Prologo

3.1K 102 3
                                    

Jade's Corner:

Ang kwentong ito ay isinulat ko para sa isang short story contest na pinagjudge-an ko. Supposed to be ay judge lang ako rito pero dahil sa mga contestant na hindi nakapagpasa due to some reasons, I took over a spot to write an entry (because the organizer of this contest is a good friend of mine) para matuloy ang publication ng book na ito. This short story contest is a book for a cause. Yung mapagbebentahan po nito ay diretso sa isang charity so if you would like to order you could message me. 

Ipopost ang first three entries nito para makita nyo kung tungkol saan ang kwento tapos the rest of the chapters will be posted later on kapag naayos na namin yung napagbentahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipopost ang first three entries nito para makita nyo kung tungkol saan ang kwento tapos the rest of the chapters will be posted later on kapag naayos na namin yung napagbentahan. This novella consist of 10 chapters. How and where to order? Please private message me for more info :) 

Sa ngayon, enjoy muna kayo sa kwentong ito :) 


***

LIMANG TAON NA ANG NAKAKALIPAS...

Bumuntong hininga ako ng napakalalim. I don't know but for some reason I feel depress. Maybe because I feel like a failure.

Oh, how I hate this feeling.

Naglalakad ako sa mall pero parang sa bawat pagtapak na ginagawa ng aking mga paa sa semento ay gusto ko nang bumagsak. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Pakiramdam ko... ayoko na. Ngunit mayroong maliit na parte rito sa likod ng utak ko na sumisigaw. Hindi ako pwedeng sumuko.

Hinding-hindi ako susuko.

Sa ngayon hahayaan ko muna ang sarili na makaramdam ng ganito. Minsan lang naman. Tanggap ko ang bawat parte ng pagkatao ko. 'Yung masayahin, malungkutin at syempre, hindi mawawala ang pagiging bugnutin.

Kanina sa may bookstore, doon ako nagmuni-muni. Medyo napagastos na naman ako sa pagbili ng mga bagong libro. Pero wala akong pakialam. Ang gusto ko ngayon ay sumaya, sumaya, sumaya.

Gusto kong pasayahin ang sarili ko.

Mayroon akong nabili, isang maliit na music box. Kailangan mong iikot ang hawakan nito upang gumana. At sa bawat pag-ikot ay tutunog ang kantang, 'What a wonderful world'.

Wonderful nga ba ang mundo?

Ang negatibong parte ng utak ko ay nagsasabi na hindi. Na ang mundo ay puro lungkot at pasakit lang. Walang saya. Lahat kalungkutan. Subalit mas nananaig ang positibo sa aking utak. Isang parte ng isipan ko na nagsasabing lahat ay may pagsubok, ngunit sa bawat pagsubok na iyon ay may ginhawang darating. Mas nakikinig ako sa pangalawa. Sya ang matalik kong kaibigan. Sya ang humihila sa akin paitaas. Sya ang dahilan kung bakit sa bawat pagtapak ng aking mga paa ay naiaangat ko pa ang aking sarili. Dahil kung ako lang at ang negatibong parte ng utak ko ang kakapitan ko, kanina pa ako bumagsak.

Sa gitna ng maraming taong nagsisidatingan sa mall, may tutulong kaya? May papansin? Paano kung huli na ang lahat?

Kapag wala na ba ang isang tao ay doon lang sila gagalaw?

Pinagmasdan ko sa aking palad ang music box na binili. Pinapaikot, pinapaandar... ang matinis na musika nito ang nagpapakalma sa bagyo sa loob ng mapagbalatkayong kasiyahan na nakapinta sa aking mukha. Ang haba nito ay tatlong daliring pinagtabi-tabi, samantalang ang taas ay hindi tataas sa kuko sa hinlalaki. Gusto ko itong ibulsa. Gusto ko itong dalhin kasama ko habang buhay. Gusto ko itong pakinggan.

Gusto ko itong...

Naglalakad ako na tila ba nasa buwan noong may nadaanan akong isang lalaking nakaupo sa may gilid ng mga halaman. Nakakuba ang likod habang nakaupo, may hawak na papel sa kamay at mukhang... malungkot. Umupo ako sa tabi nya. Para syang maluluha na hindi ko maintindihan. Malayo pa ang tingin... hindi man lang nya ako napansin noon napasilip ako ng kaunti sa hawak nyang papel na may patak ng luha.

My Dearest...

"Uh, Miss, pwede bang itanong kung anong oras na?" Halos magkanda-utal utal ako noong nilingon at sinagot ko ang matandang lalaki na kumalabit sa akin. Noong ibinalik ko ang tingin doon sa lalaking katabi ko, nag-uumpisa na syang maglakad palayo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko gusto ko syang... habulin.

Habulin...

Bakit nga ba? Ni hindi ko nga sya kilala. Ngunit nakita ko na lamang ang sarili na sumusunod. Sa kumpulang mga tao, hindi nya ako napansin. "My Dearest..." Ang mga katagang naaalala kong nakasulat sa hawak nyang papel. Ano kaya ang mga nakasulat doon? Bakit ang bagal nyang maglakad? Bakit ang lungkot-lungkot nya? Sa unang beses ngayong araw na ito, ngayon ko lang nakita na meron pa palang mas malungkot kaysa sa akin. Na meron pa palang mas mabigat ang dinaramdam. Mas madilim ang pinagdaraanan. Mas... malungkot.

Maswerte pa rin pala ako.

Kinalabit ko ang lalaki. Humarap sya at tumambad sa akin ang namumulang mga mata na galing sa pagluha. Tiningnan nya ako na may pagtataka. Kumunot ang noo nya sa pag-iisip kung sino nga ba itong babaeng naglakas loob na makialam sa problema nya. Ngunit hindi ko ininda ang paghuhusga sa mga tingin nya sa akin. Bagkus, iniangat ko ang bukas kong palad sa harap nya.

Sa palad ko ay ang maliit na music box na kabibili ko lang kanina.

"Bakit—" Kinuha ko ang isang kamay nya at ipinatong ito rito. Sumenyas ako sa hawakan na paikutin nya. Katulad ng ginagawa ko kanina. Katulad ng tamang paggamit sa maliit na instrumentong hawak nya.

Bago sya muling makapagsalita ay iniangat ko ang tingin sa kanya, nakangiti ang aking mga labi, puno ng simpatya sa kung ano man ang pinagdaraanan nya sa buhay.

Narinig ko ang pagtunog ng maliit na tren na sinasakyan sa mall para sa mga maliliit na bata. Daraan na ito sa amin— sa gitna mismo kung saan kami nakatayo. Sa bawat pagbatingaw ng matinis nitong kampana ay ang nagsisilbing paalala na kailangan na naming tumabi. Hinawakan ko ang kamay nya sa huling pagkakataon bago isinara sa palad nya ang music box na gustong-gusto ko.

Umatras ako ng may ilang hakbang. Nagkatitigan kami bago dumaan ang maliit na tren sa pagitan namin. Ngumiti ako sa kanya. Lahat ng lungkot na naramdaman ko ay napawi.

Masaya ako na matulungan sya.

Music Box (A Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon