(ISA Headquarters, Undisclosed Area in Nevada -- October 2017)
"Sir," saad ni Errol kay Rod, "I'm sorry. I left my phone in my room."
Minuwestrahan siya ni Rod na umupo. "I was supposed to notify you about this last month," kalmado nitong saad.
"About what?"
"People have been looking for you in the Philippines. You've been reported missing for 6 months."
Hindi niya alam ang isasagot. Ang Errol na ito ngayon ay walang pakialam. Ni hindi sumagi sa isipan niya na maraming nag-aalala sa kanya sa Pilipinas. "Is it safe to tell them where I am?"
Umiling si Rod. "Don't worry. I've sent agents to the Philippines to inform your family you're safe and sound. As we speak, they're at your house." Ginapang niya ang kanyang kamay sa kanyang mesa at lumitaw ang pamilyar na mga mukha. Inangat niya ang kamay at naging holographic ang mga imahe.
Nakita ni Errol ang umiiyak na mukha ni Celia na inaalo ni Mang Gary habang silang dalawa ay kinakausap ng dalawang ahente.
"We want to assure them you're okay. Nothing to worry about."
Ngumiti si Errol. Wala siyang nararamdaman para sa mga ito. "I'm glad they're okay. Will they be safe from the CIA?"
"They are," sagot ni Rod. "Do you want to talk to them?"
"No." Isang matipid na sagot mula sa binatang nakatitig lang kay Rod.
Sandali siyang tinitigan ng matanda na tila ba ay nagtataka. Nagsalita din ito. "Very well." Pinatong ni Rod mga siko sa kanyang mesa habang nalulusaw ang hologram. "There's something else I want to talk to you about."
"What is it?" kalmadong tanong ni Errol na tiningnang muli ang mga bagong imaheng binuksan ni Rod sa kanyang mesa.
"This is about what happened in Makati on December 21, 2015."
Lumitaw ang mga imaheng pamilyar kay Errol, mga imaheng pinakita noon sa kanya ni Director Andrea Moss. Ngunit mas maraming litratong pinakita si Rod. Mga imahe ng pagkawasak ng maraming gusali sa lungsod na iyon. Mga imahe ng aftermath ng delubyong iyon.
"What do you want to know?"
"Extraordinary events happened that day," saad ni Rod habang sinisipat ang mga imahe.
"I know. If you want to know whether I did all those things, I did not." Nakita niya ang marahan at halos di halatang pag-igtad ni Rod. "I can only produce light. I can't make twisters or lightning." Hindi alam ni Errol kung sasabihin ba ang tungkol sa mga hiyas. Hindi siya sigurado kung makakabuti bang malaman ng matandang direktor ang tungkol sa mga ito.
Samantala matagal siyang tinitigan ni Rod, tila iniestima kung paniniwalaan siya o hindi. Maya-maya pa ay ginalaw muli nito ang mga kamay at lumitaw ang imahe ng mapa ng Metro Manila. Ilang sandali pa ay nagbago ang itsura nito kasabay ng paglitaw ng kumikinang na bahagi sa himpapawid nito. "This is a satellite microwave imagery."
"I don't understand." Tiningnan ni Errol nang malapitan ang imaheng iyon.
"The microwave satellite imagery reveals these energy bubbles over Manila, and we have a reason to believe these things are causing the weird weather patterns that have been prevailing over your country. Your geological agency has also recorded more frequent earthquakes."
Hindi kumibo ang binatang nakatingin lamang ang imahe.
"Only shortly before we brought you in had we discovered these energies hovering above your city. I think these things caused that freak Makati weather." Muli itong pumindot sa kanyang mesa at pinakita ang larawan ng mga kidlat sa isang lungsod. "These aren't photos of a single event. These are three separate lightning storms in your country." Tumitig si Rod sa kanya.
Hindi na namalayan ni Errol na naghihintay si Rod sa kanyang tugon, ngunit hindi niya alam ang sasabihin o kung ano ang pwedeng sabihin. Sa kabilang banda ay napagtanto niyang -- "I think you're right."
"So what do you know about this?"
Hindi niya pwedeng sabihin ang nalalaman tungkol sa mga hiyas. Hindi niya pwedeng sabihing noon ay naging tagaingat ng mga ito ang kanyang katauhan nang napakaikling panahon. Wala ng dapat makaalam. "The truth is I don't understand."
"I'll be honest with you. This is one of the reasons why I decided to bring you in. I was hoping you could help us solve this mess." Tinukoy nito ang microwave glow sa 3-d image ng Metro Manila.
Kailangan niyang magkaila. "I was there when it happened. I was there." Yumuko siya at inalala ang pangyayaring iyon. "Cassandra..."
"The CIA has her," tugon ni Rod.
"We fought that day." Iniwasan ni Errol ang titig ni Rod.
"You think she caused this?" Tinuro niya ang bagay na iyon sa ibabaw ng Maynila sa holographic image.
Kinunot ni Errol ang noo. "I'm not sure."
"Then that means we still have work to do."
"What can I do?"
"Right now I want you to focus on your training. You're already my agent, and I only want the best in my team."
Ngumiti si Errol.
"David told me you're making a lot of progress, and I see you've changed since the first time I saw you."
"I'm doing my best."
"I know."
Lumabas siya ng silid na iyon. Samantala ang nakakulong na tunay na pagkatao ay may sandaling napukaw ng pag-uusap. Ang lungkot ay sandaling napalitan ng pagtataka. Marami siyang mga tanong na kailangan ng sagot. Ano ang nangyari sa mga hiyas matapos niya pakawalan ang mga ito? Bakit nakakaapekto ang mga ito sa Maynila? Isang tao lang ang naiisip niyang maaring may alam, ngunit kung paano niya mapupuntahan ito at kung paano niya makukuha ang mga sagot mula sa kanya ang ilan sa mga nagpabagabag sa kanya.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 3: The Darkness Within
FantasyHighest Ranking as of 7/13/2019 #1 Hangin #1 Apoy #2 Tubig #32 Paranormal #6 Superpowers #2 Kapangyarihan #18 nonteenfiction Minsan nang tinalo ng supling ng liwanag ang pwersa ng kadiliman. Ngunit sa gitna ng matinding kalungkutan ay dininig ng hul...