¤{Magical 41}¤

2.6K 79 9
                                    

At dahil nakatupad kayo sa plano, enjoy the update!!!! Sana di kayo magsawa sa story ko pati na rin sa bagal ng update ko. Dedicated nga pla kay Kimjiey_garcia28 dahil sa comment nya noong Magical 39. Sana di ka magsawa sa support.

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Lumipas ang mga oras at di ko namalayan nakatulog pala ako dito sa ilalim ng puno. Dito kasi ako pumunta matapos yung nangyari doon sa training room.

Haist! Yung nangyari doon! Buti at napigilan ko yung sarili ko kundi nakapatay nanaman ako. Hindi lang isang ordinaryong tao yon! Prinsipe kaya si Cyriel. Fire Prince.

Napatingin agad ako sa kamay ko kung saan galing yung black flames kanina. "Isa ka pa! Nakakasora ka kanina! Muntik na ako makapatay nang dahil sayo! Tsaka magpapakontrol ka paminsan minsan ah!" natawa na lang ako sa kabaliwan ko sa pakikipag usap sa sarili ko.

Ang hirap pala tumira dito? Haha. Napaka taas nang standards ng mga tao dito. At isa sa mga standards na yon dapat may magic ka. Napaka hirap lang sa akin kasi yun ang pinaka ayaw ko.

Kasalanan din naman kasi ni Cyriel eh. "Tangines ka kasi eh! Binuhay mo pa yung magic sa katawan ko. Muntik na tuloy kitang mapatay!" para akong tangang kumakausap sa sarili ko.

"Walang silbi ang sorry kung walang sincerity." natigilan ako ng may narinig akong boses na sigurado kong kay Cyriel.

Napalingon ako kaagad atsaka nakita ko syang nakingiti sa akin.

"Ka-nin-a k-a pa?" kinakabahang tanong ko. Baka kasi narinig nya yung mga sinabi ko at baka malaman nya kaya kong magpalabas ng black flames.

"Hindi." walang emosyong sabi nya. Bumalik nanaman yung Cyriel na nakilala ko nung first day.

"Bat ba ang sungit mo?" inis kong tanong sa kanya. "Hindi ako masungit. Mabait ka lang talaga." ouch! Basag! Pero tama naman yung sinabi nya mabait ako. Haha. "Oo. Mabait ako. Pero masungit ka talaga." sabi ko sa kanya. "Totoo nga ang sinasabi ng iba. Maganda ka lang wala ka namang utak." nakangising sabi nya sa akin. Tangines! Sinabihan ba nya ako ng maganda? Shems! Kaso lang sinabihan din nya ako nang wala utak. Sh*t lang! "I mean---
"Oo naiintindihan ko." pagputol ko sa sinasabi nya. Nasigaw ko na! Nakakainis kasi eh. Tsk! Papaliwanag pa sya e nakakaintindi naman ako.

So ayun. Akward ang atmosphere namin. Wala kasing ni isa sa amin na nagtatangkang magsalita. "Sorry." pambabasag ko sa katahimikan. Tumango- tango lang sya. "Aalis na ako." paalam nya sa akin pero di pa rin sya nakatingin sa akin. Aalis na sana sya nang hinawakan ko siya sa braso tsaka hinitak pabalik. Napatingin sya sa akin at nang biglang nagtama yung mga mata namin. Sh*t yung mga red nyang mata. Tsaka ano tong nararamdaman ko? Static electricity? Kinetic energy? Potential energy? "Sorry talaga. Di ko naman alam na--- "Okay nga lang. Naiintindihan ko." sabi nya at hindi na rin nakatingin sa akin. Di ko na siya pinigilan umalis kasi mukang ayaw rin nya ako kausap.

Napagdesisyunan kong magpahinga na kasi naman bukas na yung mission namin.

CYRIEL'S POV

Bakit ganun? Bakit ganun yung naramdaman ko nang hinawakan nya ako? Damn! Nakakabaliw mag isip.

Kung nagtatanong kayo kung totoo yung sinabi ko kay Sapphire na kakarating ko lang, totoo yun. Kakarating ko lang talaga yon.

"Saya nyo ni Sapphire ah?" natigilan ako nang bigalng sumulpot si Ace sa harapan ko. "Pakielam mo ba?" walang emosyong tanong ko. "Alam mo Cyriel di ka pa rin nagbabago." nakangising sabi nya sa akin. "Alam ko." malamig kong sagot sa kanya. Narinig ko siyang tumawa. Tsk! Anong ginagawa nya? Baliw na ba sya? "Bakit nandito ka pa?" naiinis kong tanong sa kanya. Tinignan nya ako tsaka nagsalita. "May gusto ka ba kay Sapphire?" natigilan ako sa tinanong nya. "Wala." diretsong sagot ko. Pero sa tingin pa lang nya alam kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Wala akong gusto kay Sapphire." sagot ko ulit. "Ano bang pakielam ko sa kanya? Trainor lang nya ako at hanggang dun lang din ang tingin nya. Kaya wag kang maglagay nang malisya sa lahat ng ginagawa namin." paliwanag ko pa atsaka umalis.

Wala na akong time makipagkwentuhan sa kanya. At lalong wala akong time lagyan nang malisya lahat nang ginagawa ko para kay Sapphire.

ACE'S POV

Hindi pa rin nagbabago si Cyriel. Masungit pa rin sya. At nakakasora rin sya at the same time.

Bakit ba naiinis ako sa tuwing magkasama silang dalawa? Magkaibigan lang naman kami ni Sapphire. Diba dapat ko pa syang layuan dahil sa nakita ko sa training room, pero parang gusto ko pang mas mapalapit sa kanya? Sh*t! Nakakabaliw na. Baliw na baliw na ako sa kanya. Yakks! Corny!

"Ace!" rinig kong tawag nang isang babae sa akin sa di kalayuan.

"Kamusta na?" tanong nya ulit sa akin. Napakunot lalo yung noo ko. "Sino ka ba?" tanong ko ulit pero nawala na yung kaninang tumatawag sa akin.

Napailing na lang ako. Ace matulog ka na! Guni-guni mo lang yon. Makatulog na nga. May mission pa bukas.

_________________

Sopas ba? Sorna. May project kasi ako ngayon e. Mahirap. Kaya mag comment kayo ng inspiring para maginhawaan ako. Salamat Elites!

Don't forget to vote and comment! Be a fan!

Ps. Please support this and 'That thing called inlove ka na'. One shot lang pero maganda.

Pss. Mahal kayo ni awtor. Mwapps!

6 votes and comments= UPDATE




Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansWhere stories live. Discover now