Ikalimang Kabanata

742 48 5
                                    

KINABUKASAN AY HININTAY KO SYA SA WAITING SHED KUNG SAAN KAMI NAGKITA ngunit walang Agel na sumipot. Baka sa ibang lugar? Kailan ba kasi 'yung next time na iyon?

Palagi akong naghihintay roon sa may waiting shed kung saan ko unang nakausap si Agel. Sa tuwing wala akong trabaho o di kaya ay hindi abala sa pagtulong kanila mama sa bahay at sa palengke ay dito ako makikita. Umaasa ako na muli ay magkita kami.

Tatlong araw na ang nakalipas magmula noong huling beses ko syang makita at makausap. Nanghihinayang ako na hindi ko agad nakuha ang number ng cellphone nya nang sa gano'n ay sana may komunikasyon pa rin kaming dalawa.

Nasaan na kaya siya? Anong ginagawa nya?

Siguro nga baliw na kung iisipin na ang taong nakilala mo lang ng ilang araw ay hinahanap-hanap mo na agad. Pero magaan talaga ang pakiramdam ko sa kanya. Meron dito sa dibdib ko na tila ba hinahanap-hanap sya. Ngayon ko lang naramdaman ito.

"In love ka na friend." Iyan ang sabi sa akin ni Kristi noong minsan na nakausap ko sya tungkol dito.

"In love?" tanda ko pa ang gulat sa mga mata ko noong marinig ko iyon. "Baliw. In love raw. Imposible naman. Ilang araw ko pa lang syang nakilala. Love na agad?"

"Friend may tawag dyan. Love at first sight."

"Love at first sight? Ako? Ha! Hindi ah! Wala namang gano'n."

"Wala nga ba, aber? Eh ano 'yang nararamdaman mo?" Tanong nya na hindi ko nasagot noong araw na iyon at hanggat ngayon ay isa pa ring palaisipan sa akin.

Umiling ako. Iwinawaglit ang sinabi sa akin ni Kristi pati na rin si Agel sa isipan ko.

Nababaliw na nga siguro ako. Ano ba iyan, baliw na dahil nakakakita ako ng mga bagay-bagay na hindi maipaliwanag tapos baliw pa ang puso ko sa pag-ibig? Aba, hindi na maganda ito. Kulang na lang ma-double dead na ako rito ah. Pambihira.

Bakit ko nga ba sya iniisip? Bakit hinahayaan ko ang sarili na guluhin nya ang buhay ko?

Hindi. Vana, umayos ka!

Siguro ito na ang oras para kalimutan ko sya. Wala lang naman sya sa buhay ko. Isang tao na napadaan lang. May mga taong sadyang gano'n lang talaga ang papel sa buhay ng isang tao. 'Yung mapapadaan lang. 'Yung e-extra. 'Yung magkakaroon lang ng special participation ngunit pagkatapos niyon ay babay na.

Sino nga ba sya hindi ba? Hindi naman malaking kawalan. Bakit ba ako naghihintay rito sa waiting shed? Move on na Vana. Ganyan talaga ang love, parang hangin. Mararamdaman mo lang pero mawawala rin.

Malakas ang pagbuhos ng ulan at sa kasawiang palad ay wala akong naidalang payong. Maraming naghihintay ng jeep kasama ko. Kanina pa sana ako nakasakay kung hindi lang punuan. Ayoko namang makisiksik hindi dahil ayokong mabasa kundi nag-aalala ako para sa maaaring kahinatnan ng mga libro na hiniram ko lang sa library.

Sa paghihintay ko ay may naramdaman akong tumabi sa akin. Isang babaeng naka-over all white shirt, white pants pati na rin white shoes. Nurse siguro.

Mukha syang haggard. Pagod na pagod ang mukha, siguro dala na rin ng puyat at pagod sa trabaho. Ibinaba ko ang tingin at nakit ang suot nyang ID, Rhea Pineda. Ang ganda ng ngiti nya sa kanyang larawan.

Muli kong iniangat ang tingin pataas sa mukha nya. Kapansin-pansin ang tila ba pasa sa may leeg nya at mantsa ng dugo sa may bandang dibdib. Nagdisect kaya sila? Bakit parang ang dungis-dungis yata ng uniform nya?

Naroon sya nakatayo, nakabulsa ang mga kamay at nakatingin doon sa mga paparating na jeep. Mukha naman syang okay kaya itinikom ko na lang ang matabil na bibig. Pasahero rin siguro na naghihintay ng masasakyan kaya hindi ko na pinansin.

Music Box (A Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon