¤{Special Chapter: North Kingdom~Air Palace}¤

2.3K 62 1
                                    

SHANE'S POV

Kasalukuyan akong nandito sa garden. Nakaupo sa bench.

Namimiss ko na ung mga kaibigan ko. Si Sapphire, Gab, Sky,Blue,James,Ace at si Cyriel. Lalong lalo na ang aking mahal si Flare.

Ano na kaya ginagawa nun sa kaharian nila? Wag syang magtangkang tumingin sa ibang babae, kundi malilintikan sya sa akin. Mag papakwento ako kay Sky kung may ginawa ng kuya nya.

Natawa na lang ako sa kagagahan ko. Ganyan talaga ako magselos, OA.

"Anak sino ba yang nasa isip mo at tumatawa kang mag-isa?" nagulat ako dahil nandito na pala ang aking mom.

Si Queen Liana Amethyst, ang aking mom. Isang Legendary Magician. Master nya ang Air power.

"Mom! Wala po." sagot ko.

"Boyfreind mo siguro. Sino ba yan?" tanong ni Mom.

"Di po ba kayo magagalit kung boyfriend ko nga?" tanong ko. Biglang nag iba ung aura ni Mom. Sabi ko na eh, di papayag to. Sabi nya kasi sa akin, pag may nanliligaw sa akin padaanin muna sa kanila ni Dad. Eh di nila alam na niligawan ako ni Flare at sinagot ko na sya.

"Aba sino yang boyfriend mo? Diba sabi ko sayo padaanin muna kala Mom at Dad kung sino nanliligaw sayo?" mataray na sabi ni Mom.

"Eh magagalit po kayo eh. Baka palamon nyo ko sa mga alaga nating leon." sabi ko.

"Sino nga kasi yan?" Mom.

"Si---

*tok*tok*tok*

Binuksan ko ung pinto ko. Bwiset na bwiset si Mom.

"Nakakaistorbo ba?" tanong ni Dad.

Si King Quazo Amethyst, ang aking Dad. Isa ring Legendary Magician.

"Oo, mahal. Nakakaistorbo ka." bwiset na sabi ni Mom.

"O sige alis na nga ako. Shane muka namang ayaw ng mom mo na nandito ako." nagtatampong sabi ni Dad na dapat aalis na sya kaso lang nagsalita lang agad si Mom

"Bahala ka, di mo malalaman kung sino ung boyfriend ng anak mo." tumigil sa paglalakad si Dad.

"Shane! Bakit may boyfriend ka na? Diba sabi ko padaanin mo muna sa amin." galit na sabi ni Dad sabay upo sa bench katabi ni Mom.

Sabi ko na eh, malalagot ako dito. Ang daldal mo naman kasi Shane eh. Nakakasora!

"Sorry po kung di na po namin nasabi ni Flare." nakayukong sabi ko.

"Flare? Flare Smith ng Ice Palace? Yun ba ang boyfriend mo?" tanong ni Dad.

Tumango lang ako. Hihintayin ko sana na pagalitan ako kaso lang unexpected ang sumunod na nangyari.

"Wahhh! Tignan mo mahal. Dalaga na ang ating anak." sigaw ni Mom sa kilig.

"Kailan ang kasalan anak? Magpapabili na ba kami ng iyong tiara at iba pang mga damit pang kasal?" sunod-snod na tanong ni Dad.

"Di po kayo galit?" tanong ko. Bihira kasing maging ganito kasaya sila Mom at Dad.

"Syempre anak hindi. Masaya kami. May kasalan na bang magaganap?" tanong ni Dad.

"Wala pa po." magalang kong sagot.

"Pa? Edi ibigsabihin may mangyayari nga?" sagot ni Mom.

"Wala pa nga po." sagot ko.

"E bakit nagba blush ka?" sabay na tanong nilang dalawa.

Dinama ko ung pisngi ko. Mainit nga.

"Susuportahan ka namin kung ano man ang iyong maging desisyon anak." Mom.

"Pero pag sinaktan ka ni Prince Flare, sabihin mo sa akin, lulumpuhin ko gamit ng kapangyarihan ko." Dad.

Natawa na lang ako sa kagagahan ng aking mga magulang.

_____________________________

Enjoying the story?

Don't forget to

VOTE AND COMMENT

Ps. Mahal ko kayo. <3

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansWhere stories live. Discover now