One »

34 2 1
                                    

Tumunog ng isang beses ang cellphone ko mabuti na lang at hindi gaano kalakas ang tunog nito kundi lagot na naman ako kay Mr. Sungit a.k.a. si Sir Martinez.

Agad akong yumuko at kinuha yung cellphone ko sa ilalim ng desk ko kung saan palagi kong inilalagay ito.

Tinignan ko ang screen nito at meron ngang isang message galing sa mama ko. Pagbukas at pagbukas ko palang ng message ay agad akong nagulat sa malakas na pagbagsak nang makakapal na libro ni Sir Martinez sa desk ko.

"Miss Gonzales! Detention!" Galit na galit na sigaw niya habang tinititigan ako ng mga nanlilisik niyang mga mata.

Hay nako! Detention na naman.

Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan. Lahat ng attensyon ng mga kaklase ko ay napunta sakin.

Bigla tuloy akong nakaramdam nang kahihiyan kaya lumabas na ako ng kwarto ng wala man lang palusot kay Sir Martinez.

Hindi naman talaga tumatalab sa kanya ang palusot eh. Lalo ka lang mapapahamak kung ganoon ang gagawin mo.

Iniwan ko sila doon at nilakbay ang hallway patungo sa detention room.
Habang naglalakad ako ay binasa ko yung text ni mama.

Al, hindi kami makakauwi ngayong gabi. Itext mo ko pagnasa bahay ka na.

Palagi naman kasi silang wala sa bahay eh. Nasanay na ko dun.


Nang makarating ako sa harap ng pinto ng detention room ay ipinasok ko sa bagpack ko yung cellphone baka kasi maconfiscate pa.

Pumasok na ako at bumungad sakin ang madam ng detention na si miss jade.

Kung inaakala niyong bata at sexy pa siya ay nagkakamali kayo diyan. Si miss Jade ay isang matandang dalaga at meron siyang makakapal na salamin sa mata niya. Ilang taon na rin siyang nagtuturo dito.



"Oh, miss gonzales napapadalas ka ata dito sa detention room ah." Pagbati niya sakin.

"Grabe naman po kayo. Pangatlong beses pa lang po ako dito." Sagot ko sa kanya at ngumiti ng kaunti.

"Sige kunin mo yung mop at balde ng tubig sa CR at linisin mo yung hallway."


Napatango na lang ako. Nilagay ko yung bag ko sa isang desk at pumunta sa CR.

Habang naglilinis ako ay ichineck ko yung relo ko at meron pang kalahating oras bago ang next subject namin.

Medyo mahaba ang hallway sa labas ng detention room. Sigurado pagnatapos ako rito mangangamoy pawis talaga ako.

Nakaka badtrip talaga si Mr. Sungit. Akala mo kung sinong teacher eh guro lang siya namin sa music. Napaka strict niya at walang awa sa pagbigay ng low grades. Matanda na kasi eh kaya napakasunggit. Daig niya pa ang mga babaeng nagmemenopause. At kung nakakamatay ang mga titig sigurado ako nasa morgue nako ngayon. Ano kayang problema nun?

Muli kong ibinabad ang mop sa balde ng tubig. Napaka itim na nito.



Yuck. Kadiri. Mga dumi lahat to galing sa mga sapatos nila. Kung bakit ba kasi walang janitor dito dahil public school tong pinapasukan ko.

Sa halip na mangdiri ay binilisan ko ang paglilinis kaya naman natapos ako ng maaga.

"Miss Jade, alis na po ko." Sabi ko at tuluyang pumunta sa laboratory namin kung saan kami nagkakaroon ng science class.

Pinili ko yung upuan sa harapan para makapag focus ako sa lecture. Sa maniwala kayo o sa hindi isa akong honor student kaya kailangan ko ng high grades.


Ichineck ko ulit yung relo meron pang ten minutes bago ang science kaya ipapakilala ko na lang yung sarili ko.

Ako nga pala si Allyah May Gonzales. 16. Palaban ako at wala akong inuurungan.Isang taon na lang at mag sesenior high nako. Ang tawag sakin ng mga tao dito ay Allie. Yung mga magulang at relatives ko naman ay Al.

Galing ako sa mayamang pamilya. Yung mga magulang ko ay business partners noon kaya nagkatuluyan sila. Sila ay mga Business tycoon ngayon. Oh diba ang bongga nila. Yung anak nila pangatlo ng na detention.

Hehehe

Kaya nga kailangan ko ng high grades para naman ma meet ko yung standards nila. At isa pa palagi nila akong iniiwan sa bahay ng mag-isa. Pero okay lang dahil kaya ko naman ang sarili ko.


Talent ko ang pag drawing at magaling akong magpinta. Maiksi at medyo kulot ang buhok at sabi ng iba parang gatas daw ang balat ko pero hindi naman talaga ako ganoon kaputi.

At kung meron mang hindi ibinigay sakin ng diyos iyon yung magandang boses. Kumakanta naman ako. Sa shower nga lang. Hindi rin ako athletic kasi lampa ako.


Yung crush ko, gusto niyong malaman? Si Andrew. Andrew Jimenez. Huwag niyong ipagkalat ha. Isa siyang magaling na volleyball player. Para siyang walking stick kasi mas payat pa siya kaysa sakin. Pero honor student din siya gaya ko kaso hindi kami magkaklase. Ang saklap noh?

Sandali lang ba't biglang dumilim?

"Hulaan mo!" Isang mapaglarong boses ang narinig ko. Pilit kong kinuha yung nakatakip niyang kamay sa mata ko pero mas malakas siya kaya naman wala akong nagawa.

"Hay nako Sha! Akala mo ba hindi ko marerecognize yang boses mo?"



"Ikaw naman allie hindi ka mabiro." Umupo siya sa tabi ko at kinuha yung science book sa bag niya.




Siya pala si Shane Santos. Best friend ko mula nung pumasok ako sa high school. Mas matalino pa siya sakin at magaling magsulat.Volleyball player din siya. Merong time na naiingit ako sa kanya kasi magkasama magpractice ang volleyball boys at girls minsan.

Sha ang tawag ko sa kanya. Malambing at napakasipag. Meron siyang straight at mahabang buhok.

"Oh, kamusta ang detention?" Tanong niya nang hindi nakatingin sakin.



"Hay nako. Pinaglinis ba naman ako ng hallway. Hindi naman ako janitor. Buti na lang nagperfume ako kung hindi nangangamoy nako ngayon." Tawang-tawa kong sagot.


"Amoy na amoy ko nga. Ikaw pa la tong naligo ng pabango. Hahahahaha"

"Ano ka ba, Sha!"

At tumawa kaming dalawa.

Natahimik na lang kami ng magsidatingan na yung iba.

Di nagtagal ay pumasok na rin si Mrs. Diaz para sa science namin.

---------------


Buti na lang thursday ngayon at hindi ako isa sa mga cleaners. Makakauwi ako ng maaga.


"Sha, mauna na ko. Hindi kasi sila ngayon uuwi eh." Pagpapaalam ko habang inaayos yung gamit ko sa locker na nasa likod ng kwarto.

"Sige! Inggat ka. Magkita na lang tayo bukas. I.pm ko na lang sayo mamaya yung homework natin sa music." Sagot ni sha habang nag-aayos ng mga upuan. Cleaner siya kasi ngayong araw.

"Sige, alis na ko."
Lumabas na ko nang tuluyan sa kwarto. Napakabilis naman ng oras tapos na agad ang isang araw. Buti na lang ipinaalala sakin ni sha ang homework sa music kung hindi lagot na naman ako bukas kay Mr. Sungit.

Napatigil ako sa paglalakad ng tumama sakin ang isang volleyball.

Aray! Ang sakit nun ha! Humanda sakin ang taong to.

Agad akong lumingon para hanapin ang salarin habang hinihimas ko ang ulo ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya. Parang napako yata ako sa kinatatayuan ko.


------

xoxomisswhatif

KisapmataWhere stories live. Discover now