« Two »

20 1 0
                                    

A L L I E

Nagising ako dahil sa malamig na ihip ng hangin na unti-unting pumapasok sa kwarto. Tumingin ako sa labas at medyo madilim pa kaya nanatili akong nakahiga sa kama.



Napahigpit ang yakap ko kay "Chan" dahil sa lamig. Si Chan nga pala ang teddy bear na palagi kong kasama sa pagtulog.



Habang nakahandusay ako ay bigla akong napangiti ng malapad. Hindi mawala sa isipan ko yung nangyari kahapon.



Eto kasi yung nangyari kahapon.




Flashback


Habang naglalakad na ko palabas ng gate ng school ay may tumamang volleyball sa ulo ko.



Inis na inis ako sa taong tumama sakin ng bola.



Lumingon ako at agad nakita yung crush ko. Oo. Tama ka. Si Andrew. Agad na nawala yung kunot sa noo ko nung makita ko siya.




Kung isang Andrew Jimenez ang tumama sakin ng bola, okay lang sakin yun. Pero hindi eh.





Napatingin ako dun sa kasama niya. Si Jon Chavez, yung kaklase kong pasaway. Siya yung tipong mainggay sa klase at palaging gusto ang atensyon ng iba.



At higit sa lahat siya yung tipo ng tao na hindi ko gustong makasalamuha. Naiinis ako sa mga kagaya niya.



Sa pag-iisip ko sa kanya hindi ko tuloy na malayan na nasa harapan ko na pala sila.



Si Jon ang unang nagsalita na dahilan para mas mainis ako sa kanya.




"Ba't hindi mo sinalo yung bola yan tuloy naputikan." Tinuro niya ang bola at napatingin ako sa bolang nasa putikan.




"At isa pa mas pangit ka kapag nakakunot ang noo mo" pagpapatuloy niya habang napatawa ng malakas.



Walang hiya naman ang isang to oh. Pinapahiya mo pa yata ako sa crush ko eh. Patulan ko na kaya to.



Bigla akong nagulat ng batukan ni Andrew si Jon. Pinigilan ko tuloy yung sarili kong kiligin.


Hahaha. Buti nga sayo.



"Ano ka ba Jon? Magsorry ka na kay Allie." Sabi ni Andrew.



Napatingin siya sakin at biglang lumundag ang puso ko.



Eto na yata yung pinaka main interaction naming dalawa. since hindi kami magkaklase, hindi kami masyadong nagpapansinan.



"Masakit ba yung tama ng bola? Gusto mong dalhin ka namin sa clinic?" Pagtatanong niya at napatingin siya sa ulo ko.



Napansin kong nakahawak  pa din pa la ako sa ulo ko.




"Ah, hindi na. Ok lang to. Uuwi na lang ako." Tumawa ako ng mahina. Nakakahiya gusto ko na lang umuwi agad sa bahay.

Napatingin silang dalawa sakin.



"Drew! Jon! Practice na tayo!" Narinig kong sigaw ng mga kasama nila. Napalingon silang dalawa ulit sakin.



"Hay nako! Ako na ang magdadala sa kanya sa clinic. Baka kasi magkabukol pa siya." Bigla akong hinatak ni Jon palayo kay andrew.



Nakita kong tumango lang siya at bumalik sa pagpractice.



Napatingin na lang ako sa kamay ko na hawak-hawak ni Jon. Nainis ulit ako.



"Sandali lang," kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya, "kaya kong maglakad. Hindi mo na akong kailangan pang kaladkarin." Sambit ko sa kanya.


"Tsk."


Aba loko to ah. Ikaw yung kumaladkad sakin dito tapos yan pa ang iaasal mo.



Pagpasok namin sa clinic wala dun yung school nurse. Nakauwi na yata.

"Uwi na lang ako." Sabi ko sa kanya.



Pero natigilan ako sa sinabi niya.


"Ako na ang bahala sayo baka kasi magkabukol yang ulo mo dahil sakin. Sorry hindi ko yun sinasadya."



Oo. Inaamin ko biglang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.



"Wow! May himala pala talaga noh!" Sigaw ko sa kanya.


Ha! Hindi ko inaakalain na magsosorry siya sakin.



Pero ng tinignan ko siya ulit ay nakita ko ang isang ngiting nakakaloko.

Itinaas ko ang aking kilay. "Bakit?" tanong ko sa kanya.



"May gusto ka kay Andrew ano?"




-------------------

xoxomisswhatif

KisapmataWhere stories live. Discover now