Prologue

17 2 1
                                    

Dear Mr. Sun,

Gusto kong malaman mo na ito yung unang pagkakataong susulat ako ng isang love letter. Natatawa ako ngayon sa sarili ko. Ilang beses ko nang tinatanong sa sarili ko kung kailangan ko ba talaga tong gawin. Pero hindi ko na talaga kayang itago to kaya naman naglakas loob akong ibigay to sayo.

Alam kong wala akong pag-asa sayo pero gusto kong malaman mo na mahal kita. Mahal na kita Nathan. Hindi ko alam kung bakit at kung paano pero yun yung nararammdaman ko ngayon. Sana pagnabasa mo na to walang magbago. Hindi naman ako humihingi ng pagmamahal mo eh. Gusto ko lang naman na malaman mo to.

Nagmamahal sayo,
Allie

KisapmataWhere stories live. Discover now