Humigop si Errol ng malalim na hininga. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon ay muli niyang naramdaman ang pagpasok ng hangin sa kanyang ilong at ang sensasyong dinulot nito sa pagpasok nito sa kanyang baga. Galak ang kanyang nadama sa pagkiskis ng kanyang mga bisig sa mabatong semento. Ang haplos sa kanyang mga pisngi ay nagpahiwatig sa kanya na siya ay nasa totoong mundo na, hindi na lamang nasa loob ng dimension ng kanyang utak, kundi ay nasa ibabaw ng pisikal na lupa. Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata.
"Errol," bati sa kanya ng binatang ang isang bisig ay nakahawak sa likuran niya habang ang isang kamay ay haplus-haplos ang kanyang pisngi. "Errol..." Sinabayan ng pagpatak ng luha ang kanyang matamis na ngiti.
"Mugto na yata ang mata mo sa kakaiyak." Hinaplos din ni Errol ang pisngi ni Ivan. Hinawakan naman ni Ivan ang kamay niya at masuyo itong hinalikan. "Pasensiya ka na, nadamay ka pmmuhm..." Binigla siya ng mapusok na halik ng binata. Napapikit na lang siya.
"Ahem!"
Dahan-dahang kumawala si Errol. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Ibayong kilig ang kanyang naramdaman. Pero sa kabilang banda ay nahihiya siya, hiyang hindi niya maipaliwanag. O baka naiilang siya? Ilang na pinatindi ng mga tingin ni Ivan na tila sinusuyo siya. Nilingon niya si Dane. At doon niya napansin ang mga ngisi ng kasama. Sinakluban siya ng hiya. Dumakong muli ang tingin niya kay Dane na may tinuturo.
"It's still alive," saad ni Dane.
Palinga-linga ang kadiliman. Walang anu-ano'y mabilis itong gumalaw patungo kay Errol. Ngunit mabilis namuo ang harang na liwanag sa tapat ng binata. Tumalbog ang halimaw mula sa harang at muling tumilapon. Umangil ito. Dumagundong ang sigaw nito. Dumaloy ang usok mula sa lahat ng parte ng katawan nito.
Tumayo si Errol.
"Baby, kaya mo yan." Hinalikan ni Ivan ang pisngi ni Errol. "Todasin mo na."
Kasabay ng pagliwanag ng kanyang katawan ay ang pag-angil ng kadiliman. Batid niya ang ngitngit nito. Malakas na sigaw ang pinakawalan ng alagad ng liwanag kasabay ng maliksing paggalaw upang sanggain ang maitim na pwersang rumagasa tungo sa kanya. "Bumalik ka na kung saang purgatoryo ka nanggaling!"
Sa pagtama ng magkasalungat na pwersa ay sumabog ang mga katabing poste ng ilaw. Nagpatay-sindi ang mga ilaw sa lungsod sa pagkalat ng enerhiyang nagmula sa dalawa. Gumawa ng biloy sa kalsada ang pagtunggali ng magkasalungat ng pwersa. Mabilis na dumaloy mula sa lumalaking butas ang mga bitak. Nalusaw ang mga konkreto at puno sa paligid, tila kinakain ng nagdudwelong pwersa.
"Contain the electromagnetic field!" sigaw ni Dane.
"I'll try!" tugon ni David na matapos iangat ang mga kamay ay dumaing. "There's too much of it!"
"I'll help," saad din ni Cassandra na bumigkas ng orasyon hindi gaanong narinig ni Errol na hindi na sila nilingon.
Walang anu-ano'y sinugod ni Errol ang kadiliman. Nakakuyom ang kanyang mga kamao habang tumatakbo, sumisigaw. Mula sa dalawang kamao ay namuo ang matulis na mga linya ng ilaw. Bakas ang gigil sa kanyang mukha. Kagat-ngipin siyang umangil habang kusang lumabas sa kanyang katawan ang ilaw na lumaban sa enerhiyang itim. Dalawang metro mula sa kadiliman... Lumundag ang binata. Kasabay ng sigaw ang pag-amba niya ng suntok sa nilalang. Bumaon ang matulis na ilaw sa dibdib nito.
"Hindi!" angil ng kalaban.
"Katapusan mo na!" Sinaksak niya sa sikmura ng kadiliman ang matulis na ilaw mula sa isa pang kamao.
Dumaing ang kaaway na mahigpit na nakahawak sa mga pulso ni Errol. Dahan-dahan itong napaluhod.
"Masaya ka na ba sa kaguluhang ginawa mo?" Isang suntok ang pinakawalan niya. "Hindi pa ba sapat na maraming nagbuwis ng buhay dahil sa'yo?" Sa pag-atras ng kadiliman ay sinipa niya ito. "Hindi ka na magtatagal." Tinutok ni Errol ang isang kamay sa kaaway. Ang paglakas ng liwanag sa kanyang katawan ay sinabayan ng pag-alingawngaw ng pamilyar na huni na tila nanggagaling sa loob ng kanyang katawan. Malakas ang pakiramdam niyang masisilayan na niya ang nilalang.
Ramdam ni Errol ang paglabas ng kung anong pwersa mula sa loob niya. Ilang sandali pa ay humiwalay sa katawan niya ang kumpol ng liwanag na nagbabago-bago ng tindi at pumapagaspas. Ilang sandali pa ay humaba ito. Lumitaw ang matingkad na mga laylayan sa paanan nito. Nagkaroon ito ng mga kamay, ang mga braso ay natatakpan ng manipis na manggas na kumikinang. Humaba ang mga hibla ng kulot nitong buhok. Marikit ang mukha ng nilalang. Halos di maaninag ang mukha nitong nakakasilaw sa liwanag. Ngumiti ito sa kanya.
"Ang iyong pag-asa, katatagan, at pagmamahal ang nagpanatili sa aking buhay." Malumanay ang boses ng nagliliwanag na dilag. "Ikaw ang aking lakas, at ako rin naman ang iyo." Hinaplos nito ang pisngi ni Errol na tulala.
Naglakad ito patungo sa mga kaibigan ni Errol at muling nagsalita. Ang tinig nito ay dumuyan sa kanila, tila inaakay sila. "I have faith in humanity. Errol was right. Your hope shines a light in the world amid tragedies. Hope, the strongest force of the living. It's almost life itself. It was hope that sent you here to fight this tragedy. I shall depart your world knowing there is a force of good fighting to keep evil at bay."
Tulala lamang ang lahat na tila nabighani sa kariktan ng maliwanag na nilalang. Ngunit si Errol ay nagtaka dahil sa sinabi ng nilalang. Lilisanin niya ang mundo? Pero... Muli siyang hinarap ng nilalang na nagbigay liwanag sa madungis niyang mukha.
"You have fought a good battle, my son."
Kumunot ang noo ni Errol sa narinig, ngunit tila alam ng nilalang ang kanyang mga tanong sa isip.
"Yes, you are my child. You are the child of hope. The child of courage. The child of love. The child of the light." Kumawala ang mga maliwanag na galamay mula sa laylayan ng nilalang. Ginapos niyon ang umaangil na kadiliman. "We cannot kill the darkness. There is no destroying evil, for without the darkness and evil we lose the balance in the universe. There is no good without evil. There is no happiness without sadness. There is no joy without sorrow. There is no light without the darkness."
Napagtanto ni Errol ang mga sinabi ng nilalang. Ngunit bago siya makapagsalita ay muli itong nagsalita.
"My time here has come to a close."
"Why?" Nakaramdam si Errol ng lungkot na hindi niya maintindihan. Tila ba isang mahalagang tao ang namamaalam sa kanya. Kumurot sa puso ang narinig mula sa nilalang.
"It is time for us to go back to where we dwell. But once we are without living beings we disperse into the void. I shall bind the darkness with me. Together we shall blend in the fabric of reality, never to return again." Nilapat nito ang isang kamay sa dibdib ni Errol. "My child, a part of me shall be with you."
Ramdam ni Errol ang pagdaloy ng liwanag sa kanyang katawan.
"Farewell..." Naglakad na ito patungo sa kadiliman. Niyakap niya ito. Dahan-dahan silang lumutang at naglakbay patungo sa himpapawid.
Sinundan ni Errol ng tingin ang makislap na bagay na iyon hanggang sa mawala sila sa kanyang paningin. Hindi na niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Salamat..."
Isang yakap ang nagpaigtad sa kanya. Alam niyang hindi iyon si Ivan.
"Forgive me..." Nababasag ang boses ng babae. "Patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa ko noon."
"Napatawad na kita, tita," saad ni Errol. "T'saka, di naman talaga kayo yun."
"Masaya ako na okay ka lang. I thought you would end up wretched like me. Pero siguro mas matatag ka lang kaysa sa akin."
"H'wag mo na isipin yun, tita. Ang importante makakapagsimula na tayo." Kumalas ito sa pagyakap sa kanya at tinungo si Diana.
Isang putok ng baril ang gumulantang sa lahat.
"Freaks!"
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 3: The Darkness Within
FantasyHighest Ranking as of 7/13/2019 #1 Hangin #1 Apoy #2 Tubig #32 Paranormal #6 Superpowers #2 Kapangyarihan #18 nonteenfiction Minsan nang tinalo ng supling ng liwanag ang pwersa ng kadiliman. Ngunit sa gitna ng matinding kalungkutan ay dininig ng hul...