<< FIVE >>

7 1 0
                                    

A L L I E

"Mr. V, sorry po na late ako. Hindi na po mauulit." Yumuko ako habang nakatayo sa pinto.

"Ok, Ms. Gonzales. Pumasok ka na at kumuha ng isang pirasong papel. You're just in time for a surprise quiz." Agad akong pumunta sa upuan ko at kumuha ng quiz.

PAGKATAPOS NG KLASE...

Heto ako ngayon nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim.....

Joke lang. Maka Aegis kasi ako eh.

Kasalukuyang nakaupo ako ngayon sa bakanteng parte ng aming library.

Hindi ako nagbabasa ng libro o nag-aaral kung yun yung inaakala niyo. Nagpapalamig lang ako. Yung library lang kasi yung nag-iisang lugar kung saan may air-con. Kaya maraming tao dito pagsapit ng lunch time hanggang alas tres ng hapon.

At hindi lang iyon. Dahil merong isang gwapong dumating eh parang naging isang tourist spot tong library namin.

Simula kasi nang dumating si Mr. Mondragon sa school na to eh naging paborito niya na ang pagtambay sa library na to at magbasa. Kaya naman dinadagsa na mga fans niya ang lugar na to.

And speaking of fans siyempre hindi mamawala yong best friend ko.

"Allie!! Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala." Pabulong na sigaw ni Sha habang papunta sa table ko.

"Hindi ko akaling andito ka. Karamihan kasi ng mga tao dito eh fans ni Sir Nathan. Bakit ka pala na late kanina sa Math." Sabi niya ang nagnanakaw ng tingin sa guro namin.

Tulala pa rin ako kaya hindi ko siya nasagot kaagad.

"Hoy! Nakikinig ka ba sakin?"

"Huh?" Sagot ko.

"Al, kinakausap kita. Hello. Andyan pa ba yang kaluluwa mo?"

"Sha! Babagsak na ako sa math!! Anong gagawin ko?" Pagwa wild ko sa harap niya.

"Ano ba huwag kang mainggay. Mamaya palabasin tayo dito at hindi ko na matatanaw si Sir." Heto naman siya at ang kanyang dreamy tone.

Hay nako.

Tinanong niya ako uli kung ano ang problema ko. Kaya sinabi ko sa kanya na halos blanko lahat ng sagot ko kanina sa surprise quiz.

Hindi kasi ako handa kaya tinawag ngang surprise quiz.

Babagsak na talaga ako. Anong gagawin ko?

Napatingin ako sa direksyon ni Mr. Mondragon. Biglang lumitaw ang kunot sa noo ko.

Kasalanan to ni Sir. Kung hindi niya na sana ako pinatagal kanina hindi ako malelate. May time pa sana akong sumilip ng notes before mag-umipsa yung quiz.

I ruffled my hair with frustration evident on my face.

Sha patted my back. "Ayan kasi nagpa late ka eh. Sabi ni Sir V. before ng test na hindi yun recorded. Gusto niya lang malaman kung saang part pa ng lesson ang hindi natin nakuha. Gets mo?"

Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. I sighed. Nakahinga ako ng mabuti. Lahat ng worries ko nawala.

"Aw Shane. Mabuti kung ganoon hindi ko talaga kayang bumagsak sa math. Ok lang kung sa sahig lang ako bumagsak." I laughed silently sa sinabi ko pero totoo yun.

"Bakit ka kasi nagpalate. Eh nauna ka pa sa akin lumabas ng caf ah." Nagtataka niyang tanong.

The whole time na nasa library kami ay ipinaliwanag ko sa kanya yung nangyari. And to my surprise ay humagulgol siya.

"Ang daya daya mo Allie. Wala pa atang nilalang ang nakasaksi sa mala anghel na ngiti ni Sir Nathan. Bakit ganun? Huhuhu."

Napatingin ako sa paligid namin. Baka mamaya niyan isipin nilang totoong umiiyak tong kasama ko. Mabuti na lang at lahat ng attensyon nila ay nasa table ni Sir.

"Hoy, huwag kang mag.Emote sa harap ko. Jusko. Wala naman yung halaga sa akin. Para sa akin normal smile lang yun. Pero kahit papaano eh nabigla ako nung ngumiti siya." Sinabihan ko siya habang nakatakip parin ang kamay niya sa kanyang mukha.

"Yun nga eh. May halaga yun sa akin. Minsan lang ngumiti si Sir at sa harap pa iyon ng ibang guro. Pero bakit ngumiti siya para sayo?" Tumingin siya sakin na parang maluluha na aiya talaga.

"Alam mo, ang drama drama mo ngayon. Hindi ba pwedend napangiti siya dahil sa stupidity ko kanina? Ano ka ba alangan naman na crush niya ko kaya siya ngumiti. Malabo naman ata yun." Pag eexplain ko sa kanya.

Just thinking about it. napaka wrong talaga.

Nakita ko namang naka relax na tong kasama ko.

"Kahit na ningitian ka pa rin niya. Nakakaselos." Dagdag niya.

I just sighed again. Malakas talaga ang tama nitong best friend kay Mr. Mondragon. I wonder if lahat ng babaeng andito eh ganyan din.

----

Nawala tuloy lahat ng iniisip at napabaling ang attensyon ng lahat sa malakas na tawa na pumaloob sa buong library.

"Hindi ba nila alam na library to?" Inis kong sabi kay Sha.

Nakita namin na kumunot ang noo ni Mr. Mondragon at ibinaba sa mesa ang libro kanyang binabasa.

"Ooopss, mukhang may mapapagalitan ngayon ah." Bulong ni Sha sa kanyang sarili na dahil tumahimik ang lahat ay narinig ko.

Sino kaya tong pasaway?

"Mr. Chavez at Mr. Jimenez. Please come here!" Nabigla ang lahat sa galit na boses ni Sir.

Nakakatakot pala siyang magalit at yung malalim na boses niya helps him to be scarier when he's mad.

Kahit si Sha ay pumisik sa kanyang upuan.

Wait si Andrew at si Jon?

I am fuming.

Pasaway talaga tong si Jon. Ah nakakainis. Pati yung inosenteng Andrew "ko" dinamay niya pa kawawa naman.

I looked at them habang pinapagalitan sila ni Sir.

At mas lalong uminit ang dugo ko ng lumingon sa direksyon ko si Jon at binigyan ako ng isa sa mga signature smirk niya.

I just glared back at him pero hindi yun nagtagal dahil napalitan ito ng mga  nanlalaking mata nang may sinabi si Sha na ikinagulat ko.

"Alam mo Al, sa tingin ko may gusto sayo si Jon."

Seriously?

--------

xoxomisswhatif

KisapmataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon