our cellphones around here. There's no power inside."

"That's why you're here," bulong ni Dane kay Errol.

"We'll do what we have to do," saad ni David na tumango sa kanilang tatlo.

Pumasok sila sa backdoor ng gusali, mula doon ay sinuyod nila ang koridor papunta sa lobby ng bangko kung saan nandoon ang mga salarin pati na rin ang bihag na sa tingin nila ay isa ring superhuman. Ngunit may isang problema.

"I can't sense her anymore," asik ni Dane.

"It's okay. You don't need to anymore."

"David" -- hinawakan ni Dane ito -- "I think my powers aren't working."

"What?" asik din ni David.

"I can't levitate myself," saad ni Kyle. "This is weird."

"The girl," saad ni David, "she's doing this."

Biglang nagliwanag ang koridor nang iangat ni Errol ang isang hintuturo. "My powers aren't affected." Lumingon sa kanya ang mga kasama.

"Cool!" bulalas ni David. "Let's go!"

Isang pagkasa ng baril ang nagpatigil sa apat. "Quédate donde estás!" sigaw ng lalaki. Nakatutok ang rifle nito sa kanila.

"I can't move him!" bulalas ni David.

"Maybe I can." Tinutok ni Errol ang kamay sa lalaki. Kumawala ang sinag mula dito. Nasilaw ang lalaki, pagkakataong ginamit niya upang takbuhin ito. Isang suntok sa panga, isang tadyak sa likod ng tuhod, at isang pagtuhod sa sikmura ang nagpatumba dito. Inagaw ni Errol ang rifle ng lalaki at tumango sa mga kasama.

"He's good," nakangising saad ni Dane.

"Trained him well." Kumindat si David dito.

Ngunit nang makarating sa madilim na lobby ay nagulat sila sa nakita. Nakabulagta na ang mga armadong kalalakihan. Dinig nila ang hikbing umalingawngaw sa malawak na silid.

"Where is she?" tanong ni Kyle.

Umiling lang si Dane. "I can't sense anyone, not even you."

"She's disabling our powers."

Tinapik ni Errol ang hintuturo at humiwalay ang bilugang liwanag mula rito. Ginala niya ang tingin sa madilim na silid na nakikita niya nang malinaw. "We're not alone." Nakita niya ang mga armadong nilalang na nasa iba't-ibang sulok ng silid na iyon. "This is a trap!"

Kumasa ang mga baril kasabay ng mga yapak. Kilala ni Errol ang taong iyon.

"Well, well, well, look who's here," saad ni Andrea Moss na tiningnan si Errol at pagkatapos ay binaling ang tingin kina Dane at David. Inilawan sila ng makinang na orbeng nakalutang sa ibabaw nila.

"What do you want with us?" tanong ni Dane.

Nanunuya ang maikling tawa ni Andrea. "With you?" Umiling ito. "This trap is for him." Tinuro nito si Errol.

ABANGAN...

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon