<< Six >>

8 1 0
                                    

S H A N E

"Alam mo Al, sa tingin ko may gusto sayo si Jon." Bulong ko sa kanya nang nasaksihan ko ang pag smirk ni Jon sa kanya.

Iba rin pala tong diskarte ni Jon sa mga babae. Tsk tsk.

Nakita kong agad na lumaki ang mata ni Allie sa sinabi ko. Humarap siya sakin na para bang sinabi ko sa kanya na end of the world na bukas.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinampas ang braso ko.

"Aray ko naman! Bakit mo ginawa yun sa tingin ko lang naman eh." Napasakit kaya ng hampas niya. Tinignan ko ang braso ko at namumula ito.

"Huwag ka ngang ganyan. Hahahaha nakakatawa ka Sha. Ang galing mo pa lang magbiro." Sagot niya sakin. Halatang-halata naman na apektado siya sa sinabi ko.

Seryoso hindi ako nagbibiro. Hindi kasi nasilayan kung paano nakasimangot kaninang lunch si Jon eh.

F L A S H B A C K

"Allie sandali lang!" Sigaw ko habang siya'y palakad na umalis sa mesa namin.

Biglang nagsalita si Andrew kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ayan tuloy umalis. Sabing huwag kang magloko eh." Sambit ni Andrew kay Jon.

Tumingin ako kay Jon at nakita ko siyang nakayuko.

"Suyuin mo." Bumulong ni Drew sa kanya pero narinig ko. Meron kasi akong magaling na hearing skills.
Hahaha.

Humarap agad si Jon kay Andrew nang nakakunot ang noo. Nagkatinginan sila. Hindi ko na hinintay na magsalita si Jon kasi kailangan ko nang umalis.

"Pagpasensyahan mo na sa Jon. Talagang kumukulo kasi yung dugo niya pagdating sayo tapos magloloko ka pa. Sige alis na ako." Sabi ko at tumayo at hinablot yung bag ko.

Tumingin ako sa kanila for the last time at nakita kung paano napalitan ng lungkot ang ekspresyon ni Jon. Ngunit agad naman itong nawala at napalitan ng inis.

"Wala akong pakealam. Sige layas." At iyon na ang cue ko para umalis.

Napakasama talaga ng ugali ng isang yun. Hay nako.

E N D O F F L A S H B A C K

A L L I E

"Mr. Chavez, are you listening to me?" Nakita kong humarap ulit ang nakakainis na Jon kay Mr. Mondragon.

"This is a library, tapos magtatawanan kayo? I don't want this to happen again. Hindi lang ako ang naistorbo niyo ngayon. Pati na rin yung ibang students."

"We are very sorry Sir. Hindi na po mauulit to." Narinig kong sabi ni Andrew.

At si Andrew pa talaga ang nagsorry ah. Kung ako lang si Jon lang naman yung tumawa eh.

"Say sorry to everyone, please." Sabi ni Sir at bumalik sa pagbabasa.

Humarap ang dalawang lalaki sa lahat. Karamihan sa kanila ay napaka eager na marinig yung sorry but others just don't care.

Napatingin ulit ako sa kanila at nakita kong nakatingin sa akin si Jon with a serious face.

"Sorry. Sorry kung naistorbo ko kayong lahat. Sorry kung nakakainis ako palagi." Sabi niya na dahilan para biglang bumilis yung heartbeat ko.

Paulit-ulit na nag Play sa utak ko yung sinabi ni Sha.

Sa tingin ko may gusto sayo si Jon.

Sa tingin ko may gusto sayo si Jon.

Sa tingin ko may gusto sayo si Jon.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Nov 02, 2017 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

KisapmataUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum