¤{Magical 6}¤

6.7K 187 0
                                    

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Sinisigurado ko muna ung desisyon ko bago dumating si Lolo. Kausap pa rin nya ata ung lalaking kanina pa nya kausap.

Di ako mapakali kanina pa. Dahilan? Dahil sa desisyon ko. May part pa rin talaga ng puso ko na nagsasabi ng 'Wag mong iwanan ang Mortal World diba dito ka na lumaki' Sagot naman ni isip 'Tanga ka ba?! Kailangan din. Para sa ikaliligaya ng Lolo nya. Bopols ka talaga kahit kailan!' Sumagot naman si puso ' Tignan mo isip( kailan pa nagka mata ang isip. Haha. Last na joke ko na po ito.) Pag umalis si Sapphire sa mortal world maiiwan dito yung mga kaibigan nya. Si Max, si Alex, at si Khelsea.' Mas lalong nag init si isip 'Tanga talaga kahit kailan. Mag isip ka nga puso( Kailan nagka isip yung puso. Haha. Last na talaga to.) Niloko na nga nung Khelsea mo si Sapphire yung pa inalala mo. At tsaka sila Max at Alex pumayag naman diba? Kaya pede ng pumayag si Sapphire.'

Tinigil ko ang pag iisip bago pa mag init sila puso at isip.

Di talaga ako mapakali. Isama mo pang dahilan yung pesteng kausap ni Lolo sa kwarto ko. Kasi naman yung mga magulang ko eh. Kung di nila ako iniwan sana masaya na kami. Sana... sh*t! Ayoko na.

Habang kausap ko ang sarili ko, nagulat ako dahil finally bumaba na si Lolo galing sa kwarto ko.

Tinignan ako ni Lolo na parang walang nangyari at ngumiti sya sa akin. Nginitian ko rin sya bilang ganti.

"May itatanong ka ba apo? Kanina ka pa di mapakali." Nakangiting tanong nya sa akin.

Nabuhayan ang dugo ko. Pati yung isip, at puso ko.

“Lolo ano pong ginagawa nyo sa kwarto ko?” yan na lang ang mga katagang aking nabanggit. Kahit alam kong may kausap sya sa kwarto ko. May kutob kasi akong may koneksyon pa sya sa mga magulang ko. At isa na don yung anak nya.

Halata sa mukha ni Lolo na nagulat sya sa tanong ko. Ako nga din nagulat at natanong ko iyon eh.

“A-eh kasi apo. Baka pumayag ka na kaya hinanda ko na ung mga damit mo. Hehe. Nasipagan si Lolo mo eh.” tumatawang sagot ni Lolo pero halatang di sya nagsasabi ng totoo.

“Sino po yung kausap nyo sa kwarto kanina?” and again lumabas na lang siyang kusa sa bibig ko. Gusto ko lang ding magsabi ng totoo yung mga taong mahal ko. Si Papa nga kaya yung kausap nya?

“Ah? Ano ba apo ang sinasabi mo?” at si Lolo maang-maangan mode: ON.

“Narinig ko po kasi kayong may kausap sa kwarto. Di ko po sinasadyang makinig. May kausap po kayong lalaki. At kilala nya po ang isa sa mga taong pilit kong kinakalimutan. Sino po ung kausap mo???” May sarili bang isip tong bibig ko?! Nagsasalita ng kusa eh.

Katahimikan…

“Apo? Hindi mo ba kayang mapatawad ang mga magulang mo?” tanong sa akin ni Lolo.

Natigilan ako. Kaya ko na bang magpatawad? Tsaka, magulang daw.

"Ibig sabihin po... Si Papa po ba yung kausap nyo sa kwarto ko?" tanong ko.

Tumango sya bilang sagot. Damn! So totoo. Sya yun. Ang galing nya. Di man lang nya ako kinamusta. Ni di man lang nya ako binati. At nag private meet- up pa sila sa kwarto ko, ang galing lang.

"Kinamusta ka nya sa akin. Tinanong nya din kung pede ka nyang makita. Sapphire, apo. Mahal na mahal ka ng Papa mo." Tsk! Mahal na mahal ako? Duda ako sa sinabi ni Lolo.

"Edi sana kung gusto nya akong makita edi sana ako yung pinakitaan nya. Ok lang naman sa akin eh. Kaso lang di nya ginawa." sagot ko.

"Maniwala ka sa akin. Gustong gusto ka makita ng anak ko. Di lang ngayon. Di pwede..." napatingin ako kay Lolo pagkatapos nyang sabihin yung mga salitang yun. Paanong di pwede? Paanong di pwede ngayon?

"Alam mo apo mahal na mahal ka ng mga magulang mo. Di ka nila iiwan kung di lang nangyari yon. Kailangan nilang umalis at kailangan ka nilang iwan..." dahil sa sinabi ni Lolo nagsimula ng tumulo yung luha ko. Di na kinaya eh. Gulong gulo na ako. Di ko alam kung bakit di pwede? Ano ba yung nangyari noon? Ano ba yung dahilan para iwanan na lang ako dito?

"Alam kong gulong gulo ka na. Alam kong marami kang tanong dyan* sabi ni Lolo sabay turo sa isip ko* sa isip mo, at sumasakit yang* tinuro naman ni Lolo yung puso ko.* puso mo. Pero maiintindihan mo din yan sa tamang panahon" sabi nya sa akin bago ako yakapin.

Lumipas ang ilang minuto at humiwalay din si Lolo sa pagkakayakap sa akin.

"Apo nakapag desisyon ka na ba?" nakangiting tanong sa akin ni Lolo.

Pinunasan ko ung luha ko at simulang sinagot si Lolo.

“Ok na ako Lolo. Payag na po ako mag-aral dun sa Academy.”

"Mabuti naman Sapphire. Ang desisyon mo ay tama." nakangiting sabi nya sa akin.

Tumango na lang ako as response. Payag na ako. Para kay Lolo. Hindi para sa mga magaling mangiwan.

“Mamaya na tayo aalis apo. Wag kang mabibigla sa mga taong makakasalamuha mo ah?! Kaya mo yan.” sabi nya sa akin.

"Basta apo, pag nalaman mo kung ano ang talagang dahilan ng mga magulang mo kung bakit ka nila iniwan sa akin..."

"Labanan mo ang mali at palitan ito ng tama. Ipaglaban mo ang mabuti at wag ang kasamaan. Wag kang magpapabulag sa galit bagkus intindihin ang lahat. Wag ipilit ang ayaw baka ito'y makakasama pa. Gamitin mo ang Light spells na galing sa Papa mo kaysa sa Dark spells na minana mo sa Mama mo. Intindihin mo ang lahat apo, iintindihin ka din nila." bago umalis si Lolo tinap nya muna yung balikat ko atsaka umakyat sa kwarto nya.

Iniwan nya akong gulong gulo dito at may napaka daming tanong sa isip ko. Ano ba talaga yung dahilan na yun? Ni hindi ko nga malaman kung ano yung ibig sabihin nung sinabi nya.

Basta ang alam ko lang di rin magtatagal at makikita ko rin sila.

_________________

Enjoying the story?

Don’t forget to

VOTE AND COMMENT.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansWhere stories live. Discover now