Ikaanim na Kabanata

692 44 2
                                    

"MAY PASOK KA PA BUKAS ENZO. BAKIT 'YANG CELLPHONE NA NAMAN ANG HAWAK MO IMBES NA LIBRO?" Inagaw ko ang hawak na cellphone Enzo, ang pangalawa kong kapatid.

"Ate naman, may katext ako!" Inagaw nya sa akin ngunit inilayo ko ito. Mas matangkad man sya sa akin di hamak tulad ni Dane, mas maliksi pa rin akong gumalaw kaysa sa kanilang dalawa.

"Katext daw. At sino naman 'yung malas na babaeng 'yon?" biro ko.

Tumawa si Dane na abala sa paggawa ng mga takdang aralin nya. Sa aming tatlo kasi ay sya ang pinakamasipag. "Sino pa nga ba Ate Vana, eh di si Alyson!"

"Alyson? 'Wag mong sabihing 'yung nakababatang kapatid ni Kristi?"

Kumindat sa akin si Dane. "Tumpak ka dyan."

Inagaw ni Enzo sa akin ang cellphone bago pa ako may masabi. Lumaki ang ngiti sa mukha ko at inakbayan ang kapatid ko noong bumalik na sya sa inuupuang sofa. Ayaw nyang ginagawa ko ito sa kanya pero wala naman syang magagawa. "Aba naman! Binata na ah. Akalain mo nabingwit mo pala 'yon? Eh di ba kilalang masungit 'yung kapatid ni Kristi?"

"Ginayuma yata ni Enzo, ate."

"Gago." Tawa ni Enzo sabay hagis ng isang unan kay Dane. "Iyon ang tinatawag na magaling pumorma 'tol. Wala ka kasi no'n eh."

"Girlfriend ko ang pag-aaral ko."

"Palusot. Utuin mo mukha mo."

Nagsitawanan kaming dalawa ni Enzo sabay apiran sa isa't-isa. Si Dane naman ngayon ang sumimangot.

"Pero hindi nga, kailan pa naging kayo? Ang daya, kahit si Kristi hindi man lang sinabi sa akin ito!"

"Kahit naman si ate Kristi walang alam eh." Kibit-balikat ni Enzo sa sinabi ko.

"Kailan ba kasi naging kayo?"

"Kamakailan lang."

"Naku, wag kang maniwala dyan ate." Sabat ulit ni Dane. "Last year pa 'yan pero on and off sila. M.U. daw na parang hindi tapos isang araw magugulat ka sila na raw talaga. Ang hirap ngang maniwala eh, kasi parang hindi totoo."

Pinektusan ko si Enzo sa ulo. "Aray naman, ate!"

"Hoy magtino-tino ka ah. Baka pinapairal mo na naman 'yang pagkababaero mo. Kapatid ng bestfriend ko 'yang pinapatulan mo kaya umayos ka."

"Eh, seryoso naman kasi eh. Bakit ba ang kulit nyong dalawa?"

"Hindi kasi kapani-paniwala."

Binigyan nya kami ng tingin na dalawa sabay kalkal sa cellphone nya ng kung ano man. "Ayaw nyong maniwala ah? Ipapakita ko sa inyo 'yung picture naming dalawa."

Parehas kaming tumabi ni Dane sa kanya upang makita 'yung sinasabi nya. Ang dami nilang larawan ni Alyson sa cellphone nya. Selfie, group photo, magkahawak kamay at 'yung naghahali—tinakpan ko ito at inilayo ang tingin. "Okay, okay gets na namin. Too much information na 'yan bro. Kung may rated PG man pakiusap, wala akong balak makita." Pero si Dane ay inagaw pa ang cellphone at saka ipinagpatuloy na iswinipe-swipe ang mga larawan sa photo album ni Enzo na akala mo kanya. Pinilit na inagaw ni Enzo pero hindi nya magawa. Tawa lang ng tawa si Dane ngayon habang si Enzo ay asar na asar.

"Hala ka Kuya Enzo, may picture kayong nag-iinuman o! Isusumbong kita kanila papa!"

"Akin na kasi 'yan, ang gago nito! Tama na kasi!"

"Basta, lagot ka!" asar pa nito habang taas babang dinuduro ang hintuturo sa harap nito.

"Sambungero ito, bwisit. Suntukin kita dyan eh!"

Music Box (A Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon