Ikasiyam na Kabanata

699 44 5
                                    

HINDI KO MAAALALA KUNG PAANO AKO NAKARATING SA LOOB NG OPISINA NI DRA. JIMENEZ pero ang buong katawan ko ay nanginginig sa takot. Hindi rin ako makapagsalita ng maayos. Hirap akong pakalmahin ang sarili dahil pakiramdam ko kahit saan ako tumingin ay naroon pa rin sila, 'yung mga multo na nakita ko roon sa may banyo. Parang may naririnig akong boses, bumubulong sa akin. Pilit kong tinatakpan ang mga tenga. Ayokong marinig. Kung ano man ang sasabihin nila, ayokong marinig!

"Vana, huminahon ka. Ligtas ka na. Ligtas ka na, hija."

May inabot sya sa aking inumin. Hindi ko alam kung ano pero noong makita iyon ay agad ko itong ininom. Niyakap ko ang sarili, ibinubulong ko ang pangalan nya. Sabi nya huwag daw akong matakot. Sabi nya mas lalo lang daw akong magiging agaw pansin para sa mga multo kung magpapakita ako ng takot kaya ginawa kong matapang ang sarili. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang lumipas pero unti-unti kong nararamdaman na kumakalma na ako.

Nakaupo ako sa sofa, nakataas ang mga paa. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinapagalitan ni Dra. Jimenez dahil dunudumihan ko pa yata ang sofa nya. Pero wala naman syang sinabi kaya wala na rin akong pakialam. Umupo sya sa harap ko. May hawak syang notebook at ballpen. May inaayos sya sa mga gamit nya noong may malaglag na kung anop mula sa notebook nya. Lumipad ito patungo sa baba ng sofa na ibuupuan ko. Isang litrato. Pinulot ko ito.

"Oh, pasensya na Vana. Hindi ko kasi naayos 'yung gamit ko kaya lumipad tuloy iyan. Pwedeng pakisoli na lang sa akin..." hindi ko na narinig ang mga sumunod nyang sinabi dahil noong ibinaligtad ko ang litratong iyon ay nakita ko ang isang pamilyar na ngiti ng isang lalaki.

"Agel?" kunot-noo kong bulong.

"Kilala mo ang anak ko?" malumanay nyang tanong sa akin.

"Kung gano'n... sya po ba 'yung kasama nyong batang lalaki sa mga litrato nyo rito sa loob ng opisina nyo?"

Tumango sya sa akin. May malungkot na ngiti sa kanyang mukha. "Nakikita mo rin ba itong mga paintings sa paligid? Sya lahat ang may gawa niyan."

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Naalala ko bigla ang mga initials ng pirma sa bawat obra na narito.

AJ... Agel Jimenez.

"My son was a very talented artist. Napatalinong bata. Napakabuting anak. Nakikita mo ba ang mga paintings na 'yan? Karamihan dito ay painting ng isang babae hindi ba? Lagi nyang kwinekwento sa akin, na meron daw syang nakilalang babae. He was so in love with her, he paints her every chance he gets."

Tumayo ako at lumapit sa isang painting na noon pa man ay nakaagaw na ng pansin ko. Painting ng isang babae na naka-side view, may pinipitas syang pulang santan.

"Sabi ko sa kanya noon, ligawan nya na. Pero sabi nya sa akin nahihiya raw sya. So for the next four years of his life, he secretly loved her and she did not even know."

Lumipat ako sa iba pang paintings na naroon, akala mo isa itong art gallery sa dami. Isa-isa ko silang pinagmamasdan.

"Kahit kailan, never ko pa syang nakitang na in love ng ganoon. I ask him what was so special about this girl na gagawin nya ang lahat para sa kanya ng walang hinihinging kapalit, he told me, it all started in a small music box."

Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Sa tapat ng pinakamalaking painting dito sa loob ay ang music box na binigay ko sa kanya five years ago. Maayos itong nakapatong doon sa may isang istante katabi ng mga angel figurines.

"Sabi nya sa akin, noong araw raw na gusto nya nang magpakamatay per noong nakilala nya raw 'yung babaeng iyon at binigyan sya ng music box, nagkaroon daw sya ng pag-asa sa buhay. I cannot blame him, pagkatapos mamatay ng papa nya dahil sa cardiac arrest, doon lang namin nalaman na ang dami pala nitong pinagkakautangan dahil sa bisyo nyang sa sugal. Kinuha sa amin ang lahat, bahay namin, lupa, everything. Agel almost failed all his classes dahil wala na rin kaming pambayad sa tuition nya. I was jobless during that time and I can do nothing to help him."

Music Box (A Novella) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon