<< Three >>

29 1 1
                                    


A L L I E


Napanganga ako sa tanong niya.


"Ano? hindi kaya! Saan mo naman nakuha ang ideyang yan. Psh." Pagdedeny ko sa kanya.


"Hmmmm. Talaga lang ha wala kang gusto sa kanya? Sa reaksyon mo kasi ngayon halatang crush na crush mo yung tao. Hahaha" Tumawa siya ng malakas. Kulang na lang eh magpagulong-gulong siya sa sahig eh.



"Tignan mo nga yang mukha mo, para kang kamatis diyan."



Oo. Alam kong namumula ang buong mukha ko ngayon. Huling-huli na nga, idedeny ko pa kasi eh.



"Alam mo, uuwi na lang ako. Kainis naman to." Pagmamaktol ko at lumabas na sa clinic. Rinig ko parin ang tawa niya.



Hay. Akala ko pa naman gagamutin niya tong bukol ko sa ulo. Psh. Sira ulo talaga ang isang yun.


Tuloy tuloy akong lumakad palabas ng school.



Kasalukuyang nasa gate nako pero bigla akong hinarang ni Andrew.



Nagkatinginan kami at sana man lang hindi nako namumula.



Kinamot niya muna nag batok niya bago siya magsalita.



Cuteeeee.



"Ok ka na?" tanong niya.


Kaya naman pinigilan kong ngumiti na parang creepy at tumango tango na parang tanga.



"Mabuti naman kung ganoon. Pagpasensyahan mo na siya ha ganun talaga yun." Sabi niya nang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.



I'm drowning in his brown orbs.


I was out of may trance nang nagpaalam siya.


"Sige inggat sa pag-uwi." Tumalikod na siya and he jogged away from me.



End of flashback


---------


Dahil sa maganda ang gising ko kaninang umaga ay na late ako ng pasok.


Hindi diba dapat maaga akong pumasok? Pero kasi napatagal yata yung pag dedaydreaming ko sa banyo kaya ako na late.



Pagdating ko ng school ay nagdadagsaan na ang mga estudyante. Maraming nagtutulakan, napakaliit kasi ng entrance sa may hallway.



"Pst"




"Uy, Shane! Hindi ko akalaing late ka din." Nakasalubong ko siya sa hallway kung saan nakikipagsiksikan kami para makapunta ng classroom.




"May sasabihin ako sayo mamaya. Bilisan natin." Sabi niya at bigla na lang akong hinatak kahit na masikip.


Kahit papaano nakarating kami ng classroom ng walang galos. Nakipagtulakan kasi kami kanina para hindi tuluyang malate ng pasok.




Naupo ako malapit sa bintana. Narinig kong tumunog ang bell na ang ibig sabihin ay magsisimula na ang klase. Sunod sunod ang pagpasok ng mga kaklase kong late.




Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin sumisipot si Mr. Sunggit. Himala minsan lang ata yun malate. Ano kayang nangyari sa kanya?



Nilapitan ako ni Shane at naupo sa harapan ko. Naalala kong may sasabihin pala siya sakin.



"Oh, bakit nakakunot yang noo mo. Huwag mo sabihing na mimiss yung busangot nating teacher." Sabi niya at ngumisi pa.


KisapmataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon